Chapter 21: Eyes Wide Open

3.2K 117 6
                                    

"Pero may pera po ba tayo para makapasok ako sa private high school na to?" takang-takang tanong niya sa Tita niya habang nasa hapag kainan sila ngayon.

"Oo, may naitabing konti ang Papa at Mama mo," tipid na wika nito.

"Pero mahal pa rin po doon. Paano na lang ang mga libro ko, uniform at tyaka mga school supplies?" giit niya. Hindi pa rin siya naniniwala na kaya niyang makapag-aral sa isang private high school. It's just too good to be true. Sanay na siya sa public school na pinapasukan niya ngayon. Ayaw din niyang makaabala pa siya lalo sa Tita niya na kumupkop sa kanya simula ng mamatay ang mga magulang niya ng nakaraang taon.

"Pwede bang huwag ka na lang matanong? Magpasalamat ka na lang!" singhal nito sa kanya.

"S-Sorry po..."

"Kung ako lang ang masusunod ay kahit huwag ka na sanang mag-aral," pagmamaktol na bulong ng Tita niya. Parang kinakausap nito ang sarili at hindi sinasadyang narinig niya. "Tapusin mo na 'yang pagkain mo!"

Buong buhay niya ay akala niya'y ang Tiyahin niya ang bumuhay at nagpa-aral sa kanya. Kaya ganoon na lamang ang pagtitiis niya kahit na sinisigawan siya nito at nilalait araw-araw.

Nagkamali siya. Isang tao lamang ang nagkaroon ng malasakit sa kanya noon. The teenage son of the man who killed her parents. Had she known early on, she could have thanked him at least. She could have thanked him properly.


*****

"If she doesn't recover, I will fucking kill him. Wala na akong pakialam kung kapatid ko siya. I swear I will kill him with my bare hands."

Alyanna was slowly gaining back her consciousness. At kasabay ng dahan-dahang pagbabalik ng ulirat niya ay ang galit sa tinig ng binatang nasa loob ng kwarto niya ngayon.

"Three days. She's been asleep for three days now," patuloy ng boses na naririnig ni Alyanna ngayon. "If she doesn't wake up anytime soon, I'm bringing her back to Italy whatever happens. If I have to stage a bombing situation here, just so I can kidnap her out of this goddamn hospital, I will!"

There was so much light now. Sobrang liwanag ng kwarto kung nasaan siya. But she fought off the light and squinted, trying to make sense of where she was. There was a huge window to her right kung saan may nakatalikod na lalaking may kausap sa telepono.

She glanced at her hands kung saan may mga nakakabit na mga kung ano-anong kable na hindi niya maintindihan. She was on a white bed in a clean, white room wearing a white robe.

At bigla niyang naalala si Romulo and how he hurt her! "No! No! Stop!" she suddenly screamed.

"Mi cara? Mi cara!" Suddenly, someone was right beside her at sumisigaw ito habang humihingi ng tulong sa mga nurse at doctors doon.

"Stop! Please!" patuloy pa rin niyang sigaw. Dumilim ang paligid niya at naramdaman na naman niya ang takot habang nakatali at kaharap si Romulo.

"You'll be fine. You'll be fine. I'm here...," she heard someone whisper on her ear.

Dinumog siya bigla ng maraming nurses doon.

"She's not herself," one of them commented.

"Must be the trauma," another one declared. "I'll call the doctor."

"Call the damn doctor now!" hiyaw muli ng lalaking nakayakap sa kanya ngayon.

She tried making sense of her surroundings, but her mind kept going back to that day. She was hit badly on the head at kitang-kita niya ang dugong dumadaloy mula sa likod ng ulo niya. "Noo.. No! Help!" she screamed once again.

Love in the Sky [Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ