CHAPTER 28: Memories

101 25 7
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming naglalakad. Ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Sumama lang talaga ako sa kanila para naman hindi ako mag-isa sa Academy. Sila lang ang malapit sa akin.

Halos gusto ko nang umupo pero sila patuloy parin sa paglalakad. Nasa gitna kami ng gubat, tahimik at tanging mga yapak lang namin ang naririnig. Paminsan-minsan ay kumakanta si Irra pero walang lumalabas na salita sa bibig niya. 


"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Ciana na nasa tabi ko lang. Nasa harapan si Mary kaya siya lang ang natatanungan ko. Nangangawit na talaga ako at parang susuko na ang tuhod ko ilang minuto mula ngayon.


Kumibit-balikat lang si Ciana. Napasibangot nalang ako. Sana pala hindi nalang ako nagtanong kasi wala rin pala akong makukuhang sagot. Para lang akong tanga.


Madahon ang lupa, naglalagas mula sa puno na nakapalibot sa amin. Parang may nagaganap na fall dahil hapon na rin. 


"Stop." 


Tumigil kami sa paglalakad nang biglang tumigil si Spades. Nakahinga ako ng maluwag, sa wakas! Makakapagpahinga na yung mga paa ko. Nagpaunat-unat pa ako dahil sobrang pagod na ako. Isabay mo pa ang gutom at uhaw. Wala na akong naging panahon para bumunot ng tubig sa bag na dala ko.


Kukunin ko na sana ang tubig sa bag ko pero parang biglang umiba ang awra ng paligid. Pati simoy ng hangin biglang umiba. Tumingin ako sa mga kasama ko dahil bigla ring umiba ang mood nila. Parang bigla silang sumeryoso. Pati si Langit na kanina ay tumatawa pa sumeryoso na ang ekspresyon.


Napuno ng pagtataka ang sistema ko, lalo na nung lumingon si Clover sa'kin at bigla akong nilapitan. Hinawakan niya ang mga braso ko at seryosong tumingin sa akin.


"Stay put." Malamig na sabi niya na mas lalong nakakapagtaka pero sinunod ko nalang ang sinabi niya. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa sitwasyon namin ngayon. Iba ang binubulong ng hangin.


Binalot ng kaba ang dibdib ko ng bigla silang isa-isang nagsilabasan ng mga sandata. Kumikinang iyon at talaga nakakatakot ang tulis sa dulo ng mga iyon. Si Xymon ay biglang nag-iba ng anyo. Bigla itong naging mabasik na leon. Naging alerto ang mga katawan nila lalo na nung nagsilabasan ang mga nakaitim sa paligid.


Takot at gulat. Yun ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw lalo na't hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong maitutulong ko sa kanila.


Bigla nila akong pinalibutan. Sila na tuloy ang nagsisilbing proteksyon ko sa mga nakaitim.


Nagulat ako ng bigla silang sumugod. Naging alerto ang mga galaw ng mga Elites at nakakagulat dahil walang ni isang dumapo sa akin. Pinanonood ko ang mga galaw nila pero sa loob looban ko ay nanlalamig na ako. 


Sobrang pamilyar ng mga pangyayari. Hindi ko mahalungkat sa memorya ko kung bakit ito naging pamilyar pero binalot ako ng sobrang takot sa sistema ko. 


Parang biglang lumabo ang mga mata ko at nakakakita ako ng malabong mga imahe, parehas na parehas sa nangyayari sa amin ngayon. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko. 

A World Called Majestia [COMPLETED]Where stories live. Discover now