CHAPTER 47: New Riot

84 14 6
                                    

"Second punishment, no sleeping."

Sabay-sabay kaming umangal ng mga Elites sa sinabing iyon ni Master Melagorn. Madaling araw palang ay ginising na niya kami upang makapaghanda, pagkatapos ay ito na ang naiulat niya sa amin.

Seryoso ba siya?! Walang tulugan?! Ibig sabihin magmumukha na kaming zombie bukas! Jusko!

Literal na gusto ko na magwala rito dahil late na nga kami natulog kagabi, maaga pa kaming ginising tapos ito ang ipapataw na parusa sa amin.

Well, maaga naman kaming natulog pero hindi naman ako pinatulog ni Spades. Hanggang hating-gabi akong gising dahil sa tanong niya sa akin.

Hindi ko iyon sinagot, hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi dahil natatakot ako na kapag sinagot ko iyon, biglang mag-iiba ang tingin namin sa isa't-isa.

Taray! Jowang-jowa ka ghurl?

Ipinilig ko ang ulo ko sa pag-iisip na iyon at saka itinuon ang pansin ko kay Master Melagorn na pinapaliwanag ang dapat naming gawin.

"You can do whatever you want to fight the sleepiness, you can wonder around but you can't sleep. I have eyes wondering around." Aniya. Sumimangot naman kami, alam talaga niya kung paano kami mapapahirapan.

"And if we slept?" Tanong ni Ciana.

Ngumisi sa kanya si Master Melagorn at ngumiti ng may babala. "You don't wanna know." Sabi niya at sumeryoso na muli ang mukha.

"I'll leave here with Carmen because I have to return to the City, she will handle you for awhile. Remember, no sleeping." Sabi nuya at walang paalam na naglaho na lang bigla. Lahat kami ay napabagsak ang balikat dahil sa frustration.

"Shet, ang aga nating gumising tapos ito ang ipapataw na parusa sa'tin. Nasaan ang hustisya?" Reklamo ni Langit habang sinisipa ang mga maliliit na bato sa inis.

Napahilamos naman ng mukha si Shadow at ginulo ang buhok niya. "This is what we call shit." Pagmumura niya.

Kahit na magmura kami't lahat-lahat, hindi na namin mababago ang parusang pinataw sa amin. Ang kailangan lang namin gawin ay idilat ang mga mata namin buong araw.

Bumuntong-hininga ako at saka tumayo. "Maglalakad lang ako para mawala ang antok ko." Malakas na ang sinag ng liwanag kaya nakikita ko na ang kabuoan kahit puro puno nalang ang nakikita ko.

"Samahan na kita." Aya ni Langit sa akin pero umiling ako. 

"Okay lang." Gusto ko munang mapag-isa, gusto kong mag-isip ng mga bagay-bagay dahil simula nang dumating ako rito sa Majestia ay gumulo na lalo ang buhay ko.

Nagpaalam na ako sa kanila at iniwan na sila sa pwesto namin. Tinahak ko ang gubat ng mag-isa. Pinagmamasdan ko ang mga dahon na nagsisilagasan sa lupa. Natatapakan ko pa ito kaya may ginagawa itong tunog. 

Tahimik ang gubat, mula rito ay nakikita ko ang mga dragon at iba't-ibang klase ng ibon na nagliliparan sa langit.

Nag-hum ako habang naglalakad na nagpakalma ng damdamin ko. Matagal ko na hindi nakakapagrelax ang isip ko. Simula nang dumating ako rito, maraming mga rebelasyon ang nangsipasukan sa isipan ko ng sabay-sabay.

Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Basta, ang alam ko lang ay huminto ito sa tapat ng isang lawa.

Kahara Lake.

Dahil mataas ang sinag ng liwanag, kumikinang ang tubig nito at ang maliit na talon na umaagos rito ay kumikinang rin. Ngayon alam ko na kung bakit sagrado ang lawa na ito, dahil siya ang nakakakita ng hinaharap ng isang tao, at nabasa niya ang sa akin.

Dahan-dahan akong lumapit roon. Kung nung unang lapit ko rito'y ang bigat ng pakiramdam ko, ngayon ay ang gaan-gaan na. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksiyon sa tubig.

"Kahara, kilala ko na ang sarili ko." Pagkausap ko sa lawa. Nangingiti pa ako sa repleksiyon habang dahan-dahang umuupo. Naalala ko nung mga bata pa ako, ayon sa memorya ko ay dito ako pumupunta tuwing may problema o gusto kong maglabas ng saloobin.

"Ang tagal kong nakalimot. Lumaki ako sa mundo ng mga tao pero buti nalang at natatandaan pa kita." Sabi ko. Isinawsaw ko ang kamay ko sa lawa at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Alam ko na kung anong kapangyarihan ang meron ako," Ani ko. "At hindi ko na hahayaang magdulot muli ito ng gulo sa Majestia." 

Nagulat ako dahil biglang may lumutang ng mga pixie dust sa ere. Nawala ang replesiyon ko sa tubig dahil nagliwanag ang buong lawa.

"Nashy."

Napatigil ako nang may marinig ako mala-anghel na boses. Lumingon ako sa paligid upang mahanap kung kanino nanggagaling ang pamilyar na boses na iyon.

"It's me." 

Saglit ay napabaling ang tingin ko sa lawa. Saglit akong napakurap-kurap bago ko napagtanto sa ang lawa ang nagsasalita.

"K-kahara?" Nauutal na tawag ko sa kanya. 

Saglit na tumahimik ang paligid bago muling magsalita si Kahara. "It's nice to see you back." Aniya at narinig ko ang kagalakan sa boses niya. Napangiti ako.

"Ako rin, masaya ako." Pag-amin ko sa kanya. Pinagmamasdan ko ang pixie dust na nasa ere habang naka-indian seat ako. 

"But the fun will not take any longer."

Nawala ang ngiti sa labi ko at kumunot ang noo ko nang marinig ko ang sinambit niya. Anong ibig niyang sabihin? 

"A-ano?" Takang tanong ko habang nakatitig muli sa lawa.

"Your powers, will bring destruction to Majestia once more."

Napaawang ang labi ko habang tinitignan ang lawa. Gagawa muli ako ng panibagong sigalot? Ang akala ko ay natapos na ito nang mapadpad ako sa mundo ng mga tao at hindi na bumalik ng maraming taon.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. Kailangan kong malinawan sa mga sinasabi niya, at mas lalong kailangan kong maghanda sa mga pwede niya pang sabihin sa akin.

"You are the Princess of the First Empire. As long as greedy immortals roam around this magical world, the whole Majestia will never be at peace."

Natulala ako sa sinabi niya. Alam kong ang greedy people na sinasabi niya ang ang mga rebeldeng na gustong maghasik ng lagim sa buong Majestia.

"Beware of choosing your friends, trust no one but yourself."

Akala ko nasagot na ang lahat ng mga tanong sa isipan ko ngunit hindi pa pala. May mga panibagong tanong na bumabagabag muli sa isipan ko. Mga tanong na humihingi muli ng mga sagot. 

"Ano ang dapat kong gawin, Kahara?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang mga noo at nakabakas ang kalituhan sa buong mukha ko.

"Bring back the peace of Majestia."  Ang tanging sabi niya sa akin. Napaawang lalo ang bibig ko sa sinabi niya.

Paano ko maibabalik ang katahimikan sa Majestia kung hindi ko alam paano. Hindi ko alam kung paano mawawala ang mga rebelde sa landas namin, kung paano sila bumalik sa pamamalakad ng limang imperyo.

Tatanong sana ulit ako nang bigla ulit siyang magsalita bago maglaho ang mga pixie dust sa ere at bumalik sa dating anyo ang lawa.

"You already destroyed Majestia's unity, and you will destroy it once more."




A World Called Majestia [COMPLETED]Where stories live. Discover now