CHAPTER 44: Carmen, Bearer of the Past

77 15 3
                                    

Pinapahinga muna kami ni Master Melagorn ng ilang oras bago kami pumunta sa bahay kung saan naroroon ang sinasabing wizard ni Master Melagorn na makakatulong sa amin. 

Ilang oras rin ang lumipas bago bumalik ang lakas ko. Nakakabangon na ako at nakakalakad ng kaunti ngunit nahihilo pa ako. Sinikap kong huwag munang gumalaw masyado para tuluyan ng bumalik ang enerhiya ko.

"Nashy." Lumingon ako kay Mary nang umupo siya sa tabi ko. Nakaupo ako sa kama at nag-iisip ng mga bagay-bagay. Mga bagay tungkol sa sarili ko.

"May tanong lang ako," Sabi niya. Kumunot ang noo ko at saka siya pinakatitigan.

"Ano yun?"

"Kapag ba nalaman mo na ang tungkol sa sarili, kung sakali. Anong gagawin mo?" 

Napakurap-kurap ako sa tanong niya. Kahit ako napatanong na rin bigla sa sarili ko. Ano nga ba ang gagawin ko?

Kumibit-balikat ko. "Hindi ko alam." Bahala sa ang tadhana ang magdesisyon kung anong gagawin ko. Ang mahalaga ay malaman ko na kung sino ako.

Napatango-tango lang si Mary bago nagpaalam na aalis muna. Kumunot ang noo ko, weird. Kadalasan nakikipagkwentuhan pa iyon sa akin. Ano kaya nangyari doon? Baka pagod lang.

Mga ilang minuto pa, sumulpot na si Master Melagorn. Maghanda na raw kami para sa paglalakbay. Matatagpuan raw ang tirahan ng wizard sa isang mapunong gubat, malayo sa siyudad.

Sinubukan kong tumayo para makapag-ayos na pero nakaramdam na naman ako ng hilo. Hinagilap ko ang bag ko para ayusin iyon. Pinilit kong tumayo at muntik na akong matumba dahil umikot ang ulo ko, ngunit may umalalay sa'kin.

"I'll help you." Kumarera ang puso ko nang magtama ang mga mata namin ni Spades, hawak-hawak niya ang siko ko at inaalalayan ako sa pagkakatayo. Nakita ko ang paglunok niya at umayos ng tingin.

Wow. Iba yun, ah.

Hindi na ako humindi dahil kailangan ko naman talaga ng tulong pero ilang beses na ako lumunok para pakalmahin ang puso ko.

Kinuha ko ang bag ko at isinukbit iyon bago kami lumabas. Naroon na ang ibang mga Elites at naghihintay nalang sa pag-alis namin.

"Are we going to travel, or something?" Tanong ni Irra kay Master Melagorn.

Tinignan siya ng wizard. "As a part of your punishment, yes." 

Napuno ng mga daing at protesta ang paligid dahil sa Elites. Pati ako ay gusto na rin magreklamo. Pagod na kami't lahat-lahat, parusa pa rin ang pinapataw sa amin.

Sabagay, bakit nga ba kami nandito? Para sa parusa namin kaya wala kaming magagawa kundi ang magtiis ng isang linggo rito sa lugar na ito.

Wala naman kaming nagawa kundi ang maglakad patungo sa magubat na parte ng siyudad. Panay pa rin ang reklamo nila at parang tinatamad pang maglakad sa kakahuyan.

"Are you fine?" Tanong si Spades na nasa tabi ko. Nawala na ang hilo ko pero medyo nanghihina pa rin ako pero kaya ko pa naman. Tinanguan ko lang siya.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming naglakad pero tumigil kami sa harap ng isang maliit na bahay sa gitna ng gubat. Para itong kubo pero hindi open. Walang bintana at nakakatakot ang awra nun. Nangilabot tuloy ako bigla.

"We're here."

Napatitig ako sa bahay. Tantiya ko ay isang tao lang ang pupwede doon dahil sa kaliitan nito.

Dahan-dahan kaming naglakad patungo roon. Habang papalapit kami ay hindi ko maiwasang kabahan ng kaunti. Iniisip palang na malapit na ako sa katotohanan na gusto kong malaman, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting kaba.

Dahan-dahang kinatok ng matandang wizard ang pintuan ng bahay. Gawa lamang ito sa kahoy at nipa ang bubong nito.

Mula rito sa labas, rinig namin ang pagbukas mula sa loob. Marami atang lock at looban. Kumunot ang noo ko, Anong ikakatakot ng wizard at maraming lock ang tirahan niya?

Dahan-dahang bumukas ang pinto ng bahay ngunit kakaunti lang ang pagbukas nito. May sumilip na mata roon at masasabi kong matanda na ang nasa loob. Napalunok ako. Ang creepy nya.

"Who are you?" Malamig na tanong nito pero kahit papano, rinig ko ang mala engrandeng boses nito.

"Carmen, it's me." Nagulat ako dahil ang mala-authorative na boses ni Master Melagorn ay biglang naging malambot, biglang lumambing.

Pagkasabi ni Master Melagorn nun, unti-unti ng bumukas ng malaki ang pintuan. Bumungad sa amin ang isang babaeng mukhang kasing-edad na ni Master Melagorn.

Ang awra niya ay nakakatakot, sa isang tingin mo palang ay alam mo nang may namamagitang relasyon sa kanila ni Master Melagorn. Magparehas na magkaparehas sila ng awra at hindi maipagkakailang nakakatakot nga sila.

"What brings you here, Kuya?" Tanong nito sa seryosong boses.

Kuya? Ibig sabihin ay magkapatid sila. Sabi na nga ba.

"They need your help, can you help them?" Sabi ni Master Melagorn.

Tumaas ang kilay nung Carmen habang tinitignan kami. Pumilit lang ako ng ngiti kahit alam kong medyo nanginginig ako sa tingin niya.

"What for?" Mataray na tanong nito.

Lumapit si Master Melagorn kay Carmen at may ibinulong dito. Ang nanliliit na mata ni Carmen ay lumaki bigla sa hindi ko malamang dahilan.

"W-what?" Parang hindi makapaniwalang tanong ni Carmen kay Master Melagorn nang humiwalay ito sa kanya. Tumango lang ang matandang wizard sa kanya.

Parang ilang segundong tulala si Carmen bago dahan-dahang humarap sa amin kaya napaayos kami ng tayo. "Who's Nashy?"

Sabay-sabay nila akong tinuro kaya nalipat ang tingin niya sa akin. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "M-magandang araw, ho." Bati ko sa kanya kahit na natatakot.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago ako tinignan sa mata ulit. "Come inside." Aniya at umatras papasok.

Napatingin ako sa kanilang lahat. Ako lang ba ang papasok, walang sasama?

Tumango lang sila bilang senyales na pumasok na ako. Napalunok nalang ako dahil kinakabahan ako. Anong gagawin sa akin sa loob?

Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob pero bago kami pumasok nilingon ni Carmen ang mga Elites. "Guard the house, I smell something awful." Aniya saka na kami tuluyang pumasok sa loob.

Inilibot ko ang patingin ko sa kabuoan. Kandila lang ang nagsisilbing ilaw ng kwarto. May mga bote na naglalaman ng mga liquid ngunit kakaiba ang kulay. Meron ring bote na may mga mata, buntot at iba pang parte ng mga hayop na ikinangiwi ko.

Sa kabilang banda ay may mga bookshelves na naglalaman ng mga libro na tantiya ko ay mga spell books.

Sa gilid ay may malaking banga na nasa ibabaw ng apoy. Bumubula pa ito at berde ang kulay nito.

"Nashy." Napalingon ako kay Carmen na seryosong nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko nang tinawag niya ang pangalan ko. "Are you sure that you want to know the past?"

Sa tinanong niyang iyon, napalunok ako. Ito na ang panahong matagal ko nang hinihintay. Ang panahon kung saan malalaman ko na ang sarili kong pagkatao, ang panahon kung saan malalaman ko na ang mga dapat kong malaman pero bakit may parte ng isipan ko ang umaayaw?

Mga ilang segundo akong nag-iisip bago ako dahan-dahang tumango. "Gusto kong malaman ang nakaraan ko. Desidido na ako sa desisyon ko." Sabi ko na wala ng paghahalong duda.

Para saan pa't narito ako sa mundong ito? Tadhana na ang naglalapit sa akin at sa nakaraan ko. Wala ng atrasan 'to.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Carmen bago inilahad ang kamay niya sa akin. Kulubot na ito at matutulis ang mga kuko.

"Before we start the process, let me introduce my self first," Aniya. "I'm Carmen, the head witch of Wizard City and I hold all the memories and the past of all immortals."





A World Called Majestia [COMPLETED]Where stories live. Discover now