CHAPTER 36: Amaionis Temple

85 20 0
                                    

"Wow..." Wala na akong maiusal pang salita habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Para akong mahihimatay sa ganda nito. Puro ako lingon sa paligid habang naglalakad kami pababa ng hagdanan. Napupuno ito ng mala-diyamangteng railings at halos lahat ng mga Wizards ay nakatingin sa amin.

"Ang ganda talaga." Puri ko. Natawa nalang si Mary sa likod ko.

"Where are we heading to next?" Tanong ni Irra habang pababa kami ng hagdanan. Natatanaw ko ang mga pamilihan na may mga samu't-saring prutas at mga... potions I think.

"Amaionis Temple." Ani Clover sa malamig na pamamaraan.

Pagbaba namin ng hagdanan, bigla akong nailang dahil pinagtitinginan ako ng mga tao. Yung iba yumuyukod pa sa mga Elites. Hindi nila ako kilala kaya siguro nagtataka sila.

"It's been decades since I went here, where was it again?" Tanong muli ni Irra.

Napatingin ako sa malaking tore na nasa harapan ko. Malayo-layo iyon sa tingin ko pero iyon na ata ang pinakamalaking tore sa buong siyudad. Merong diyamante ang tuktok nito at kumikinang pa.

"I think it's that one." Tinuro ni Spades ang tore na tinitignan ko palang. Napaawang ang labi ko, yun ba yun? Ang taas naman ng templo.

"We better walk fast, some Wizard kids are looking at us naughtily." Sabi ni Ciana habang nanliliit ang mga matang may tinitignan.

Napalingon ako sa isang tindahan, doon ko nakita ang mga bubwit na may hawak ng orange na may kulay kahel na usok. Tama nga ang sabi ni Ciana, mukhang may mga balak 'tong mga batang 'to. Humahagikgik pa sila habang hinahagis ang orange at sinasalo ulit.

"Let's go."

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa templo na sinasabi nila. Medyo ilag ako sa mga tao kasi ang sabi nila, hobby ng mga wizards dito ang mang-trip, lalo na sa mga batang wizards.

Halos lahat ng nakakasalubong namin, may dala-dalang wands. Kung hindi wands, mga pots na may laman na likido na parang bumubula, umuusok rin at masangsang ang amoy. Para akong mahihilo.

May nagliliparan rin sa itaas. Yung iba, nakasakay sa lumilipad na carpet. Grabe, nakakamangha.

"Wag kang masyadong mamangha rito, Nashy. Hindi magaganda ang ugali ng mga immortals rito." Sabi ni Irra sa akin na prenteng naglalakad. 

Napalunok naman ako nang may mahagip akong Wizard na papalapit sa amin. Mabilis akong napatabi sa kanila Langit nang dire-diretso lumapit sa amin.

"You..." Nagulat ako nang bigla niya hinila ang pulsuhan ko. Mabilis na gumalaw ang mga Elites para awatin ang matandang Wizard.

Nakakatakot ang titig niya. Para akong may ginawang kasalanan sa kanya. Masakit ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko kaya hindi ako makabitaw sa hawak niya.

"You'll bring destruction to Majestia. Leave."

Bigla siyang hinila ni Spades kaya napabitaw siya sa pagkakahawak sa akin. Napahawak ako sa pulsuhan ko nang bigla iyong namula pero laking gulat ko dahil biglang nawala ang pamumula.

"Get lost." Malamig na sabi ni Spades. Parang agad na nagising ang matanda at natatakot na tumakbo papalayo.

"Is he crazy?" Naiiling-iling na tanong ni Irra.

Agad na lumapit sa akin ang mga Elites. "Are you okay?" Tanong ni Spades sa akin. Napatitig naman ako sa kanya at dahan-dahan na tumango.

Naalala ko ang sinabi sa akin ng matanda. Ako? Magdadala ng gulo rito sa Majestia? Ano ang ibig niyang sabihin?

Ito na ba ang sinasabi ni Headmistress na marami akong sikretong malalaman? Pero paano ko malalaman kung totoo ba ang mga sinasabi nila o hindi?

"We should get going." Ani Ciana at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Panay naman ang titig sa akin ng dalawang kambal na ikinailang ko, lalo na't nasa gitna nila ako habang naglalakad. Ang awkward.


Mahigit isang oras na paglalakad namin, narito na kami sa tapat ng templo na sinasabi ni Headmistress, ang Amaionis Temple. Nalulula ako sa taas nito dahil halos ang kalahati nito ay natatakpan ng ulap pero kitang-kita pa rin ang sinag ng diyamante na nasa tuktok nito.

Mula sa entrada ng templo, may mga nakabantay roon na mga guwardya. Dahan-dahan kaming lumapit sa entrada. Nagulat ako dahil isa-isa nilang pinapasok ang mga Elites sa loob ng templo, hindi na ako magtataka, kilala sila sa buong Majestia.

Akmang papasok na sana ako ngunit napaatras ako nang bigla akong tinutukan ng isang guwardiya ng wand. Kumikinang ang dulo nito sa tulis na ikinalaki ng mata ko.

"S-sandali lang..." Ang mga Elites na nakapasok na sa loob ay biglang napatigil at nilingon ako. Dali-dali namang inawat ni Xymon ang guwardiya.

"She's with us." Dahil sa sinabi niya, dahan-dahang ibinaba ng Wizard ang wand niya at pinapasok na ako. Huminga ako ng malalim pagpasok ko, akala ko mamamatay na 'ko.

Pagpasok ko sa templo, maraming mga Wizards ang naglalakaran, ang iba ay nakaupo at gumagawa ng kung ano-ano, yung iba naman ay umaakyat gamit ang elevator.

"Let's look at the map right there." Itinuro ni Xymon ang isang gilid kung saan may malaking mapa na nakadikit.

Dahan-dahan kaming lumapit roon at pinagmasdan ang mapa. Para akong mahihilo habang tinitignan iyon. Ang daming mga kwarto, legends at mga letrang nakaungkit sa mapa.

"Who are we looking for?" Tanong ni Shadow.

Nanliit ang mga mata ni Langit habang pinagmamasdan ang mata. "Master Mega hindi ko alam ang pangalan." Sabi niya na ikinatampal ng noo ko. Kahit kailan talaga hindi nagseseryoso ang babaeng 'to.

"Master Mega who?" Dagdag na tanong ni Spades. Hindi na talaga nila alam kung anong pangalan ng hahanapin naming Wizard.

Inisip kong mabuti ang sinabi ni Headmistress sa amin. Ano nga ulit ang pangalan ng Master na 'yun?

Aha!

"Master Melagorn ata ang pangalan." Sabi ko sa kanila at napapitik naman ng daliri si Xymon na parang nakapanalo ng jackpot.

"Ito ata yun, guys." Tinuro niya ang isang parte ng mapa, sa pinakataas. May nakalagay roon na 'Master Melagorn'.

"Nasa pinakataas siya nakalocate. Ang layo naman." Reklamo ni Mary at napakamot pa ng ulo.

"We don't have a choice. Let's take the elevator." Ani Spades.

Sabay-sabay kaming pumasok sa elevator. Wala kaming kasamang ibang Wizards kundi kami-kami lang rin. Pinindot ni Clover ang pinakamataas na floor atsaka na nagsimulang gumalaw ang elevator.

Habang papaakyat ng papaakyat kami. Nakikita ko ang iba't-ibang floors ng templo. Umawang ang labi ko nang umabot sa langit ang elevator at nasaksihan ko ang kabuoan ng Wizard City. Ang gandang tignan mula rito sa taas. Makulay ang siyudad at hindi ko mapigilang mamangha.

"Wow..." Tanging usal ko lamang.

Walang ganito sa totoong mundo kaya labis nalang ang pagkamangha ko. Sana ganito palagi ang nakikita ko.

Biglang huminto ang elevator sa pinakamataas na palapag. Lumabas na kami at bumungad sa amin ang isang matandang lalaki, maputi ang mahahaba nitong buhok habang nakatalikod at nakaharap sa kabuoan ng Wizard City.

 Nalalasap ko ang hangin mula rito. Malamig iyon at sariwa. Open place na ang hulihang palapag pero may bubong pa ito at mga boundary upang hindi mahulog. Ang matandang lalaki ay naka-indian seat. Ang isang kamay ay nasa tuhod at ang isa ay may hawak na parang tunkod ngunit may ruby sa tuktok nito.

"I think it's him." Bulong ni Mary ngunit mukhang malakas ang pandinig ng matanda dahil bigla niya kaming hinarap at mabilis kaming tinutukan ng tungkod niya na ngayon ay umiilaw na.

"Who are you? What are you doing here?"

-------------------------

Pronounciation of Amaionis is "A-ma-yo-nis"

Happy reading!

A World Called Majestia [COMPLETED]Where stories live. Discover now