CHAPTER 9: The Valdemian Dragon

112 29 16
                                    


Natapos ang klase namin at lunchbreak na. Wala akong naintindihan sa klase namin dahil ang topic ay hindi naman tulad nung sa mundong kinalakihan ko. Ang topic dito ay mga magic and spells na hindi ko maintidihan ang mga terms, ang hirap isautak. Hindi ako magaling don. Sasabog utak ko.

Pababa na ako ng Third Floor, pupunta akong Selania Building, doon daw ako hinihintay ni Headmistress. Hindi ko alam kung bakit doon 'ko pa kailangang pumunta, kung pwede naman doon sa office nalang ni Headmistress. Ano bang meron?

Nagmamadali na akong bumaba. Isang oras lang ang lunch break pagkatapos ay start na ulit ng panibagong klase. Hanggang ngayon hindi parin nagpaparamdam sila Mary. Ngayong araw, si Irra lang ata ang nakita ko. Sobrang aga pa nun.

Pababa na ako ng staircase nang biglang may bumangga sa akin. Natisod ako at natumba, buti nalang napahawak ako sa railings ng hagdanan kaya hindi ako natuluyang mahulog hanggang ibaba.

Namilipit ako sa sakit. Tangina! Alam kong sadya 'yon.

Sinamaan ko na agad ng tingin kung sino man ang tumisod sa akin pero napatigil ako nang makita ko kung sino yun. Siya yung babaeng nakabraid at masama ang tingin saakin kanina sa klase. Sinasabi ko nga ba, may masama na akong nararamdaman sa babaeng 'to. Di tulad kay Irra, sa mga tingin niya sa akin halatang may masamang binabalak siya.

Nakakrus ang kamay niya sa dibdib niya saka nang-aasar na tumingin saakin. Parang sinasabi niya saakin na ang tanga ko kasi di ko naramdamang babanggain niya ako.

May mga estudyanteng napatigil dahil sa nangyari. Sa amin ang atensiyon nila, yung iba tumatawa at yung iba parang naawa sa lagay ko.

Dahan-dahan akong tumayo at pinagpag ang palda ko. Tinaas ko ang mukha ko tinignan siya, mata sa mata. Nagsukatan kami ng tingin, akala siguro niya aatrasan ko siya at matatakot ako basta basta. Marami na akong napagdaanan sa buhay at hindi na 'to bago sa akin. Halatang nagulat pa siya sa inasta ko. Hindi makapaniwala sa inayos ko.

Ilang segundo kaming naglalaban ng tingin bago ko napagdesisyunan na bumaba na at hayaan nalang siya. Hinihintay na ako ni Headmistress. Iiwasan ko nalang siya hangga't sa maaari.

Pagkalabas ko, sumakay na agad ako sa bakanteng cart saka sinabi kung saan ako pupunta at sa inaasahan, wala pang isang segundo, nandito na ako sa harap ng Selania building.

Pinagmasdan ko ang building. Medyo naiiba ito ng structure keysa sa ibang building. Para itong bahay dahil matulis ang dulo ng bubong, pero malaki ito. Hindi nga lang kasing laki ng ibang building.

Pumasok ako doon. Bumungad saakin ang nagdadamihang mga hayop. Lahat sila gumagala sa loob ng mala-bahay na building na 'to.

Napalunok ako. Natatakot ako na baka bigla nila akong atakihin at dambahin.

"They won't do such thing, Nashy."

Napaigtad naman ako ng marinig ko ang maawtoridad na boses ni Headmistress. Napalingon ako sa pintuan na nasa duluhan nang makita kong doon siya lumabas. Katulad kahapon, ganun parin ang style ng pananamit niya, at ang awra niya ay hindi naiiba.

"Headmistress." Bati ko sakanya. Iminuwestra niya ang isang upuan sa kanang bahagi ng building.

Maingat akong pumunta doon kasi baka ayaw ng mga hayop sa presensiya ko. Kakaiba sila. Hindi sila aso at mga pusa dahil sa tingin ko, mga mababangis silang hayop. Hindi sila tulad ng mababangis na hayop sa mundo naming dahil parang mixture sila ng iba't-ibang hayop. Para silang evolution and yung iba mutations. Hindi ko lang sigurado.

Pumunta si Headmistress sa pwesto ko at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko lang. pati ang pag-upo niya, napakapormal. Hindi ko tuloy maiwasan ang umupo rin ng maayos, tulad ng ayos niya. Hinila ko pa ang palda ko para takpan ang exposed ko na tuhod.

A World Called Majestia [COMPLETED]Where stories live. Discover now