Pahina 14

64 6 0
                                    

 14



Ilang araw ang lumipas mula noong away nila sir Cain at Arlon ay naroon pa rin iyon sa utak ko. May minsan pa nga naisip kong itext si sir Cain para alamin kung okay lang ba ito na agad ko namang winaglit sa aking isip.



Dalawang araw nalang at babalik na ulit ako sa Manila. Nagpasya akong huwag munang isipin iyon hanggang sa matapos ang trabaho dito sa bukid. Ngayon din ang huling araw ng paggi-giik ng mga palay. Hindi na rin ganon karami ang mga tao sa bukid. Kaunti nalang dahil tapos na ang ani. Ako at si Vanda ang nandito sa bukid para asikasuhin ang mga palay. Kasama namin si Marco na kakadating lang mula sa paghahatid kay Lily sa Malolos.



"Handa na ang truck para dito." si Marco na tinanguan ko



Hapon na nang matapos ang paggigiik ng palay. Tumulong si Marco sa paghahakot ng palay papuntang truck na nakaparada hindi kalayuan mula sa pinaggiikan ng palay. Gustuhin man naming tumulong ni Vanda ay hindi naming kaya ang bigat ng isang sakong palay. Pinaubaya nalang namin iyon sa mga kargador na kasali sa anihan noon.



"Ilang kaban ang naani ngayon?" tanong ni Marco pagkabalik nito mula sa pagkarga



Sinabi ko dito kung ilang kaban ang naaning palay. Mas malaki iyon kaysa sa huling ani namin.



Tanaw ko ang dating berdeng bukid na ngayon ay nagkukulay brown na dahil sa mga dayaming nakakalat. Nagsimula na ding patubigan ang palayan para ihanda sa susunod na taniman. Mula sa aming kinatatayuan, tanaw ko din ang mga ibong tagak na masayang nagliliparan sa paligid.




Habang pinanood ko ang malayang paglipad ng mga ibong tagak bigla kong naisip ang buhay sa Manila. Walang preskong hangin doon hindi kagaya dito. May hangin pero may kasamang usok na iyon ng mga sasakyan.



Hindi ko kayang mamuhay sa ganoong lugar na matagal. Ilang beses ko na ding naisipan kung kailan ako magre-resign at bumalik dito sa bukid at manirahan ng payapa habang buhay. I already reached my dream job. A year and couple of months in the field already gave me the satisfaction. Iyong hindi ko pagsisisihan na hindi ko man lang sinubukan. Siguro ang pagiging radio dj ang pangarap kong trabaho pero mas gusto ko pa din mamuhay dito sa bukid hanggang sa pagtanda ko.



"Kumusta na iyong mga bisita mo?" napukaw ako sa malalim na pag-iisip dahil sa tanong ni Marco



"Okay naman si Arlon" sagot ko dito, I already forgave Arlon. Kagabi nga ay nagtext ito kung kailan daw ang balik ko na sinagot ko din.



"Yong isa?"


Marin Diaries: Jasmine [COMPLETED]Where stories live. Discover now