CHAPTER 20: Avoid

102 25 29
                                    


Ilang araw matapos ang rebelasyong naganap tungkol kina Langit na tinatawag nilang Elites, hindi ko na sila kinausap at nilayuan na sila. Panay parin ang pagreach out nila sa akin pero lumalayo na ako, dahil na rin sa masasamang titig saakin ng mga estudyante.

Hindi naging madali ang pag-iwas ko pero nasaktan ako dahil nagtago sila sa akin ng sikreto. Naging mahalaga na sila sa akin kahit maiksi pa lamang ang araw ko simula nang makilala sila.

Umagang-umaga at dumiretso na ako sa Sacred Garden, since ito nalang ang mapupuntahan ko dahil hindi pa pinapayagan ang mga estudyante na lumabas ng dormitory. Hindi pa pumuputok ng tuluyan ang liwanag. Kitang-kita ko parin ang pagkinang ng Tree of life, kulay dilaw ito at umiilaw pa. tunay na elegante at importante and punong ito. Sa lahat ng magaganda sa academy, ito ang masasabi kong pinakamagandang nakita ko mula sa lugar na ito.

Sa dalawang araw na gaganapin ang Battle of Guardians. Ifinocus ko nalang atensyon ko kay Ebony, sinisiguradong walang makakakita sakanya. Tuwing nag-eensayo kami ni Ebony ay parang paraan na rin ng pag-iwas ko sa kanila. Kahit na minsan lumalambot ang puso ko tuwing nakikita ko silang magkakasama at nakatingin sa akin.

Minsan tuwing magkakasalubong kami, agad akong lumalayo kasi baka hatakin nila ako. Hindi pa ako handa, masakit kasi na tinaguan nila ako ng sikreto. Kung sinabi nila sa akin ng maaga na hindi sila pangkaraniwang immortal lang, edi sana naiwasan ko na sila, hindi na sana mainit ang mga mata ng mga estudyante sa akin.

On the other perspective, kung hindi nila tinago sa akin yun, hindi ko rin sila magiging kaibigan, walang maglilibot saakin sa Academy at makakasama, loner siguro ako.

At isa pa, kahit sabihin nila saakin ang totoo ay pwede parin akong makapagdesisyon kung kakaibiganin ko sila o hindi. Pero ipinagkait nila yung karapatan kong makapagdesisyon.

Yung mga mata pa ni Langit na nakakaawa. Halatang malungkot siya, pati na rin si Mary. Lalong lalo na ang mga mata ni.....

Bumuntong hininga ako at ipinilig ko iyon sa isipan ko, ayaw ko siyang isipin, nababaliw ang puso ko.

Umupo ako at nakasandig sa puno ng buhay, nakabaluktot ang tuhod at niyayakap iyon ng mga kamay ko. Tumitingin lang ako sa kalangitan na unti-unti ng nagliliwanag.

"Hanggang kailan mo kaming balak iwasan?"

Dumagundong ang dibdib ko ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Hindi ko na kailangang lumingon pa para makita kung sino siya.

Hindi ko siya sinagot. Tumayo ako para sana umalis na dahil ayaw ko sa presensiya niya pero hinatak niya ako pabalik kaya napalapit ako sakanya.

Tila sumisikip ang paghinga ko nang magtama ang mga mata namin. Sobrang seryoso ng mga mata niya at parang nanlalambot ang tuhod ko sa titig niya.

Napalunok ako saka binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya. "Anong ginagawa mo dito?"

Ngumisi siya. "Is there a sign that says 'Spades is not allowed to enter' here?" Sarkastikong sabi niya habang nakatingin saakin.

Ngumiwi naman ako. Ang pilosopo rin pala nitong lalaking 'to.

Inirapan ko siya saka bumalik sa pagkakaupo, wala rin naman akong magagawa dahil parang may kung anong nag-udyok sa akin na manatili nalang.

Karupukan, ikaw ba yan?

Ramdam ko rin ang pag-upo niya sa tabi ko. Sobrang lapit naming sa isa't-isa kaya umusog ako dahil hindi na ako nakakahinga ng maayos dahil sa tension ng atmosphere.

"You didn't answer my question." Simpleng sabi niya habang ang mga mata ay nakatutok sa kawalan.

"Kailangan ko pa bang sagutin yan?"

"Yes."

Bumuntong-hininga ako. "Alam mo na ang sagot."

"Is that really the answer?"

"Oo."

Tumingin na siya saakin. "Dahil hindi namin sinabi sa'yo ang totoo, iiwasan mo na kami? Why don't you hear us out first?" Sabi niya.

Nanatili parin akong nakatingin sa kawalan at hindi na sinalubong ang mga mata niya. "Para saan pa? Anong gagawin niyong rason? In the first place, hindi niyo naman kailangang itago sa akin kung sino talaga kayo? May karapatan parin akong magdesisyon kung kakaibiganin ko parin kayo o hindi, pero tinanggal niyo saakin yung desisyon na 'yun dahil sa pagsisikreto sa'kin." Paliwanag ko.

Saglit siyang natahimik. "That's why they're willing to apologize."

Bumuntong-hininga ako at saka ko na sinalubong ang mga mata ni Spades. Titig na titig ito saakin na ikinalunok ko. Bakit ba bawat anggulo at parte ng katawan niya ay napaka-attractive?

"Bigyan niyo lang ako ng oras para makapag-isip, sana maibigay niyo sa akin 'yun." Sabi ko pagkatapos ay tumayo na.

"Aalis na 'ko." Paalam ko at dire-diretso nang lumabas ng hardin. Nilingon ko pa siya sa kinaroroonan niya at kita kong nanatili parin siya sa pwesto niya at walang imik. Hindi gumagalaw.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad, papalabas na sana ako ng gubat nang may may mahagip ang mata ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang may makita akong isang Rhino at isang malaking ibon na nagsasagupaan. Gustuhin ko mang gumalaw pero hindi ko na nagawa dahil napatingin sa gawi ko ang Rhino.

Napaatras ako nang dahan-dahan siyang lumapit saakin. Shet, baka papatayin ako nito.

"W-wag kang lalapit saakin." Naghahanap ako ng panangga mula sa hayop na ito dahil patuloy ito sa paglapit saakin, pero wala akong makitang ni isang panlaban sa paligid.

Plano ko na sanang tumakbo pero nagulat ako dahil bigla naging iba ang anyo ng Rhino. Naging tao ito.

"Wag kang matakot, Nashy. Ako lang 'to."

Ang nasa harapan ko ngayon ay si Xymon, nakasuot ito ng jogging pants at plain black na tshirt. Muntik ko ng makalimutan na may kakayahan pala siyang mag anyong hayop.

Siguro alaga niya yung ibon kanina. Ang aga nilang mag-ensayo. Pagod pa kasi si Ebony dahil sa ensayo namin kahapon. Kaya pinapahinga ko ngayong umaga dahil mamayang hapon ay mag-eensayo ulit kami. Kahit sobrang galing na niya.

Ngumiti saakin si Xymon, pero ibang klase ng ngiti. Ngiting humihingi ng tawad. Hindi ito umabot sa tenga tulad ng lagi niyang ginagawa. "Nashy, so—"

Hindi ko na siya pinatapos dahil mabilis akong umalis sa harap niya at tinahak na ang daan papalabas sa gubat. Ayaw ko munang marinig ang patawad nila.

Nakita kong papunta si Langit at Ciana sa pwesto ko kaya madali akong lumiko at mabilis na naglakad papuntang dormitory. Rinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko ngunit hindi ko na 'yon pinansin.

Kailangan ko muna ng oras para harapin ulit sila. Pinaramdam kasi nila sa akin na ang dali kong magtiwala, at sinira nila iyon. Sana lang ay mabuo muli ang tiwalang binigay ko sa kanila. Ika nga nila, Forgiveness takes place. Hindi ganoon kadaling magpatawad, kailangan mo muna ng clarity of mind bago mo gawin iyon.

Bumuntong-hininga ako pagdating sa kwarto. Kailangan ko muna silang iwasan, mas lalong gumugulo ang isip ko dahil sa pagsabay na rin ng clues na kailangan kong hanapin.

Alam kong matutulungan nila ako.

A World Called Majestia [COMPLETED]Where stories live. Discover now