Pahina 36

71 6 0
                                    

36

Sa loob ng isang linggo, pinigilan ko ang sarili na sumabog. Nasundan na naman kasi ang pagsasama nila Cain at Diane. Sa pangalawang beses nakita ko silang pumasok sa isang restaurant. Hawak pa ni Cain ang braso ni Diane. Inalalayan nito ang babae papasok sa restaurant na iyon. Sa pangatlong beses ay pumunta si Diane sa Galleni building para kunin si Cain sa akin.



Bilib ako sa lakas ng loob ni Diane gawin iyon. Siguro dahil gusto siya ni Mrs. Galleni para kay Cain.



"Cain, I've been looking for you. Kung hindi sinabi ni tita na andito ka hindi kita mahahanap" napatigil ako dahil bigla nalang bumukas ang pinto sa opisina ni Cain. Iniluwa ang babaeng gusto kong tanggalan ng buhok.



"Diane, what are you doing here?" Cain asked. Gulat pero hindi umalis sa aking tabi. Bagkos ay humigpit ang hawak nito sa aking beywang.




"Hinahanap kita. May usapan tayo na sasamahan mo ako sa doctor?"




Bumaling ako kay Cain. Akala ko ba matitigil na ito gayong nandito na ang mga magulang ni Diane? Ano ito?




"Where are your parents?"




"Daddy is busy. Same as mom"




Pinipigilan ko ang sariling hindi mapaikot ang mga mata. Halata namang nagsisinungaling ang babaeng ito. Tanga lang yata ang hindi makakapansain non.



"I already told you Diane, I won't be with you now. Nandyan na mga magulang mo. Sila ang guluhin mo."




"You... promised..." para itong tutang nawawala sa gitna ng syudad. May namumuong luha sa mga mata nito. Kung hindi ko lang alam ang mga tactics ng Diane nito ay aakalain ko talagang kailangan na kailangan niya si Cain ngayon. Lalo pa noong sinapo nito ang dibdib. Umaaktong nahihirapan na sa paghinga.




Bago pa madaluhan ni Cain si Diane ay lumapit na ako sa babae. Kung pwede lang sabunutan ay kanina ko pa ginawa. I guided her to the couch. Sinigurado ko talagang malayo itong nakaupo kay Cain. I don't want to see Diane touching Cain while I'm around them. Nag-iinarte lang naman ang babaeng ito.




"Okay ka lang?" I acted as if I'm concerned. If she can act then I can too. Pretty well.




Hindi ito sumagot bagkos ay binigyan ako ng matalim na tingin. Huli kitang babae ka. Alam ko lahat ng galaw mo. You want my boyfriend. Sorry. You can't have him. At least not for this month. Pagkatapos ng buwang ito ay sayong-sayo na si Cain.




Kung gusto niya ihatid ko pa ang boyfriend ko sa harapan nito. Tingnan nating kung makakahinga ka pa ng maayos sa sobrang galak. Iyon ay kung totoong may sakit  ka. Sana nga meron. Iyong malala at para lahat ng oras ni Cain ay na sa sayo na.




"Baby, can I have some bottled water? Kailangan yata nito ng tubig" Nilingon ko si Cain na nakatayo na mula sa pagkakaupo kanina. Hindi nga lang ito umalis sa pwesto nito. He was just looking at me like... I don't know. Hindi ko mabasa kung anomang meron sa mga mata nito.




"Okay" sagot nito.




Muli kong nilingon si Diane. May luha na sa mga mata nito. At nang pumikit ay tumulo ang isang butil ng luha sa pisngi.  I only smirked. Galing din nitong umarte e no?




Nong lumapit na sa amin si Cain, may dalang bottled water ay nagsimula ulit umarte si Diane. Sapo ang dibdib. Ang mga hininga ay sobrang bigat. Nagsimula na ding mamula ang mukha.



Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now