Pahina 12

59 7 0
                                    

12



"Hi! Anong ginagawa mo dito?" bungad ko kaagad kay Arlon nag makita kong nakaupo ito sa upuang gawa sa kawayan



Tumayo din ito pagkakita sa akin. Ibinuka nito ang bibig upang magsalita nang natigil iyon sa ere. Bahagyang nanlaki ang mga mata na nakatingin sa aking likod, dahilan din ng paglingon ko sa aking likuran. Ako naman ngayon ang nanlaki ang mga mata. Si sir Cain na nagpapahid ng pawis nito sa mukha gamit ang panyong bigay ko dito. Hawak sa kanang kamay ang karit.



Muntik na akong mapamura dahil doon. Bakit ito sumunod sa akin? Ngayon kailangan kong ipaliwanag kay Arlon kung bakit narito ang boss namin at nang hindi ito mag-isip ng kung ano-ano.



"What are you doing here?" matigas ang boses ni sir Cain



Ako dapat ang magtanong non dito. First, hindi kami close. Second, as far as I remember 'galit' ito sa akin. Maiintindihan ko pa ang biglaang pagsulpot ni Arlon ngayon.



"Bumisita lang kay Jasmine, sir" sagot ni Arlon nang makabawi gamit ang malamig nitong boses



"When are you leaving?" laglag ang aking panga sa tanong ni sir Cain kay Arlon



What the hell?! Kung makapagtatanong ito ay parang pagmamay-ari nito ang lupang kinatatayuan, ah?



Gulat din si Arlon sa tanong nito. Si sir Cain naman ay balewala ang mga naging reaksyon namin ni Arlon. Komportable itong nagsalin ng malamig na tubig sa baso mula sa pitsel na nasa mesa at nakatingin kay Arlon habang umiinom. Naibaba ko ang aking salakot para bigyan ito ng masamang tingin na binalewala nito.



"When are you leaving?" muli nitong tanong



Doon na ako gumalaw. Marahang hinawakan ang braso ni Arlon para mailayo sa galit na mga mata ni sir Cain.



"Sorry. About that" ani ko nang medyo nakalayo na kami kay sir Cain. Though, tanaw pa kami ng huli mula sa aming kinatatayuan pero at least hindi naririnig kung ano man ang pag-uusapan naming ni Arlon.



"Anong ginagawa ni Mr. Galleni dito?"



"Hindi ko alam" amin ko "Bigla nalang siyang dumating dito kanina"



"Parang ako lang din" Arlon sighed. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ang sinabi ko

Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now