CHAPTER 27: Escape

100 27 38
                                    


6PM. Sigurado na 'kong nasa Dining Hall na ang mga student para kumain. Wala na ring tao sa dormitory kaya masasagawa ko na ang plano ko ng maayos. Ang kailangan ko lang ay tiyempo na hindi ako makita ng mga gwardiya, ni Headmistress at ng mga Elites na sinusundan ko sila.

Nakasuot ako ng kulay abong hoodie at pantalon. Ang bag ko ay nasa likod ko. Hindi naman 'to mabigat masyado kaya hindi ako nahihirapang maglakad.

Pagbaba ko ng dormitory ay walang guwardiyang nagbabantay dahil kumakain rin sila sa isa pang hall for faculty, staffs and teachers.

Lumilingon-lingon ako sa paligid para masiguro kong wala na talagang tao. Pagkatapos ay tumakbo ako papuntang entrada ng academy.

Isang malaking gate ang bumungad sa akin. Sobrang taas nito na ang kalahati nito ay nasa ulap na.

Nagtago ako sa mapunong parte nang makita kong naglalakad ang mga Elites. Kapwa silang nakahoodie dahil malamig na rin ang gabi. Sumusunod sila kay Headmistress na ang dalawang kamay ay nasa likod. Tumigil sila sa harap ng gate bago sila nilingon ng Headmistress. Kapwa rin silang may dalang bag. Hindi rin iyon kalakihan at tulad lang iyon sa'kin.

Parang may sinasabi sa kanila si Headmistress, medyo naririnig ko ang sinabi nila. Na mag-ingat raw sila at wag magpapahuli.

Saan magpapahuli?

Tumango-tango lang sila sa mga sinasabi ni Headmistress. Ako naman ay nagtatago pa din pero medyo nakalabas na para madali ko silang masabayan sa paglabas, nagpaalam pa sila kay Headmistress bago dahan-dahang nagbukas ang gate.

Umawang ang labi ko habang bumubukas iyon. Sobrang laki kasi nun at ang bumungad sa labas ay isang gubat.

T-teka? Gubat? Bakit gubat? Liblib ba ang paligid ng Academy?

Nawala na si Headmistress kaya nakagalaw na 'ko. Naglalakad na ang Elites papalabas. Dumaan ako sa likod ng mga guwardiya at siniguradong hindi nila ako makikita.

Ang mga Elites ay hindi parin nakakaramdam sa presensiya ko pero iba ang kilos ni Shadow. Lumilingon-lingon pa siya na parang may nararamdaman kaya tumatago ako.

At sa wakas ay nakalabas narin kami sa Academy. Nagtago ako sa malaking puno bago ko napagmasdan ang pagsirado nito. Meron palang tatak ng sphynx ang makikita sa gate. Ang ganda.

Nagsimula nang maglakad ang Elites sa kakahuyan. Nag-uusap pa sila na naririnig ko naman. Dahan-dahan naman ako sa paglalakad at nagtatago sa mga puno para hindi nila ako maramdaman. Kailangan muna naming makalayo sa Academy para wala na silang choice kundi ang isama ako.

"Paano na si Nashy?" Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ko. Paano na 'ko?

Bumuntong-hininga si Mary. "Ate, sure naman akong maiintindihan niya tayo. Hindi natin siya pwede isama."

Mga hangal, nandito ako.

Gusto kong isigaw yun pero nanahimik nalang ako. Natatawa ako sa kanila. Hindi kasi nila alam na nandito ako. Tapos pinag-uusapan pa nila ako.

"Pero diba dapat nagpaalam tayo?" Tanong naman ni Xymon na nasa tabi ni Langit. Medyo ilag rin si Langit sa kanya na ikinangiti ko. Ang cute ng dalawang 'to.

"Xymon, Nashy's too old to not understand that. Let her be." Medyo iritang sabi ni Irra sa kambal niya.

Ang laki talaga ng galit sa'kin ng babaeng 'to.

Para siyang si Jonnes, pero sakanya lang ako kumportable. Medyo mabait naman siya. Medyo lang.

"Irra's right. Nashy will understand." Pagsang-ayon ni Ciana.

A World Called Majestia [COMPLETED]Where stories live. Discover now