CHAPTER 48: Confessing Hearts

78 12 18
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatitig sa lawa. Iniisip ang mga sinabi sa akin ni Kahara. Ako ang nagdulot ng sigalot sa Majestia noon, at ako ulit ang gagawa ng panibagong sigalot ngayon?

As much as I want to stop it from coming, alam kong hinding-hindi mapipigilan ang mga balak na gawin ng tadhana.

Pero hindi pwedeng tumunganga ako habang-buhay at walang gawin. Pwede ko pa naman maiba ang agos ng kinabukasan, kung alam ko lang paano.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung anong ang dapat kong gawin, walang ideyang pumapasok sa isipan ko at ang labo ng mga iniisip ko ngayon.

"Why are you here?"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na parating bumabaliw sa puso ko. Parang nahigit muli ang hininga ko at lahat ng iniisip ko ay naglaho bigla.

Ramdam kong may tumabi sa akin. Amoy na amoy ko ang scent niya mula sa tabi ko.

"Ikaw, a-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng nauutal saka umiwas ng tingin. Hindi talaga ako komportable kapag nandiyan siya sa tabi ko, parang sasabog ang puso ko anytime soon.

"I followed you here, baka kung anong mangyari sa'yo, eh." Sabi niya. Pinilit kong hindi ngumiti at kinagat ang loob ng pisngi ko para pigilan ang paru-parong nagliliparan sa tiyan ko.

May gusto na ba talaga ako kay Spades? Hindi ko alam, matagal ko nang dine-deny ang nararamdaman ko sa kanya dahil nililito rin ni Clover ang isip ko. Parehas na malakas ang dating nila sa akin kaya naguguluhan ako.

"Concern ka sa akin, no?" Pinilit kong pagaanin ang atmosphere sa paraan ng pang-aasar pero parang mas lalo iyon bumigat.

"If I say yes, would you believe me?"

Dahil sa sagot niya, napalingon ako sa kanya. Napasinghap ako dahil ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. Naaamoy ko ang mabango niyang hinihinga at hindi ako makatitig sa kanya dahil ang lalim ng mga titig niya sa'kin.

Saglit akong lumayo bago ulit umiwas ng tingin at pinagmasdan ang lawa. Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil hindi ko alam kung saan yun patungo. Nanatiling tahimik ang buong paligid nang magsalita muli siya.

"You haven't answered my question last night." Aniya na ikinatigil ko. Anong tanong ba? Yung tanong kung naaalala ko na ba siya? Ayaw kong sagutin ang tanong niya.

"A-anong tanong?" Sabi ko, nagkukunwaring hindi ko alam ang sinasabi niya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "You ignored my question last night, huh?" Sabi niya sa sarkasmong tono. "Are you just playing dumb or you really don't remember my question?"

Napalunok ako sa tono ng boses niya. Para siyang naiinis na ewan. Sinalubong ko ang titig niya sa akin habang nakapangalumbaba.

"Ano nga ba kasi yung tanong?" Tinanong ko siya ulit.

Amused niya akong tinignan bago umiwas ng tingin at umiling-iling pa. "I was asking if you remember me, but I guess you didn't."

Napaiwas rin ako ng tingin. Parang biglang bumigat ang dibdib ko sa tanong niya, sumama tuloy ang loob ko dahil parang iba ang epekto nun sa kanya.

Tumikhim ako bago nagsalita. "N-natatandaan kita." Pag-amin ko sa totoo. Pinikit ko ng mariin ang mata ko habang hinihintay ang magiging sagot niya.

Ngunit ilang segundo ang nakalipas ay nanatiling tahimik ang paligid at hindi siya sumagot kaya napalingon na ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko dahil matiim siyang nakatitig sa akin na ikinabara ng lalamunan ko.

"Uhm, wala ka bang sasabihin?" Tanong ko sa kanya.

Tumitig siya sa may lawa at parang nag-iisip ng malalim. "So you're really playing dumb, huh?" Rinig ko ang pait sa boses niya na ikinalunok ko.

May nagawa yata akong hindi maganda.

"Ano?" 

"You're playing dumb, dahil kung hindi, kagabi pa sana sinagot mo na ang tanong ko." Aniya at tumingin sa akin.

Natutop ang bibig ko. Masama nga ang loob niya sa kin. Hindi ako makasalita dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

"Gusto mo bang kalimutan nalang ako?"

Nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya at tinignan siya. "What? Hindi ga'non yun!" Dipensa ko sa tanong niya.

Bakit biglang yun ang naiisip niya? Na gusto kong manatili siyang ala-ala na hindi ko matandaan? Kung alam niya lang ang totoong dahilan kung bakit hindi ko siya sinagot kagabi.

"Then why?" Ulit niyang tanong.

Napahilamos ako ng mukha ko dahil parang wala na akong takas at ang tanging gagawin ko nalang ay sabihin ko sa kanya ang totoo.

"Basta!" Tanging sagot ko lang sa kanya. Sana hindi na siya magtanong ulit. Nakakahiya na.

"Anong basta?" Pangungulit niya. Sinubukan kong itago ang sarili ko sa kahihiyan pero hindi ko magawa.

"C'mon, tell me. If you won't then i'd rather ask Shadow about it." Napamulat ako nang mata sa sinabi niya. Lintek, ako nalang tanungin niya wag lang si Shadow. Baka kumalat na parang apoy ang mababasa niya sa isip ko.

Hinilamos ko ulit ang mukha ko saka sinamaan siya ng titig. Ang lintek naman, ngising parang aso. "Eto na, sasabihin ko na!" 

No choice, Nashy. I-ready mo na ang sarili mo sa kahihiyan.

Siya naman ay naghihintay lang ng sasabihin ko habang nakatingin sa akin. 

Pinaglaruan ko ang mga kamay ko saka umiwas ng tingin. Paano ko ba 'to sasabihin? "A-ano kasi..." Panimula ko.

"Hmm?"

"Ganto kasi yun! A-ano..."

Naririnig ko ang pagtitimpi niya. "I'm waiting." Aniya kaya mas lalo akong kinakabahan.

Sana hindi mag-iba ang pagsasamahan namin kapag sinabi ko 'to.

"Ito kasi talaga yun, uhm..."

"C'mon, just tell me already!"

"I like you, okay?!"

Natahimik ang buong paligid nang magsalita ako. Napakagat ako ng labi at tinampal ang noo ko dahil sa nasabi ko. Takbo na Nashy, bago ka pa habulin ng kahihiyan.

Hindi ko alam kung anong reaksiyon niya dahil hindi ko siya tinitignan. Feeling ko namumula na ang buong mukha ko sa kahihiyan.

Napakamot ako ng ulo saka dahan-dahan tumayo. Kailangan ko na tumakas.

"Uhm, aalis na ako." Palusot ko bago dahan-dahang tumayo para tumakbo sa kahihiyan dahil wala siyang imik sa sinabi ko. Hindi ko rin alam kung anong nasa isip niya dahil ayaw ko naman iyon basahin.

Tatakbo na sana ako papalayo ngunit nagulat ako nang bigla niya akong hilain sa siko at hinila papalapit sa kanya.

Bumangga ang mukha ko sa matigas na dibdib niya. Wala na akong ibang naririnig kundi ang pintig ng puso kong parang nakikipagkarerahan. Umawang ang labi ko at walang lumalabas na salita sa bibig ko.

"You know, since we were kids I already like you." Aniya na ikinatigil ko. Parang tumigil ang mundo sa sinabi niya. Simula pa bata kami may nararamdaman na siya sa'kin?

Hinawakan niya ang panga ko at inangat iyon. Nagtama ang mga mata namin at halos hindi na ako huminga dahil sa mga nakikita kong emosyon sa mga mata niya. Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

Ngumiti siya. "I'm glad that the feeling is mutual."





A World Called Majestia [COMPLETED]Where stories live. Discover now