Pahina 9

75 6 0
                                    

9



Para akong hinahabol ng aso sa bilis kong pag-alis sa loob ng opisina ni sir Cain. Muli naman kasing nagkasagutan ang mag-ina pagkatapos akong palabasin ni sir Cain sa opisina nito. Hindi pa ako tuluyang naisara ang pinto kaya hindi ko maiwasang marinig ang pagtatalo.



"Will you fucking get out?!" galit na sigaw ni sir Cain na halos ikatalon ko sa gulat



"Son-"



"You already messed me up, Mother. I won't let you ruin me again"



"I didn't ruin you, Cain! I just helped you how to choose the right woman for you, son"



"Dahil doon iniwan niya ako! Saan ang tulong na sinasabi mo?"



"Clearly she loves money more than she loves you! She's just a gold digger-"




"Fucking shut up! Get out now!"



Hindi ko na masyadong narinig kung ano ang sinabi ni Mrs. Galleni dahil naisara ko na ang pinto ngunit rinig ko pa rin ang sigawan sa loob ng opisina. Nang madaanan ko ang mga cubicle na nadaanan naming ni sir Cain kanina, normal lang ang mga nakaduty doon. Halatang walang ideya sa sigawan sa opisinang nasa sulok ng floor na ito.



Nilakad ko ang papuntang elevator. Nanghihinang pinindot ko ang button pababa. Hindi rin naman nagtagal ay bumukas iyon. Pumasok ako at pinindot ang floor naming sa station. Papasara na ang elevator nang may pumigil doon na kamay. Hindi halata sa aking mukha ang gulat nang makitang si sir Cain iyon.



Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nagsettle ito sa kabilang sulok ng maliit na kuwarto kakasara lang. Hindi ko magawang hindi siya pasadahan ng tingin. Mahigpit ang kapit nito sa malamig na handle ng elevator. Halos puputok na nag mga ugat nito sa kamay sa higpit ng kapit doon.



Umangat ang aking tingin sa kanyang mukha. Namilog ang aking mata nang makitang may pulang marka sa kanang pisngi nito. Tuwid ang tingin ni sir Cain sa harapan. Umiigting ang panga sa galit. Madilim ang mga mata.



"Stop staring"



Agad kong iniwas ang aking tingin sa mukha nito. Yumuko ako para hindi na maakit na tingnan itong muli at baka madamay ako sa galit nito.



Tahimik kaming dalawa habang hinihintay ko ang pagbukas ng elevator papunta sa station. Sa sobrang tahimik rinig ko ang pagtunog ng mga metal sa pababang elevator. Ang lamig kanina ay tila nadagdagan pa sa ngayon.



Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa palapag na ako ng station ay humakbang na ako sa unahan. Hinihintay ang tuluyang pagbukas. Isang hakbang palabas sa elevator nang pigilan ako ng isang kamay mula sa likod. Napaurong ako at nilingon ang gumawa noon.



"Join me"



"Ha?" naguguluhan kong tanong sa sinabi nito



Tila wala itong narinig at hinila ako papasok muli sa elevator. Pinindot nito kaagad ang button pasara. Mahigpit ang hawak nito sa aking braso ngunit hindi ako nasasaktan sa paraan ng paghawak nito.



Malamig tingnan ang kabuuan ni sir Cain kabaligtaran sa init ng kamay na may hawak sa akin. Tiningnan ko ang kamay nito sa aking braso dahilan ng pagtingin din nito doon. Sinubukan kung hilain ang aking kamay para bitiwan ako ni sir Cain ngunit hindi niya ako hinayaang makawala.



"Sir, may pasok pa po ako sa station"



"Let them handle it"



"But-"



Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now