CHAPTER 38: Kahara Lake

85 17 19
                                    

Napamulat ako dahil sa sunod sunod na katok mula sa pintuan. Hindi ko alam kung ilang oras ang naging tulog ko dahil hindi ako naalimpungatan man lang. Dahil nasa tapat ko ang bintana, tinignan ko ito. May liwanag pa rin na sumisilip roon. Ibig sabihin, hindi pa gabi.

Napabaling ako sa pintuan dahil sunod-sunod ang katok doon. "Nashy?" Narinig ko ang boses ni Xymon mula sa labas kaya dali-dali kong inayos ang sarili ko at pumunta sa may pintuan upang buksan iyon.

Bumungad sa akin ang mukha ni Xymon. Kinusot-kusot niya pa ang mata niya at parang kakagising rin lang.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Humikab pa ako dahil sa antok.

"May pupuntahan raw, sabi ni Spades. May nakita ata silang magandang spot. Gigising ko muna ang iba."

Magandang spot? Naeexcite tuloy ako.

Paglabas ko ng kwarto, naroon ang ibang boys at nag-uusap. Halatang hindi natulog ang kambal dahil wala naman sa mukha nila ang natulog

Bumaling sa akin si Shadow. "O, Nashy. Upo ka muna." Sabi niya saka ulit bumaling sa kanila Spades at Clover. Nag-aalangan man, umupo ako sa bakanteng sofa kung saan walang umuupo. Itinukod ko ang kamay ko sa armrest ipinatong doon ang mukha ko. Gusto ko pang matulog.

"How was your sleep?"

"How was your sleep?"

Bigla akong napaayos ng upo nang bigla na namang sabay na nagtanong sa akin ang kambal. Nagkatinginan ulit sila ng matagal bago muling binaling ang tingin sa akin.

Napakurap-kurap ako bago sumagot. "U-uhm, okay naman." Nauutal na sabi ko. Napatawa naman ng mahina si Shadow kaya sinamaan ko siya ng tingin. Natutop ang bibig niya. Awkward.

"Tangina mo!"

Sabay kaming napatayo nang bigla naming narinig ang nakakarindig tinig ni Langit mula sa kwarto niya. Pati sina Mary, Ciana at Irra ay napalabas sa sarili nilang mga kwarto. Kunot ang noong tinignan ang isa't-isa.

Mas lalo kaming nagulat nang bigla kaming makarinig ng mga kalabog at hagis mula sa pintuan. Dali-dali kaming lumapit doon para tignan kung anong nangyayari nang bigla humahangos na lumabas si Xymon sa kwarto ni Langit at parang pinoprotektahan ang sarili niya.

"What the fuck, bro? What happened?" Kunot-noong tanong ni Shadow kay Xymon.

"May baliw sa loob!" Aniya at bigla ulit umatras nang lumabas si Langit mula sa kwarto at may dalang espada. Bigla kaming napaawat dahil mukhang papatayin niya si Xymon sa mga titig nito, nakaamba pa ang espada nito.

"Walanghiya ka! Sinong nagsabing pumasok kang lintek ka!" Susugod sana ulit si Langit, mabuti nalang at naawat namin ni Mary.

"Ang tagal mong magising! Tulog mantika ka ata kaya pumasok na ako para gisingin ka!" Balik na sigaw ni Xymon. 

"Tingin mo maniniwala ako, ha?! Balak mo yata akong gapangin, eh!" Ani Langit habang nakaamba parin ang espada kay Xymon na nanlalaki na ang mata.

"Ang malisyosa mo naman! Di kita type, no! Ang pangit mo!"

Biglang suminghap si Langit "Aba, gago 'to, ah!" Susugod na sana ulit siya nang bigla ng magsalita si Ciana.

"Can you cut the childish act? Di na kayo bata para gumanyan pa." Ani Ciana sa kalmado na boses.

Sumang-ayon kami sa kanya. Tama, masyadong pambata ang inaasta nila. They need to grow up.

Wow, english men.

"Alam niyo, mabuti pa mag-ayos nalang kayo. We found some spot to relax on habang libre pa tayo, right bro?" Siniko ni Spades si Clover na tumango lang bilang pagsang-ayon.

Biglang huminahon si Langit at kumawala na sa pagkakahawak namin ni Mary. Masama pa rin ang titig niya kay Xymon na tinititigan rin siya ng nakakaasar.

Nawala na ang espada na hawak niya. Bigla niyang dinuro si Xymon. "Wag kang lalapit sa'king hinayupak ka. Sasapakin kita." Aniya at saka inayos ang buhok niya pagkatapos ay lumabas na ng bahay.

"Init ng ulo, ginigising lang eh." Sabi pa ni Xymon. Sinenyasan ko nalang siya na tumahimik na.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Mary.

"Remember the magic lake?" Tanong ni Clover.

Kumunot ang noo ni Irra. "Kahara Lake? The predictor?" Tanong ni Irra.

Tumango-tango ang kambal. "Yes. We found out that it's located here. Let's go." Ani Spades at lumabas na rin.

 Kahara? Anong lake yun? Bakit parang ang familiar? Parang gusto ko na tuloy puntahan. May something about sa lake na yun at gustong-gusto ko na tignan agad.

Naglakad na kami papalabas. Paglabas namin ay natanaw namin si Langit na nakasalampak sa may sahig at nakasimangot. Pinuntahan ko siya at kinalabit.

"Tara na, aalis na tayo." Tumango lang siya at saka tumayo na kumapit sa balikat ko. Wala sa mood ang babaeng 'to.

Nagsimula na kaming maglakad. Mga ilang minuto pa, nakarating kami sa magubat na parte ng siyudad. Ang mga puno ay kulay asul at kumikinang pa. Hapon na, nakikita ko kung paano mahulog ang mga dust mula sa puno, ang ganda.

Si Spades at Clover ang nauna sa paglalakad dahil sila ang may alam na pupuntahan namin. Tahimik naman si Langit sa tabi ko at nakasimangot pa rin. Si Shadow at Mary ay nag-uusap habang naglalakad pati na rin si Irra at Ciana. Si Xymon naman ay nagwhi-whistle lang.

"We're here."

Napatingin ako sa lawa na nasa harapan namin. Umiilaw ito at parang napakasagrado. May mga mumunting isda na tumatalon mula sa tubig. 

Bumitaw na si Langit sa braso ko at sabay-sabay silang lumapit sa lawa. May maliit itong falls na rumaragasa ang tubig, sa tabi nito ay mga halaman na kumikinang rin.

Parang may kung anong rumagasa sa puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko habang tinitignan ang lawang yun. Sa ilang sandali, nagsiagos ang mga ala-ala sa isip ko. May bumabalik na memorya ng nakaraan ko.

Napahawak ako sa ulo dahil bigla iyong sumakit. May lumabas na scenario mula sa isip ko. Isang batang babae at isang matandang babae. Parehong nakaupo sa gilid ng lawa sa madilim na gabi. Hindi ko alam pero, may parte ng puso ko ang sumikdo.

Muntikan na ako mawalan ng balanse dahil sa pagkahilo, pero may sumalo sa akin. 

"Nashy, are you okay?"

Bumungad sa akin ang itsura ni Clover. Nag-aalala ang mga mata niya. parang biglang nawala ang hilo ko at napaayos ng tayo.

"O-oo, nahilo lang." Paliwanag ko.

"Do you remember something?"

Napatingin ako sa kanya. Ang mga mata niya ay nagtatanong. Umiwas ako ng tingin at saka dahan-dahang tumango. May naalala ako, pero hindi yun malinaw pero alam kong ang lawang nasa harapan ko ngayon ay parte ng nakaraan ko.

"Hoy, ano pang ginagawa niyo diyan?! Dito na kayo!" Sigaw sa amin ni Langit, naroon na sila sa lawa at lumilibot kaya wala kaming nagawa kundi ang lumapit.

Paglapit namin, biglang nagtama ang paningin namin ni Spades. Ang mga mata niya ay malamig na nakatingin sa akin, o mas tamang kay Clover.

Nag-away ba 'tong dalawa? Kanina pa sila nagtitinginan ng malamig at parang nakakamatay.

Pero habang tinitignan ko ang itsura ni Spades, may pumasok sa isipan ko. Isang pamilyar na itsura ngunit hindi ito malinaw.

May kamukha siya, hindi ko lang maalala.


A World Called Majestia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon