CHAPTER 8: First Day

111 27 42
                                    


6:30 AM. Naghahanda na ako para sa unang araw ko para sa klase, kahit hindi naman ito ang unang araw.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Suot-suot ko ang isang white long sleeve blouse na tinatakpan ng isang blue blazer na may black linings at may logo ng isang sphynx sa chest part. Nakasuot rin ako ng black necktie at plain black below the knee skirt. Pinaresan ito ng white shoes at while long sock.

Bilib rin ako sa Academy na 'to. Lahat ng kailangan mo ay nandito na, and to think na walang tuition fee ang Academy na 'to. Sabagay, ibang mundo ito. Siguradong walang pera rito.

Rinig ko na may kumatok sa pintuan kaya napalingon ako doon. Agad naman akong humakbang papalapit roon at binuksan iyon.

Bumungad saakin ang mukha ng isang babae. Parehas rin kaming nakauniform. Maiksi ang buhok niya at pormal ang pagkakatayo. Walang bahid na kahit anong emosyon sa itsura niya.

"Yes?" Tanong ko sakanya. Tanging ulo ko lang ang inilabas ko para makausap siya.

Kumurap siya bago magsalita. "Lunch break. Go to the Headmistress' Office." Sabi nya. Nagulat ako dahil pagkatapos niyang magsalita ay bigla siyang naglaho na parang bula.

Napakurap naman ako. Bakit kaya ako pinapatawag?

Napakibit-balikat ako saka kinuha na ang bag ko at nagmamadaling lumabas. Tinignan ko naman ang map, hinahanap kung saan ang daan papuntang Eclist Room 198.

Pagbukas ko ng mapa, napaatras ako sa gulat ng biglang lumabas ang isang hologram ng mata. Napalingon-lingon ako kung may estudyante ba pero wala. Hays Salamat.

Sinundan ko kung saang direksyon ang tinuturo ng mapa. Mabuti nalang at wala masyadong estudyante sa Dormitory Area.

Lakad takbo ang ginagawa ko dahil ambilis ng utos ng mapa. Nagulat nalang ako dahil bigla itong nawala.

Tumingin ako sa harapan at sumalubong saakin ang isang cart. Merong nasakay sa drivers' seat. Siya marahil ang dadala sa mga estudyante papuntang klase nila.

Walang pag-aalinlangang sumakay ako doon. "Eclist b-building po." Utal ko pang sabi dahil hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang maintindihan niya ang sinabi ko at nagsimula nang umandar ang cart. Para lang siyang normal na cart, pero ang bilis nito ay hindi. Nagulat ako dahil wala pang isang segundo ay nasa harapan na kami ng napakalaking building. Wow, ano yun? Super speed?

"S-salamat ho." Paghihingi ko ng salamat bago bumaba. Nanlalaki parin ang mata ko dahil sa naranasan.

Napatingin naman ako sa building. Tantiyang mga nasa 10 floors ito. Paano ko mahahanap ang classroom ko dito?

Nakita ko ang mga estudyanteng pumapasok na doon. Ang iba ay nagtatakang tumingin saakin habang pumapasok. Siguro kinikilala nila ako dahil bago lang ako?

Sumunod nalang ako sa kanila papasok. Pagpasok ko, Nakita ko sa entrada ng pintuan ang mapa ng building. Sa first floor ay lobby, second floor ay 1-100 rooms, sa third ay 101-200 rooms. Hanggang 1000 rooms ang nasa building. Nagulat ako kasi kaya palang mahawakan ng room na ito ang 1000 na classrooms?! Sabagay, hindi na ako magtataka. Hindi pangkaraniwan ang mundo na 'to eh.

Napaisip ako. Saan kaya ang room nila Mary? Nandito rin kaya? Ano kayang room number nila?

Pinilig ko ang ulo ko. Mamaya ko na sila hahanapin, ang mahalaga ay mahanap ko ang klase. 198, sigurado akong nasa third floor iyon.

Tumakbo na ako papuntang staircase kung saan marami ring estudyante ang umaakyat na. Hindi ko alam bakit pero lahat sila nakatingin sa akin.

Samu't-saring bulungan ang narinig ko nang marating ko ang hallway ng second floor. Niyuko ko nalang ang ulo ko at iniwasan ang mga tingin nila. Nakaka-awkward ang pangyayari, hindi ko alam kung paano gumalaw.

"Diba siya yung nakabukas ng portal nung isang araw?"

"Oo nga, paano kaya siya nakapasok doon?"

"Tinulungan pa siya ng mga elites para madala sa Clinic."

"Oo nga, ang bago bago palang pero pabida na."

"Girls, tahimik na kayo, baka marinig tayo."

Napanguso ako. Alam nilang lahat na ako yung galing sa mundo ng mga tao. Grabe, bago palang ako dito pero famous na kaagad ako.

Tinignan ko ang bawat room number na nakaindicate sa itaas ng bawat pintuan. Tumigil ako sa paglalakad ng makita ko ang number 198 na nakapaskil sa itaas ng isang kulay puting pintuan.

Biglang kumalabog ang dibdib ko. Ngayon ko lang naramdaman ang kaba. Kadalasan ito talaga ang nangyayari tuwing first day pero ngayon lang ako kinabahan. Parang gusto ko mag back-out anumang oras. Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba ang pinto o hindi.

Ipinikit ko ang mga mata ko bago huminga ng malalim. Pinapakalma ko ang sarili ko bago humigpit ang paghawak ko sa door knob at unti-unting binuksan iyon.

Rinig ko agad ang ingay sa loob pero noong marinig nila ang ingay ng pinto ay bigla nila itong nilingon at tumahimik bigla.

Napalunok ako at nalilito kung papasok ba ng tuluyan. Lahat sila, pinagtitinginan ako. Napagpasyahan kong pumasok nalang.

Naglakad ako sa gitna ng classroom at bawat kilos ko ay pinagmamasdan nila. Napakagat labi nalang ako. May nakita naman ako kaagad na bakanteng upuan kaya doon na ako umupo.

"May bagong salta!" Biglang nag-ingay ang paligid dahil sa sigaw ng isang lalaki. Nanlaki ang mata ko ng isa isa silang lumapit saakin at nagpakilala. Dinumog nila ang pwesto ko.

"Hi! Diba ikaw yung galing sa Earth?"

"Anong pakiramdam doon?"

"Masarap ba ang mga pagkain doon?"

"Anong feeling ng mamuhay doon?"

"May mga kalaban rin ba doon?"

Bigla akong nahilo dahil sa mga tanong nila. Akala ko magpapakilala sila saakin, pero mali ako. Mag-iinterview pala sila.

"Oy guys, tigilan niyo nga yan! Paparating na ang teacher!"

Dahil sa sigaw na iyon, biglang parang nagkagulo ang buong klase. Kabado silang bumalik sa kani-kanilang mga upuan. Ako naman ay lumingon lingon lang sa kanila habang nagpapanic na bumalik sa pwesto. Parang sa mundo rin naming, ganito din kami eh. Meron rin palang pagkaparehas.

Umupo narin ako ng maayos para magmukha naman akong presentable. Pero biglang dumagundong ang dibdib ko nang makita kong may isa pang estudyanteng pumasok. Babae siya at ang haba ng buhok niya, nakabraid siya at di maipagkakaila ang ganda niya.

Pati mga lalaki ay napatingin rin sa kanya pero nung tumingin uli ako. Ang sama ng tingin niya sa akin. Kasing talim ng tingin ni Irra.

Bigla akong napalunok. Parang may nasesense akong kakaiba sa babaeng 'to. At hindi yun maganda.

A World Called Majestia [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora