CHAPTER 17: The Fiendish Plan

112 29 12
                                    


Humahangos na tumakbo ang isang rebelde papunta sa isang liblib na gubat na lingid sa kaalaman ng buong Majestia ay hindi pangkaraniwan.

Halos hindi magkandaugaga sa pagtakbo ang rebelde papasok sa isang kwebang nababalutan ng mga ugat ng puno at mga lantang bulaklak.

Sa kaalaman ng Majestia, isa itong pangkaraniwang kweba na pinamumuguran ng mga mababangis na hayop na hindi kailanman pinasukan ng kahit sino, ngunit nagkakamali sila. Ang kweba ay hindi lang basta kweba, isa itong taguan.

Pagpasok ng rebelde sa loob ng kweba ay biglang bumukas ang mga kandila kasabay ng pagsarado ng kweba mula sa labas. Lumakad siya papunta sa isang pihitan at ipinihit iyon na nagdulot ng pagbukas ng pintuan mula sa ibaba.

Dahan-dahan siyang bumaba doon, sa pagbaba niya, nakita niya ang kapwa niya na nakakulay itim at nababalutan ang mukha ng itim na tela at tanging mata lang ang nakikita.

Sila ay tinatawag na Rebels. Mga immortal na tumiwalag sa limang imperyo at naglalayong maghasik ng lagim sa buong Majestia.

They aren't a typical rebel. Naghalo na ang mga immortal mula sa iba't-ibang imperyo, upang kalabanin ang limang imperyo at mapamunuan ang Majestia nang naayon sa batas na nais nila.

The rebel walked through the end of the room as he saw their leader sitting, and pissed.

Ang pula nitong mata ang bumungad sa mata ng rebelde. Nanginig ito sa takot dahil sa talim ng mga mata nito. Ang kanilang pinuno ay nanggaling pa sa unang imperyo, na merong elemental powers. Sa lahat ng mga rebelde, ito ang pinakamalakas.

"Ano ang nakalap mo, Sugo?" Isang malamig na boses ang umalingawngaw sa buong kwarto, tanging boses lang nito ang naririnig at walang ni sino man ang nagsalita.

Napayuko ang sugo. Ang rebeldeng inutusan upang mangalap ng impormasyon sa labas ng kanilang kuta.

"Nakapasok ako sa Akademya, pinuno." Anito sa kanilang pinuno.

Napatawa ang kanilang pinuno, isang halakhak na sumisimbolo sa kasiyahan sa kaniyang nararamdaman. "Magaling, ano ang nalaman mo sa Akademya? Ano ang plano nila?"

"Wala pa ho, sa ngayon. Ngunit may baguhang estudyante sa loob ng akademya."

"Taon-taon ay may baguhang estudyante sa loob ng akademya, Sugo. Wag kang tanga." Tumalim ang boses ng kanilang pinuno.

"Iba ito, pinuno. Nanggaling ang babaeng estudyante sa mundo ng mga tao."

Kumunot ang noo ng pinuno. Baguhang nanggaling sa mundo ng mga tao? Imposible.

Napuno ng tanong ang isip ng kanilang pinuno. Tanong na tungkol sa babaeng sinasabi ng kaniyang sugo. Paano ito nakapasok sa Majestia? Lalo na't bantay sarado ng batalyon na guwardya ang kwarto na naglalaman ng ginintuang kwintas.

Tumingin siya sa sugo niya. "Bumalik ka roon at magmasid pa. Tutukan mo ang babaeng sinasabi mo. Pakiwari ko'y hindi maganda ang magiging dulot niya sa ating mga rebelde." Aniya.

Tumango ang sugo. "Pinuno, itutuloy pa ba natin ang plano?"

Tumingin sa kawalan ang pinuno, kalaunan ay unti-unting ngumisi. "Oo, tuloy ang plano. Gugulatin natin sila sa araw na hindi nila inaasahan."

Nashy's POV

Papunta kami ngayong Headmistress' Office. Matapos ng nangyari kanina, bigla silang nagmadali upang sabihin kay Headmistress ang nakita ko. Kailangan nila akong isama dahil ako lang daw ang nag-iisang nakakita ng taong iyon.

Naikwento ni Langit na maaaring isa iyong rebelde. Ito ang tawag sa mga kalaban ng limang imperyo, na tumiwalag sa kanila. Marami raw ang mga rebelde na umaaligid at nagtatago sa iba't-ibang parte ng Majestia. Kaya delikadong lumabas na walang sandata.

Akala ko tahimik ang Majestia, pero hindi pala. Katulad rin pala ito ng mundo namin na maraming kalaban, sikreto at traydor.

Traydor? Hindi kaya meron ring traydor dito sa mundong 'to? Hindi imposible.

Ilang minuto ulit kaming naglakad bago nakapunta sa faculty building. Pumasok na kami roon at dumiretso sa elevator.

"Sigurado ka ba sa nakita mo?" Narinig ko ang boses ni Ciana sa gilid ko. Malamig nanaman ang boses nito at parang patay na bumubulong saakin.

Ipinikit ko ang mata ko at bumuntong-hininga, inaalala kung totoo ba na nakita ko ang rebeldeng iyon pero klaro sa isipan ko ang nakita ko. "Oo." Sagot ko sakanya.

Tumahimik naman siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Pumasok kami sa elevator at pinindot ni Irra ang pinakamataas na floor.

Naging tahimik ang loob ng elevator hanggang sa nakarating na kami sa Headmistress' Office. Kumatok kami mula roon at bumungad saamin ang sekretarya ni Headmistress.

"Anong kailangan nila?" Mahinahong tanong nito. Para siyang nerd kung titignan, magulo ang buhok nito at nakasamin pa ng Malaki.

Sumilip si Shadow sa loob. "Is Headmistress inside?" Pormal na tanong ni Shadow.

Tumango ang sekretarya. "Pasok kayo." Anito at binuksan ng malaki ang pinto. Unti-unti kaming pumasok. Katulad ng unang pagpasok ko noon, ganun parin ang presensiya at disenyo ng opisina ni Headmistress, pormal parin ang disenyo nito at napakaseryoso ng presensiya nito.

Umupo ulit kami sa mahabang sofa, pero ngayon, katabi ko na si Langit at hindi na si Spades.

"Grabe. Kung rebelde talaga iyon, paano siya nakapasok sa Akademya?" Rinig ko ang bulong ni Langit sa sarili niya, na narinig ko naman. Bumabakas ang pag-aalala sa mukha niya, ganoon rin si Mary na nasa tabi lang ni Langit. Baka rin ang pagkabahala sa itsura nito.

Bumuntong-hininga ako sa sumandal sa couch. Napalingon ako kay Spades, katabi niya si Clover at Shadow habang si Irra at Ciana naman ay nasa kabilang sofa.

Kung dati nginingisihan niya ako tuwing tinitignan ko siya, nagtatanong naman ang mga mata niya ngayon. Umiling nalang ako at ibinaling sa ibang gilid ang paningin ko.

Biglang dumating si Headmistress na nakauniporme at nagtatakang tumingin saamin. "What brings you here, Elites?" Lumingon ito saakin. "And Miss Nashy?"

Tumayo naman kami. Nauna nang nagsalita si Irra. "Nashy saw something inside the garden." Aniya.

"And what is that?"

Nagkatinginan kami saka napagdesisyunang sabihin ni Xymon ang nakita ko. "Parang may nakita si Nashy na rebelde, Headmistress."

Nanlaki naman ang mata ni Headmistress. Parang hindi naniniwala sa sinabi ni Xymon.

"You can check her mind. Headmistress." Ani Ciana sa isang malamig na tono. Tumango-tango naman ang iba bilang pagsang-ayon.

T-teka, tignan ang nasa isip ko?

Tumingin saakin si Headmistress at lumapit saakin ng dahan-dahan. Ako naman ay napapatingin sa kanila, nagtatanong ang mga mata ko pero walang sumagot saakin. Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan ni Headmistress at tinignan ako ng diretsa sa mga mata.

Wala akong nagawa kundi ang titigan rin siya. Focus ang tingin niya sa mga mata ko at parang may hinahalungkat mula doon. Ni hindi siya kumukurap maski ako. Naluluha na ang mga mata ko.

Dahan-dahang nag-iba ang emosyon sa mga mata ni Headmistress. Kung kanina ay blangko ito, ngayon ay may namuong pagkabahala mula roon. Katulad ng nakita ko sa mga mata ni Langit at Mary

Ilang segundo pa at binitawan na niya ako. Nagulat ako dahil hinihingal siya sa hinahapo. Namamawis na rin ang noo niya. Anong nangyari sa kanya? Kunot noo kaming nakatingin sa kanya.

Lumapit si Langit kay Headmistress. "Ayos ka lang ba, Headmistress?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Lumunok si Headmistress at dahan-dahang tumayo ng tuwid. Bumuntong-hininga pa siya bago nagsalita.

"What Nashy saw is true. A rebel has entered the Academy."

A World Called Majestia [COMPLETED]Where stories live. Discover now