Pahina 33

63 5 0
                                    

33

Gaya nang nauna kong paalam ni Ms. Joyce, hindi ako nakapasok sa shift ko. Hindi ako pinayagan ni Cain. Gusto ko mang pumasok ay parang hindi ko rin magawa ng tama ang trabaho ko.




Mugto ang aking mga mata. Lutaw din ang utak ko ngayon.





Nagkaayos na kami ni Cain. He forgave me, I guess. Hindi na kasi madilim ang mukha nito. And also, I'm sitting on his lap now while his signing papers. He used his left hand to hold his pen and his right hand was caressing my waist and sometimes my hair.





I was leaning on Cain's shoulder. My legs were kept on his right side. My arms wrapped around his neck. Inaantok ako sa posisyon naming dalawa. I'm not sure if he's comfortable of me sitting on his lap. Pero mukhang gusto naman ni Cain na nandoon ako. Noong sinubukan ko kasing bumaba sa kandungan nito ay humigpit ang hawak nito sa aking beywang. He groaned as a protest too.



So I stayed on his lap. Trying to fight my sleepiness but as time went on I fell to sleep.




Nagising ako na nandoon pa rin ako sa posisyon ko kanina. Tapos na si Cain sa trabaho nito. Wala na ang mga papel sa ibabaw ng mesa. Tanging ang laptop nalang nito, cellphone at ang ballpen na hawak kanina ang nandoon.




His arms were wrapped around my waist. At nang makita nitong gising na ako ay umakyat iyon sa aking likod, ang isa sa aking batok. He pulled me by my neck so he can kiss me.




Malalim at matagal ang halik na ginawad ni Cain sa akin. Nakakapanghina ng katawan at nakakawala ng isip.






"You okay now?" He asked






Tumango ako. Physically, yes. But my problem is still there, in my heart and in my mind.




"Let's go home"




Tumango ulit ako. Bumaba ako sa kandungan ni Cain. Hinawakan niya ako sa magkabilang bahagi ng aking beywang para tulungan, na hindi ko naman kailangan pero hinayaan ito.



Nakapalibot ang kamay ni Cain sa aking beywang habang naglalakad kami papuntang elevator. Hindi ako nito binitiwan kahit noong nakapasok kami sa elevator at noong  bumukas iyon sa lobby ng building.





Napatingin kaagad sa amin ang guard na mabilis ang galaw para pagbuksan kami ng glass door. Medyo may kabigatan iyon kaya tinulungan ito ng isa pang guard sa kabilang side. Two doors were opened nang narating namin ni Cain iyon. The guards greeted us. Ako lang ang ngumiti sa mga ito dahil busangot ang mukha ni Cain. Hindi ko alam kung ano ang meron dito ngayon. Okay naman ito kanina opisina.




"Anong problema mo?" Tanong ko pagkapasok nito sa driver's seat.




"I'm jealous" sagot nitong hindi nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko. Saan? Sa dalawang gwardyang nginitian ko? "I remember again how you smile at that asshole"




Napaikot ako ng mata. Kakalabas lang namin ng parking lot sa oras na iyon.




"Akala ko okay na tayo?" Pinaliit ko ang aking boses. Nanlalambing ko din na niyakap ang kanang kamay nito na nakahawak sa manibela.





Cain glance at me for seconds bago binalik ang tingin sa daan. Hinigpitan ko pa ang yakap sa braso nito. And like magic, the darkness on his eyes faded. May pinipigilan itong ngiti sa mga labi ngayon.




I smiled. Hindi ko hinitiwan si Cain hanggang sa makarating kami sa apartment. He kissed my forehead before I let go. Pinagbuksan ako nito ng pintuan.





Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now