CHAPTER 35: The Land Of Wizards

88 18 3
                                    

Halos kalahating oras na kaming naglalakad sa gubat upang puntahan ang portal papunta sa Wizard City ngunit sariwa pa rin ang sinabi sa akin ni Headmistress. Para akong lutang habang naglalakad, bumabagabag sa isip ko ang sinabi ni Headmistress kanina.

Ano ang ibig sabihin niya sa 'Shatter you whole existence?' May bagay ba ako na dapat malaman? Bagay na makakasira sa akin?

Pinilig ko ang ulo upang kalimutan ang bagay na 'yun. Alam kong darating ang panahon at malalaman ko kung sino ako.

Napaigik ako nang bigla akong binatukan ni Langit. Sinamaan ko agad siya ng tingin, nasa tabi ko lang naman siya.

Nginitian niya lang ako. "Palagi ka bang lutang?" Nang-aasar na tanong niya. 

Gusto ko siyang sipain pero pinili kong wag na. Hindi naman ako pumapatol sa isip-bata. "Hindi ako lutang, may iniisip lang." Singhal ko sa kanya.

Tumawa naman siya ng mahina. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang kinakausap niya ako. "Tulad ng alin?" Tanong niya.

Kumibit-balikat naman ako. "Ewan, sa pagkatao ko? Kung sino ba talaga ako?" Sagot ko na may bahid ng pagtatanong.

Tumango-tango naman siya at nagpatuloy sa paglalakad. Parang walang pakialam si Langit sa sinabi ko pero hindi nakatakas sa akin ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya na agad ring nawala. Parati namang ngumingiti si Langit pero hindi tulad ng nakita ko, ibang-iba. Anong nakakatuwa?

Ikaw, Heavenly? May alam ka rin ba tungkol sa pagkatao ko?

Agad rin namang nawala sa isipan ko ang tanong na iyon ay nagpatuloy nalang kami sa paglalakbay.

Hindi ko alam kung saan na kami dinadala ng mga paa namin pero sinusunod ko lang ang mga yapak nila, kung saang ruta sila tatahak at kung saan ang pinupuntahan nila. Hindi ko naman kabisado ang Majestia, sila ang nagsisilbing guide ko.

"Where was it again?" Tanong ni Irra na huminto sa paglalakad. Ipinikit niya ang mata habang pinakikinggan ang simoy ng hangin, para itong may binubulong sa kanya at pati ang mga dahon na nasa puno ay sumasayaw.

Maganda ang abilidad na taglay ni Irra. May komunikasyon siya sa kalikasan. Kahit nasaan siya, hinding-hindi siya maliligaw.

Napaisip ako. Kung ganyan ba ang abilidad ko, ano kaya ang kaya kong gawin bukod sa makipag-usap sa kalikasan?

Ilang segundo pa ay minulat na ni Irra ang mga mata niya at pinitik ang mga daliri niya.

"Oh, right." Nagpatuloy siya sa paglalakad kaya sumunod lang kami. Hindi na masyadong magubat ang gubat na tinatahak namin sapagkat nalampasan na namin ang gubat na pinalilibutan ang Academy. 

Lumalagas na ang mga dahon mula sa mga puno, kulay kahel na ang mga kulay ng dahon na masarap tignan sa mga mata.

Napasigaw ako nang biglang may dambuhalang tigre ang tumalon papunta sa direksiyon namin, biglang itong gumawa ng ingay kaya napatakip ako ng tenga ko.

Kapwa nagsilabasan ng mga armas ang mga Elites. "Is this what Headmistress is saying? The Guardian of the portal?" Tanong ni Ciana.

Guardian? Parang wala namang nabanggit si Headmistress na guardian, o sinabi niya sa mga Elites habang wala ako?

Nagulat ako dahil bigla itong umatake. Mabuti at nakaatras ako dahil papunta sa akin ang atake niya. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga Elites upang sugatan ang tigre kaya gumawa ito ng ingay ulit.

Biglang lumiwanag ang katawan ng tigre at nagpalabas ito kakaibang enerhiya sa katawan niya. Mabilis na nakasalag ang mga Elites pero hindi ako.

Natamaan ako ng kapangyarihan ng tigre kaya napahiyaw ako. Parang napaso ang braso ko dahil umuusok pa ito. Ramdam ko ang kirot nun pero ininda ko.

A World Called Majestia [COMPLETED]Where stories live. Discover now