CHAPTER 53: Game Over

74 17 3
                                    

Ilang minuto kaming umiyak at nagluksa sa pagkamatay ni Irra. Ni walang rebel ang nakapasok sa building dahil sa isinagawang proteksiyon ni Ciana. Hinayaan muna naming magkagulo ang labas upang mapagluksaan ang kaibigan namin.

Nakatulala ako sa kawalan. Si Irra, kahit hindi kami malapit sa isa't-isa ay naging espesyal na rin siya sa akin at panigurado akong ma-mimiss ko siya.

Napalingon ako kay Xymon na marahas na tumayo ay marahas ring pinunasan ang mga luha niya. He looks in rage, matigas ang ekspresyon ng mukha nito at hindi ko na ngayon nakikita ang Xymon na nakilala ko noon.

Napatayo kami nang bigla siyang tumalikod at papunta sa labas. "Where are you going?" Tanong ni Spades.

Nilingon niya kami habang nakatalikod. Nakakuyom ang mga kamao niya at lumalabas na dito ang balahibo ng isang hayop. "I'm going to look for Mary and don't stop me from killing her." Mapait at galit na sabi niya at walang pasabing nag anyong leon at pasugod na lumabas sa building.

Ngayon, parang nasira na ang pagkakaibigan namin kay Mary. Naging iba na ito biglaan na ikinagulat nalang namin. Kaya pala, kaya pala may kakaiba tuwing tinitignan ko siya.

Saka ko lang naalala si Mary. Ang boteng hawak niya! Kailangan naming makuha yun!

Agad kong dinampot ang espada ko at tinignan sila. "Yung boteng hawak ni Mary, kailangan nating makuha 'yun!" Sabi ko at kumaripas ng takbo palabas.

Muli kong nasaksihan ang gulo sa labas, mas malala na iyon keysa kanina. Dugo ang unang bumungad sa akin sa bawat gusali na nakikita ko, may bumabakat na dugo roon at napapalibutan ng apoy.

Ipinikit ko ang mata ko sinubukang kausapin ang kalikasan upang madaling mahanap si Mary.

"Sacred Garden." Bulong nila sa akin kaya nagmadali akong tumakbo papuntang sacred garden, hindi iyon kalayuan sa pwesto ko kaya hindi na ako nagsayang ng oras.

Ramdam ko ang pagsunod sa akin ng iba pang Elites habang tinatahak ko ang ruta papuntang sacred garden habang nakikipaglaban sa mga rebeldeng nakakasalubong namin.

Pag-apak ko palang sa entrada ng hardin, natanaw ko na si Xymon na nasa anyong leon pa rin at si Mary na nakatutok ang espada sa kanya habang hawak-hawak ang bote sa isa niyang kamay.

"Fucking traitor!" Sigaw ni Xymon at walang pasabing dinamba si Mary.

Kaagad na pumaibabaw si Xymon kay Mary pero nasipa niya si Xymon ng malakas at nakakuha ng tiyempong masugatan si Xymon kaya napasigaw ito.

"Mary!" Napalingon si Mary kay Langit nang bigla niya itong tinawag. Naluluhang tinignan ni Langit si Mary habang bumabakas ang kalituhan sa mga mata nito.

"A-ano bang nangyayari sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Langit habang walang emosyong nakatingin sa kanya si Mary.

"Anong nangyayari sa'kin? Simple lang, na-realize ko na mas magandang makipagsabwatan sa mga rebelde dahil wala naman kayong pakialam sa akin!" Aniya na ikinatigil naming lahat.

Anong walang pakialam? Siya ang pinakaunang nakalapit ko nang makarating ako muli rito sa Majestia. Siya ang unang nakagaanan ko ng loob. Ba't niya sinasabing wala kaming pakialam sa kanya?

Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata niya. Bakit kami nagkakaganito? Parang kahapon lang ang saya-saya namin tapos ngayon ay nagsimula na kaming magkawatak-watak.

"Porket ba ako ang pinakamahina sa ating lahat, babaliwalain niyo na ako?" Puno ng hinanakit na sabi niya habang walang emosyon nakatingin sa amin lahat. 

Napansin ko si Xymon na gumagala sa likod nito, nagtama ang mata namin kaya umiling-iling kayo hudyat na wag gawin ang dapat niyang gawin pero hindi siya nakinig.

A World Called Majestia [COMPLETED]Where stories live. Discover now