CHAPTER 23: Battle of Guardians

103 28 15
                                    


Kinabukasan ay araw na ng battle of the guardians. Halos puno na ang buong Arena ng mga estudyante, walang nakalabas na mga alaga at kapwa itong nasa kwintas nila.

Dito ako nakapwesto sa tabi ni Mary. Hindi ito by section kaya kasama ko sila. Wala narin akong pakialam kung masama ang tingin sa akin ng marami. Hindi naman ako mamamatay dahil dun.

Pumasok sa isip ko yung pagyakap sa akin ni Clover. Hindi ko iyon inaasahan, nagulat ako dahil sa ginawa niya. Pero parang may parte ng puso ko ang nasiyahan dahil parang gumaan ang loob ko sa yakap niya.

Clover, sino ka ba talaga sa buhay ko?

Hindi ako napanatag kahapon dahil nang umalis si Clover, nahuli ng mga mata ko ang pagtalikod ni Spades, na nakakuyom ang kamao. Sigurado akong nakita niya ang nangyari.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o malungkot. Naguluhan ang isip ko.

Napatingin ako sa ibaba ng bleachers ng biglang dumaan si Jonnes. Nakabenda ang kanang kamay niya pero parang wala lang iyon sa kanya. Nang tumingin siya saakin ay umigting ang bagang niya at parang gusto akong saktan, pero nagulat ako dahil nilampasan niya lang ako.

Malaki daw ang tinamong sugat ni Jonnes. Usually kayang pagalingin ng mga healers ang sugat niya pero nasobrahan raw ang pwersang naibigay ko kay Jonnes na naging sanhi ng pagkabenda ng kanang kamay niya.

"Oh, natakot na ata sa'yo si Jonnes." Natatawang sabi ni Langit na katabi ni Mary. Kinurot naman siya ni Mary na natawa rin.

Sa harap ng Arena ay merong sampung upuang nagmimistulang trono. By pair ito at para raw ito sa mga Emperors at Empress na manonood ng paligsahan. Mga magulang ng Elites.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Dahil ba magulang sila ng mga kaibigan ko? Siguro nga. Baka bigla akong ipakilala, tapos hindi ako tatanggapin kasi ganito lang ang katayuan ko?

Assumera ka, Nashy.

Wala pang nakaupo roon at papunta palang raw ang mga Emperors at Empresses. Lahat ng estudyante excited. Ako naman ay may halong kaba at excitement. First time kong makasali sa ganitong paligsahan, kakaiba ang dating sa akin nito.

Random ang bubunuting pangalan ng mga alaga namin. Binigyan kami ng form nung isang araw bilang entry ng guardians namin. Maraming rounds ang paligsahan kaya buong linggong magiging busy ang lahat para rito.

"Ang tagal namang mag start." Rinig kong angal ni Xymon. Siya kasi ang nasa likuran ko. Halatang bangag na ang mukha niya dahil papikit-pikit na rin siya ng mata niya. Pati si Shadow na nasa tabi niya ay ganun na rin.

"Tahimik ka, Xy." Naiiritang sabi ni Langit.

"Tumahimik ka rin." Ganti ni Xymon. Inirapan lang siya ni Langit.

Napatawa ako ng mahina dahil nakakatawa ang bangayan nilang dalawa, pero bagay sila.

Hindi ko makita kung nasaan sina Spades at Clover dahil wala parin sila rito, na ipinagtataka ko. Nasaan na kaya ang dalawang 'yun? Bakit wala pa sila? Kadalasan ay sila pa ang nauunang makakarating.

Parang nabasa nila ang iniisip ko dahil biglang lumitaw si Clover sa harap namin. Magulo ang itsura nito at ang gusot ng damit. Lahat kami nakakunot ang noo. Anong nangyari sa kanya?

Wala na ang emosyon niya na nakita ko sa kanya kahapon. Bumalik na ulit siya sa walang emosyong Clover.

Nagtama ang mga mata namin. Nginitian ko siya pero naglaho iyon ng lagpasan niya lang ako at tumabi kay Shadow, na likod ni Mary.

"CJ! Irra! Dito!" Biglang tumayo si Langit at kinawayan si Ciana at si Irra na paparating na. CJ? Ang gandang nickname, ah.

Umupo si Ciana sa tabi ko. Wala itong imik at nakatingin lang sa gitna ng Arena, tila may iniisip. Si Irra naman ay nasa tabi ni Clover, sa likod.

Kung hindi ko lang sila kilala mapagkakamalan ko ng magkapatid itong si Ciana at Irra. Parehas sila ng ugali eh.

Pero teka, may kapatid ba 'tong si Ciana? Kasi halos lahat ng Elites magkakapatid, maliban lang sa kanila ni Shadow.

Pinilig ko ang ulo at itinuon ulit ang atensyon sa Arena dahil nagsitayuan na sila. Dumating na raw ang mga Emperors at Empresses.

Halong kaba ang nararamdaman ko ng may pumasok na limang higanteng elepante sa loob ng Arena. Sobrang laki ng Arena kaya di na ako magtataka kung papaano sila nagkasya sa loob. Bawat elepante ay may carpet na nakalagay sa likod, at parang may bahay ang likod nito. Doon na siguro ang mga Emperors at Empresses. Nagsitayuan ng tuwid ang mga Elites kaya ganun na rin ang ginawa ko. Tumayo ako ng maayos ng mahuli ng mga mata ko si Spades na patakbong pumunta sa pwesto namin at tumabi kay Ciana. Rinig ko ang paghingal nito pero ako rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Sorry, I'm late." Sabi niya.

Wala parin emosyon si Ciana. "No need to apologize, I don't care." Aniya sa malamig na tinig kaya pigil kong tumawa dahil sa sinambit niya. Tumatawa nalang ako sa isip ko.

Hindi ko na tinignan si Spades dahil nakatutok ang mga mata ko sa gitna ng Arena ng isa-isang bumaba ang mga taong naroroon. Nakasuot sila ng attire na parang royalty talaga, sila na marahil ang mga tinatawag nilang Emperors and Empresses, ang gagara ng mga suot nila. Ang gagandang tignan.

Bigla akong napatingin roon sa bumaba sa unang elepante. Napaka elegante nila at masasabi kong sila ang nagstandout sa mga mata ko. Maputi ang babae, ganoon rin ang lalaki. Ang gaganda at gwapo nila.

Biglang may sumikdo sa puso ko sa di malamang dahilan. Parang may naramdaman agad ako sa puso ko na hindi ko mapangalanang emosyon. Pangungulila? Pagkalungkot? Hindi ko mabanggit kung ano iyon pero alam kong nararamdaman ko ang isang sa mga iyon.

Siguro dahil lumaki akong walang mga magulang, kaya ganito ang nararamdaman ko.

Isa-isa na silang umupo sa mga trono at umalis na ang mga elepante. Kasabay non ang pagyuko naming biglang pagpugay at umupo na. Hindi ako mapakali sa pwesto ko. Para akong may bulate sa pwet. Hindi komportable ang pakiramdam ko. Dahil ba 'to sa kaba?

"Excited na akong makita ang Guardian mo, Nashy." Masiglang sabi ni Mary sa tabi ko. Nginitian ko siya. Oo nga pala, hindi pa nila nakikita si Ebony.

"Wait ka lang mamaya. Makikita mo rin." Sagot ko. Nginitian niya ako ng matamis saka tumingin ulit sa harapan.

Nagsimula na ang program pero ako, kabado parin. Namamawis na ata ang kamay ko eh. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko at parang nahalata iyon ni Ciana dahil bigla siyang lumingon sa akin.

"Could you stay still?" Medyo iritable niyang sabi kaya umayos ako ng upo. Nakakatakot ang boses niya. Para siyang ate ko.

Bumuntong-hininga naman siya tsaka hinaplos ang buhok ko. Na ikinagulat ko. Hindi ko inaasahang gagawin niya iyon. Pero may iba sa mga haplos niya na nagpagaan sa loob ko. Bakit iba ang epekto saakin? Para akong naaantok.

"Don't get nervous, Nashy. They won't bite you. Like, really. They won't." Aniya atsaka tumigil na sa paghaplos ng buhok ko. Saka siya napakurap kurap at itinuon ulit ang atensyon sa harapan.

Oo nga, Nashy. Kumalma ka.

A World Called Majestia [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora