CHAPTER 52: Goodbye, Snow White

84 15 14
                                    

"Irra!" Sigaw ko habang natigalgal sa nasaksihan ko. Tila hindi makagalaw ang mga paa ko habang pinagmamasdan kung paano dumanak ang dugo sa harapan ko.

Ang espada ni Mary ay nababalutan ng dugo kasabay ng pagpasok ng mga Elites sa gusali, pati sila ay napahinto rin.

Namuo ang luha sa mata ko bago rumehistro sa akin ang nangyari. Agad akong tumakbo sa kinaroroonan ni Irra na bumagsak sa sahig.

"Irra!" Umalingawngaw ang boses ni Xymon habang kumaripas rin ng takbo papunta sa kinaroroonan namin.

Inilapag niya ang ulo ng kambal niya sa hita niya habang hindi mapakaling tinitignan ang dugong dumadanak mula sa tiyan ni Irra.

"X-xymon, s-si Mary..." Umubo si Irra ng dugo na para bang napipilitan nalang magsalita. Hindi ko alam kung gaano kabigat ang galit na bumubuhos sa puso ko habang tinitignan si Irra na nag-aagaw buhay at si Mary na nakatingin lang sa amin na para bang nasisiyahan.

"Mary! Ano pang ginagawa mo diyan, pagalingin mo si Irra!" Sigaw ni Xymon kay Mary ngunit tinitigan lang siya ni Mary na ikinatigil niya.

"Mary, anong nangyayari sa'yo?" Tanong ni Langit habang tinitignan si Mary. Tumutulo na rin ang luha mula sa mga mata ni Langit.

Hindi sumagot si Mary at biglang nawala sa paningin namin. Pati ang ibang Elites ay napatakbo na rin sa kinaroroonan namin.

Umaagos ang luha sa mga mata ko habang tinitignan si Irra sa sitwasyon niya. Kung sana hindi ko inuna ang pagkuha sa bote, baka hindi siya nagkakaganito ngayon.

"S-she's an impostor... M-mary." Ani Irra na ikinatigl ng lahat. 

Si Xymon ay naluluha na rin habang pinapatigil si Irra na na magsalita. "Shhh... Please don't talk. Hahanap tayo ng healer na magpapagaling sa'yo." Sabi ni Xymon at akmang bubuhatin na si Irra pero inawat siya nito at saka umiling na ikinatigil naming lahat.

"D-dont, hindi na rin ako tatagal." Sabi niya.

Mas lalong umagos ang luha sa mga mata ko at hindi ko mapigilang magsalita. "Irra, ano bang pinagsasasabi mo?!" Tanong ko habang umiiyak. 

Tumawa lang siya ng mahina pero umubo siya ng dugo habang tinitignan ako. Pinagmasdan niya ang ibang Elites na para bang huling pagkakataon niya na kaming mapagmasdan.

"I-irra, don't say that. Please..." Bumuhos na rin ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Xymon. Pati si Langit ay hindi ko na mabasa ang nasa mukha niya. Naghahalo ang emosyon rito.

Sinikap ni Irra na kapain ang pisngi Xymon at pinunasan ang luha mula rito. "Please, stop crying..." Nahihirapang sambit ni Irra. "Kapag namatay ako, hindi rin ako mawawala sa tabi mo."

"Stop saying that! Hindi ka mamatay!" Sigaw ni Xymon at mas lalo akong napaluha.

Pinikit ni Irra ng mariin ang mga mata niya. May nakita akong luha na pumatak mula roon at parang pinipilit na idilat ang mga mata niya. Bumaling siya kay Spades na nakatayo lang ang matigas ang ekspresyon ng mukha.

"Hey you, Jerk." Tawag niya kay Spades. Umiling-iling lang si Spades saka dahan-dahang lumapit sa kanya.

Umirap si Irra bago bumuntong-hininga. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagcompress sa sugat niya.

"I liked you before, you know." Pag-amin niya kay Spades habang tinitignan ito. "I was really annoyed when I see someone flirting with you," lumipat ang tingin sa akin ni Irra. For the first time, I saw her smile genuinely. "But I know you're in a good hands now." Aniya at binalik ang tingin kay Spades.

Hinawakan ni Spades ang kamay niya. "Why are you saying this to me?" Tanong ni Spades.

"Hindi ako mapapayapa kapag hindi ko sinabi ang mga nararamdaman ko sa'yo bago ako mawala." Aniya at muling umubo.

Bumuntong-hininga si Spades bago hinalikan ang noo ni Irra. Kusang kumawala ang hikbi sa mga bibig ni Irra at may muling pumatak na luha sa mga mata niya. Muling sumikip ang dibdib ko dahil dun, hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko.

"Thank you." Tanging sambit ni Spades bago binalingan ang ibang Elites na nasa likuran namin at kapwa na ring umiiyak. Si Langit na humahagulgol na habang nakahawak sa dibdib niya. Si Ciana na naluluha na habang nakayuko at si Clover na nakatitig sa kisame at nakapikit ng mariin.

"Thank you, for being here before I leave. Sadly, Mary wasn't here." Aniya at mapait na ngumiti.

"Heavenly," Umiiyak na sinugod ni Langit ng yakap si Irra at duon umiyak sa mga balikat niya. Tinapik ni Irra ang balikat niya. "Don't cry."

Inangat ni Heavenly ang mukha niya at tinitigan si Irra. "Wag kang umalis, please. Gagaling ka pa." Aniya pero umiling si Irra.

"Take care of yourself, especially Mary. Find a way para bumalik siya sa dati." Anito at biglang gumalaw kaya napaigik siya. Inalalayan siya ni Xymon na parang hirap na hirap na habang tinitignan ang kakambal na nag-aagaw buhay.

"Ciana, Shadow, Clover." Tawag niya sa dalawa pang nasa likuran. "Please, take care of yourselves." Anito. Walang naisagot ang dalawa pero ramdam ko na pinipigilan nila ang pag-iyak.

Bigla akong bilangin ni Irra. Nagtama ang mata namin at dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko. Lumapit ako sa kanya at mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sa kamay niya.

"Irra..."

"Alam kong ang sungit sungit ko sa'yo," sabi niya habang nilalabanan ang pag pikit ng mga mata niya. "But believe me, you already had a place in my heart." Sabi niya at ngumiti.

Napayuko ako habang tinitignan ang kamay naming dalawa. "S-sorry..." Tanging usal ko na lamang. 

"Don't say sorry, it's not your fault." Sabi niya. 

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at tinignan siya ng puno ng pag-asa habang ang mga mata niya ay wala nang buhay. Namumutla na rin siya at tumutuyo na ang mga labi niya. "Kaya pa, Irra. Kaya pa kitang pagalingin."

Ngumiti siya ng mapait at saka umiling sa iniusal ko. "Don't. I'd rather die and resurrect to see Majestia peacefully, than survive while this world remains in a riot." Usal niya habang unti-unti nang hinihingal.

Humikbi lang ako sa sinabi niya. Ayaw niya nang mabuhay pa, ayaw na niyang maligtas at mas gugustuhin niya nalang mamatay pa. Ang sakit.

"N-nashy, before I die, I have a favor." Halos pabulong niyang sabi habang humahangos.

"A-ano yun?"

Nagtama ang mata naming dalawa. "Gusto kong ikaw ang tumapos ng gulo rito sa Majestia. Take back the peace that was stolen a long ago." Aniya. 

Umiiyak man, tumango ako sa sinabi niya. Oo, gagawin ko ang lahat upang maging tahimik muli ang mundong 'to. Hindi ko hahayaang sakupin ito ng mga masasamang rebelde.

Unti-unti, bumitaw na si Irra sa pagkakahawak sa kamay ko. Nagulat ako dahil biglang parang naglalaho na ang katawan ni Irra. Mas lalong napaiyak si Xymon na parang pinipilit na hindi mawala si Irra.

"Tell mom and d-dad, I love them." Usal ni Irra bago nilapit ang mukha ni Xymon sa kanya at hinalikan niya ito sa noo. Muling may tumulo sa mata ni Irra at tinignan kaming lahat.

"Bye, guys. Until we meet again."

Sa puntong iyon, tuluyan nang nawala si Irra sa paningin namin. Napabasak ako sa sahig habang humahagulgol sa iyak. Pati si Xymon at Langit ay hindi na rin napigilang ibuhos ang luhang matagal na nilang gustong ilabas. Si Spades ay sinuntok ang pader habang si Clover ay nakayuko at nakakuyom ang mga kamao. Si Shadow ay dinamayan si Xymon sa pag-iyak nito.

Kahit gustuhin ko mang pigilan ang sakit, hindi ko iyon mawawala. Nakatatak na sa isipan ko na ang araw na ito ay ang pinakamasakit na araw na dumaan sa buhay ko.

Biglang umihip ng malakas ang hangin, kasabay nito ay parang may bumulong sa tenga ko.

"I will always be wondering around nature." 

Napapikit ako ng mariin at hindi tumitigil ang agos ng luha ko. 

Sa araw na ito, nawalan ng kinang ang isang diyamanteng nagtataglay ng makabuluhang liwanag.

On this day, the impostor killed Irra.


A World Called Majestia [COMPLETED]Where stories live. Discover now