CHAPTER 21: Power

105 27 8
                                    


Tanghali, lunch break namin. Medyo nakapagisip-isip narin ako kagabi sa mga bagay-bagay. Ang pagensayo kay Ebony, ang pag-iwas sa Elites at lalong-lalo na sa nararamdaman ko.

Ewan ko kung bakit nasali iyon sa mga problema ko. Tuwing nakikita ko si Spades, o kaya naman ay si Clover, napapraning ako. Two timer na ba ako dahil dun? Hindi naman siguro.

Mag-isa lang akong nasa Cafeteria. Kitang-kita ko mula sa pwesto ko sina Mary, medyo ilang ang galaw nila at minsan ay sumusulyap saakin, lalo na si Langit, Spades at Clover. Napabuntong-hininga ako.

Wala ako sa mood. Hindi ko alam bakit pero dahil na rin siguro na nararamdaman ko ang presensiya nila sa paligid. Nilinaw ko na ang isipan ko sa pag-iwas sa kanila, mali ang naging desisyon ko. Dapat hinayaan ko silang magpaliwanag, dahil alam kong may dahilan sila.

Pinaglalaruan ng tinidor ko ang pagkain sa harapan ko. Wala akong ganang kumain. Kagabi kasi, sunod-sunod ang nagiging panaginip ko, hindi ako nakatulog ng maayos. Tuwing gising ako at matutulog ako ulit, paiba-iba na ang mga panaginip ko, hindi ko alam kung isa rin sa mga iyon ang nakaraan ko pero alam kong sila yun.

Pero ang lalabo nila. Hindi ko alam kung bakit ayaw pa ipakita saakin ng klaro, nakakainis.

Napatayo ako bigla dahil naramdaman kong may malamig na nabuhos sa akin mula sa ulo ko. Napapunas ako ng mukha ko at sinamaan ng tingin si Jonnes. Hindi ko na kailangang hulaan pa, kilalang-kilala ko na.

Nandoon nanaman ang nang-aasar niyang tingin at ngiti. Halatang masayang-masaya siya sa nangyari saakin. Lahat ng estudyante sa Cafeteria nakatingin na sa amin, kahit sina Mary ay nakita kong napatayo, parang susugod na si Langit pero napigilan siya ni Xymon. Nakakuyom na ang kamao ni Mary.

"Oops. Sorry, di ko sinasadya." Aniya at tumatawa pa. Nakitawa narin ang ibang mga estudyante. Nakikisabay sa halakhak ni Jonnes.

"Sige, alis na ako." Akmang aalis na si Jonnes pero mahigpit kong hinigit ang braso niya at iniharap saakin ng buong pwersa.

Pota. Punong-puno na ako.

Nanlaki ang mga mata niyang tumingin sa akin. Pati ang mga estudyante ay narinig kong suminghap at nagbulungan. Meron pang ibang napatayo at halatang tutulungan na si Jonnes pero parang bigla silang napatigil at napatumba. Yung iba hindi na makalapit sa amin. Parang may barrier na pumipigil sa kanila.

Napatingin ako kay Shadow. Bigla niya akong nginisihan at tumango. Sa puntong iyon alam kong siya ang may gawa nun, gamit ang isip niya.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Jonnes na nagpupumiglas na. "Ano ba?! Bitawan mo 'ko!" Imbes na bitawan ko siya ay mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya kaya napahiyaw siya. Hindi na siya nakapiglas pa dahil inipon ko na yung lakas ko doon. Hindi ko rin alam saan nanggagaling ang lakas ko pero isa lang ang alam ko, kailangan na siyang maturuan ng leksiyon sa pagiging bratinella niya. Hindi na kasi bumebenta saakin.

"Ano bang problema mo sa'kin?" Mahinahong tanong ko sakanya. Hindi ko maintindihan 'tong babaeng 'to. Kung bakit galit siya sa akin sa paglapit sa Elites.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi na ba halata?! Ayaw ko sa'yo! Malandi ka! Nilalandi mo si ang kambal!" Aniya.

Natulala ako. Nilalandi ko ang kambal? Sina Spades at Clover ba ang tinutukoy niya?

Suminghap ulit ang mga estudyanteng nanonood ng makapiglas si Jonnes sa pagkakawak ko at walang pag-aalinlangang sinampal ako ng malakas ng ikinahiyaw ng iba. Tumagilid ang pisngi ko dahil lakas ng sampal niya, pakiramdam ko lumagatok ang buto ko sa leeg.

"That's what you get for fighting me." Rinig kong sabi niya.

Kumuyom ang kamao ko at isinuklay ang mahaba kong buhok ng paatras at tinignan siya na parang siya ang pinakawalang kwentang nilalang sa mundo. Dinilaan ko pa ang gilid ng labi ko dahil lasang-lasa ko na ang dugo roon.

"Alam mo, Jonnes. Awang-awa na 'ko sa'yo." Sabi ko na ikinasama na ng timpla ng itsura niya. "Sobra mo ng pinagpipilitan ang sarili sa mga taong ayaw naman sa'yo." Malamig kong sabi.

Dumilim na ang itsura niya. Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya at panginginig nun. "How dare you...." Aniya at napaatras ako dahil biglang may lumabas sa kamay niya ang isang ice ball na punong-puno ng matatalas na yelo. Umiikot ikot 'to sa kamay niya. "Bitch!"

Walang pag-aalinlangang itinapon niya sa akin ang bolang iyon. Napapikit ako ng mata at iniharang ang kamay ko, handa sanang tanggapin ang sakit pero wala akong naramdaman. Kasabay nun ang pagsinghap muli ng mga estudyante.

Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at pati ako ay nagulat sa nakita ko. Tumigil ang yelo sa harapan ng kamay ko. Hindi ito gumalaw ni nahulog sa sahig. Ibaba ko na sana ang kamay ko pero napansin kong sumusunod ang bola sa kumpas ng kamay ko.

Napatingin ako sa kanila. Gulat na gulat ang mga mata nila maging ang iba sa mga Elites tulad ni Langit, Mary at Xymon.

Napabaling naman ako kay Jonnes na nagulat rin sa nakita. Napakurap-kurap pa siya. "H-how..." Rinig kong sambit niya.

Bumaling ako sa bola at dahan-dahang binaba ang kamay ko kaya nahulog at yelo at nabasag.

"H-how did you...."

Napatingin ako sa kamay ko, maski ako hindi ko alam kung paano ko nagawa yun. Ako ba talaga ang may gawa nun?

"Nevermind.." Nagulat ako nang magpalabas si Jonnes ng isang malaking snow at nilaro yun sa kamay niya. "Sure naman akong di mo na to maiiwasan." Aniya at nagulat ako dahil bigla niya iyong tinarget saakin.

Inangat ko ulit ang kamay ko at itinulak iyon pabalik sakanya. Sumunod ang snow sa'kin kaya si Jonnes ang natamaan, na ikinagulat ko. Napatakip ako ng bibig maski na ang ibang mga estudyante na naghihiyawan na ng makita si Jonnes na natumba at wala ng malay. Tila nawala ang barrier sa buong Cafeteria dahil nakatakbo papunta sa akin ang mga Elites.

Unang tumakbo si Clover at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Inuyugyog pa niya ako kaya napatingin ako sa kanya. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya maging ang ibang Elites.

"Nashrie, tell me you're okay." Ngayon ko lang nakita na may pag-aalala sa mga mata niya. Natulala ako.

"Nashy, paano mo nagawa 'yon?" Mahinanong tanong ni Mary. Halata rin ang pagtataka sa boses niya.

Wala ako sa sarili. Hindi ko alam pero....

Ako ang may gawa nun? 

A World Called Majestia [COMPLETED]Where stories live. Discover now