Pahina 25

63 6 0
                                    

25

"Hi!" Maaliwalas ang ngiti ni Arlon. Itinaas pa nito ang kaliwang kamay at iwinawagayway.

"M-morning..."


Alam kong inosente ang pagpunta ni Arlon dito sa amin pero hindi ko maiwasang kabahan. Cain's on his way here too. Ayokong magpang-abot ang dalawa. Masyadong mainitin ang ulo ni Cain and who knows ano ang magiging trip nito kapag nakita si Arlon.


"Sinundo kita dahil may pinuntahan ako sa dito sa malapit"



Binuka ko ang aking bibig para magsalita pero itinikom ko ulit dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I was about to say that Cain's gonna pick me up when suddenly, a roaring car drove fast and immediately stopped just inches away from Arlon's car. Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat.


Galit na lumabas doon si Cain. Madilim ang mga matang nakatingin kay Arlon. Looks like any minute from now, Cain would punch Arlon straight to the face. Agad ko siyang sinalubong at hinawakan ang magkabilang braso. I was hoping that holding him might ease his bad mood.



Bumaba ang tingin nito sa akin. Hindi na ganoon kadilim ang tingin nito, though, bumalik din kaagad nang muli itong tumingin sa lalaking naunang dumating kaysa dito.



"The fuck are you doing here?!" Cain hissed. Pinisil ko ang magkabilang braso nito na hawak ko. Tiningala ko siya para tingnan din niya ako.


"Susunduin ko lang si Jasmine" malamig na sagot ni Arlon. Gusto ko siyang tinginan at manghingi ng sorry pero mas kailangan ko yatang ibuhos ang buo kong atensyon sa lalaking galit.



"Not your job, asshole"



"Niether yours" napamura ako sa isip pagkarinig sa sagot ni Arlon. Tumiim ang bagang ni Cain. Umigting ang panga at halos tumigas ang mga braso nito. This is not good!



"Arlon, susunduin kasi ako ni Cain" nilingon ko na ito. Humingi din ako ng pasensya gamit ng aking mga mata.



Bumagsak ang balikat ni Arlon. Mahinang tumango at pumasok na sa kotse nito. Nang makaalis ang lalaki muli kong tiningala si Cain. Hindi na madilim ang mga mata nito pero umiigting pa rin ang mga panga. The usual habit I noticed, but this time, he's clenching his jaw for a reason I know exactly.


"Good afternoon" seryoso nitong wika. Pumalibot ang kamay nito sa aking beywang. Gumapang ang isa nitong kamay papunta sa likod ng aking ulo at itinulak pabaon sa kanyang dibdib. Nagpaubaya ako. My face rested on his hard chest. I can clearly hear the beating of his heart. It was fast and loud.



"Galit ka?" Bulong kong tanong. Hinalikan nito ang tuktok ng aking ulo bago sumagot. Napapikit ako doon.



"Hindi sa'yo"



I sighed.


Hindi ako nagsalita nang iginiya niya ako papasok sa kanyang kotse. Hindi rin ito nagsasalita nang tahakin na namin ang daan.



Cain's is possessive. Iyon ang napansin ko simula pa lang pero dahil gusto ko siya, hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin masyado. I like him being possessive to me.




Katulad nong nakaraan, pinagtitinginan kami ng mga empleyadong nakakita sa amin. Mga bulong na narinig ko nong una at pati ngayon. Si Cain ay nasa aking tabi at hawak ang aking beywang. Siya din ang nagdala sa bag ko.  Hindi naman iyon kabigatan at kaya ko namang dalhin but Cain insisted that he will hold it for me.




Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now