CHAPTER 41: Hottie Spades

86 15 14
                                    

Hindi ko alam ang dapat kong gawin o iisipin sa nakikita ko ngayon. Para akong mahihimatay at hindi ko maalis ang mata ko sa katawan niya.

Ikinalaki ng mata ko kanina ang biglaang paghubad ng damit ni Spades! Hindi ko alam bakit niya ginawa yun pero isa lang ang epekto sa akin nun, nagdurusa ako ngayon habang tinitignan ang perpekto niyang katawan.

Ang laki ng mga muscles niya na para bang biniyayaan na siya nito. Malapad din ang dibdib niya and shit, kitang-kita yung mapormang six pack abs niya. Pwede nang pang-agahan.

Joke lang.

Gustong-gusto kong ipikit ang mata ko ngunit nagtama ang landas namin. Bumagal ang paghinga ko nang makita ko siyang nakangising nakatingin sa akin, kinindatan niya pa ako.

Tama na, Nashy! Ang halay mo!

Umiwas ako ng tingin pero di ko maipagkakaila ang kaba at pamumula ng mukha ko. Nagsimula na akong tuksuhin ni Langit at ni Mary dahil ang pula-pula ko daw.

"Masanay ka na kay Spades, mahilig talaga yan maghubad." Ani Langit at saka pa tumawa. Napanguso nalang ako.

Saglit akong napatingin sa open space nang biglang may sumulpot na malaking ahas roon, hindi lang malaki, higanteng ahas.

Napalunok nalang ako dahil sa bangis nito. Lumalabas-labas pa ang dila nito habang matiim na nakatitig kay Spades na ngayon ay pinapatunog ang daliri niya sa kamay habang ngumingisi.

Hindi ko alam kung magiging madali lang ba ang laban o magiging mahirap dahil base sa obserbasyon ko, madali lang para kay Spades ang laban na ito.

Biglang gumalaw ang ahas at akmang tutuklawin si Spades ngunit nakailag ito. Nahawakan ni Spades ang dila niya at napangiwi ako nang biglang nagpalabas si Spades ng espada at pinutol ang dila nito. Nahulog ito sa lupa at nangitim. Parang masusuka ako habang tinitignan iyon. Medyo pumait ang sikmura pati ang lalamunan ko.

Nagpalabas si Spades ng espada at pilit na inaabot ang ahas na panay ang ilag. Malambot ang katawan ng ahas kaya hindi ito matamaan ni Spades kaya walang nagawa si Spades kundi ang itapon ito sa ahas.

Nasapul ang espada sa mata ng ahas kaya gumawa ito ng tunog. Halatang nasaktan ito ngunit hindi iyon naging hadlang dahil bigla niyang binaba ang ulo niya kaya natuklaw si Spades sa bewang at hindi na nakaiwas pa. Napahawak siya doon nang dumugo iyon pero halatang iniinda niya ang sakit.

Umiilag siya sa bawat atake ng ahas at tinatantiya na masugatan niya ang ahas base sa mga aksyon niya. May lumitaw na cards sa kamay niya at sunod-sunod itong pinatama sa ahas.

"This fight is going to be easy." 

Napalingon ako kay Clover nang magsalita siya, tutok siya sa harapan at walang emosyon ang mga mata niya pero pinipiitk-pitik niya ang mga daliri niya.

Easy?

"Paano mo nasabing madali lang?"

Sa tanong kong iyon, napatingin siya sa akin. Wala pa ring emosyon ang mga mata pero bumakas dun ang pagiging confident niya.

"Look at Spades," sa sinabi niyang iyon, napatingin nga ako kay Spades na mabilis ang mga galaw. "He's examining his opponent first, then after that, he'll beat it up. Trust me."

Hindi na ako sumagot pa at pinakatitigan nalang si Spades at titignan kung tama nga ang sinasabi ni Clover. 

Hindi ko matantiya kung anong sunod na magiging galaw ni Spades sa kalaban. Seryoso ang mga titig niya dito at parang sinusuri ang lagay nito.

Nagpalabas siya ng maraming cards at sunod-sunod na inihagis iyon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi niya pinapatamaan ang ahas, kung saan saang parte niya lang iyon tinatapon. What the hell? Anong balak niya?

Nagulat ako dahil bigla niyang pinaikot ang espada sa kamay niya habang distracted ang ahas sa mga cards na hinahagis niya. Biglang parang may usok na bumuo sa may paanan niya. 

Inilipad siya nun at ngayon ay nasa harapan na siya ng dambuhalang ahas. Una, tinapunan niya ito ng cards sa mata kaya napaatras ang ulo nito. Pangalawa, may lumitaw sa kamay niyang parang bilog na kulay itim at itinapon iyon sa harap ng ahas dahilan para gumawa ng usok. Napaubo-ubo ako dahil umabot sa amin ang usok pero hindi naman iyon matindi para hindi ko makita ang nagaganap sa harapan.

Halatang hindi na nakakakita ang ahas dahil lumilingon-lingon na ito sa paligid niya, walang nakikita kaya siguro nakahanap ng tiyempo si Spades para umatake.

Biglang siya tumalon sa bandang batok ng ahas at laking gulat ko dahil ang espadang ginamit niya ay biglang napapalibutan ng apoy at walang pasabing sinaksak ang ahas sa batok nito kaya gumawa ito ng pang-ahas na ingay.

Parang bumaliktad ang sikmura ko nang ibaon pa ni Spades ang espada sa batok ng ahas at biglang humiwalay ang ulo nito sa katawan nito at nahulog sa lupa. Pati na rin ang katawan ng ahas ay biglang bumagsak.

Gusto kong masuka sa nangyari pero pinigilan ko lang. Umasim ang panlasa ko at ang alam ko na lang ay hinihimas ni Langit ang likod habang tinititigan ko kung paano bumaba si Spades sa katawan ng ahas na hinihingal. Napapalakpak naman ang ibang Elites at nakita ko ang pagtango-tango ng matandang wizard.

Lumitaw agad sa pwesto namin si Spades na hinihingal pa din at hawak ang tagiliran niya. Lumapit sa kanya si Mary at sa isang dampi palang ng kamay nito ay nawala na agad ang sugat ni Spades.

"So far, I'm impressed." Pumalakpak si Master Melagorn habang tinitignan kami. "Spectacular." Komento niya.

Simple lang kaming ngumiti pero may kung anong bumalot na kaba mula sa dibdib ko. May hindi ata ako magandang nararamdaman, hindi talaga maganda.

Pasimple akong humawak sa dibdib ko at hinimas yun, iniisip na baka mapawi ang kaba ko pero hindi, mas lalong lumala.

"I will give you a break, only for a while. After that, we shall return to your first punishment. Take time to rest first for the injured." Ani ng wizard at tinignan si Ciana na nakasandig at nagpapalakas pa rin. Hindi na siya lantang-gulay tulad ng kanina, ganun din si Irra at Spades na hindi naman masyadong napuruhan.

"Ang hirap ng punishment na 'to, hindi pa naman ako nakakapag-ensayo." Kalmadong saad ni Langit.

"Kinakabahan ng ako." Hindi ko mapigilang pag-amin. Napatingin naman ang lahat sa akin, ang mga mata nila ay parang puno ng pag-asa. Biglang gumaan ang loob ko sa mga tingin nila, pero hindi nun naalis ang kaba.

"You," Mas lalong kumalabog ang dibdib ko nang ituro ako ni Master Melagorn. Alam ko na ang susunod na mangyayari. "After the break, you're next."

May I rest in peace.






A World Called Majestia [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt