CHAPTER 12: Langitly is Back

122 27 75
                                    


Kinaumagahan, maaga akong nagising dahil may magaganap daw na assembly. Nangyayari daw ito tuwing second day of the week. Matapos kaming kumain sa Dining Hall, nagparte na kami ng landas. Mabuti nalang at hindi ko nakita si Jonnes pagkatapos kumain, baka may gawin pa iyon.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kagabi, nakakapagtaka lang kasi hindi ako dinalaw ng panaginip kong iyon, sobrang himbing ng tulog ko kagabi at sobrang tahimik. Bakit kaya hindi ako dinalaw nun?

Dapat maging masaya ako kasi tumahimik ang gabi ko, pero hindi eh. Mas lalo akong nagtaka dahil dun. Nabuhay akong gabi-gabi ay di ako nakakatulog ng maayos, kagabi na yata ang pinakamagandang tulog ko.

Huminga ako ng malalim tsaka lumabas. Mga estudyanteng dumadaan ang bumungad saakin. Yung iba humarap pa saakin, tinitignan ako ng masama. Yung iba naman nginingitian ako. Nakisabay nalang ako sa lakad nila.

Hindi ko din alam kung nasaan ang assembly. Wala kasing nabanggit sina Mary doon. Ang sabi lang nila saakin, merong assembly na magaganap. Hindi ko lang alam saan.

Gusto ko sanang magtanong kaso nakakatakot. Ang sama-sama ng tingin nila saakin, para nila akong papatayin any moment from now. Kaya mas pinili kong tumahimik at sumunod nalang.

Pero bigla akong tumigil nang may narinig akong nakakabinging sigaw. Kilala ko na kung sino yun kaya napatawa ako.

"Nashy!" Rinig ko ang masayang sigaw ni Mary kaya napalingon ako sa likod ko. Kasama na niya sina Irra. Girls dormitory kasi ito. Magkahiwalay ang para sa mga lalaki since kailangan rin naman ng privacy.

Nginitian ko sila at pupunta sana sa kanila, pero may biglang pumatid saakin kaya natumba ako. Ang sayang nakita ko sa kanila ay biglang napalitan ng pag-aalala, lalo na si Irra.

"Nashy!" Patakbong pumunta sa akin si Irra at Mary. Sinilip ko kung sinong dumaan at pumatid  sa akin at hindi na ako nagulat nang makita ko kung sino yun. Si Jonnes, nakalingon sa akin at nginisihan pa ako. Sinamaan pa 'ko ng tingin.

Takte talaga tong babaeng 'to! Gaganti rin ako, punyemas.

"Nashy ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni mary. Inalalayan niya pa ako patayo. Tinignan ko si Irra at nakita ko kung paano niya sundan ng tingin si Jonnes at masama ang titig rito.

Tinanguan ko si Mary. "Oo. Ayos lang ako." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Tumango nalang rin siya saakin.

Sinulyapan ako ni Irra. "Be alerted next time." Sabi niya at nagsimula na kaming maglakad. Napapagitnaan nila akong dalawa. Sobrang pormal nilang maglakad. Para silang mga model, para silang rumarampa.

Sinabayan ko rin ang galaw nila, may pahawi pa ako ng buhok ko na parang ewan. Napatigil lang ako nang biglang tumigil sina Mary, pati rin yung ibang estudyante. Bigla silang tumawa. Shet, nakakahiya.

"You look like a fool, Nashy." Sabi naman ni Irra at umiiling-iling pa. Napangiwi naman ako. Ang OA ko pala.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nakayuko nalang ako dahil sa kahihiyan.

Bumaba na kami at kita ko ang apat na lalaki. As usual, ganun padin sila.

Napatingin ako kay Spades. Agad itong ngumisi nang magtama ang mata namin. Napalunok ako bigla at umiwas ng tingin at kinindatan rin ako. Shet. Sasapakin ko na talaga 'to.

Lumapit na kami sakanila. "Good Morning, Nashy!" Bati saakin ni Xymon. Suot-suot niya pa rin ang ngiti niya.

"Good Morning, Mary." Napatingin ako kay Shadow nang bigla niyang batiin si Mary. Umirap naman si Mary pero hindi nito naitago ang pamumula. Sabi ko nga ba, may crush rin itong si Mary.

A World Called Majestia [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat