Chapter 1: Flight 7920 Pacific Airlines

10.6K 200 13
                                    

"Pagod na ako," Alyanna sighed as she sat on one of the jump seats in the plane after serving meals to everyone in the Business Class station. She was assigned in this area of the plane for tonight's flight.

Ala-una na ng madaling araw sa Pilipinas and this flight is bound for Seoul. She's been back and forth that city pero excited pa rin siya tuwing babalik siya. It's especially cool this time of the year dahil November na. So she packed some of her winter clothes for a three-day stay bago ang sunod niyang flight muli.

Her supervisor nudged her. "May pasaherong nagko-complain sa sinerve mo, Alyanna. Cabin 5A."

"Ha?" takang-takang tanong niya. They get rare complaints dahil isa ang mga airlines nila sa pinakamasasarap ang meals aboard. Lalo na at business class.

"Pinapatawag ka," her supervisor emphasized.

"Bakit hindi ang chef ng airlines na to?" pilosopong sagot niya na hindi ikinatuwa ng boss niya na tinititigan siya ngayon ng masama.

"Fine! Fine," she said and removed her seatbelt para tumayo muli. She's been standing up for two hours now at may natitira pang dalawang oras sa red-eye flight na iyon. She went into the Business Class section para hanapin ang reklamador na taong iyon na iniistorbo ang dapat sana ay pahinga niya.

Cabin 5A. Window seat.

"Bingo," she whispered to herself at tinitigan ang nakatungong lalaki na kinakain ang steak nito ngayon. Mukhang hindi siya napansin nito dahil hindi man lamang ito tumingin ng lumapit siya. So she cleared her throat. "Any concerns, sir? I can be of help."

And the man met her eyes.

Halos makagat niya ang labi sa pagtunghay na iyon ng lalaki. He is probably an actor. Sobrang ganda ng mga mata nito. He has welcoming but mysterious green eyes na para bang gusto kang dalahin sa langit- ooops. Alyanna stopped her train of thought there.

"The steak is a bit dry," the man said with a thick accent. He looks European with his light blonde hair pero mukhang hindi naman ito French o Spanish.

"Oh, sorry, Sir. We can replace it," she said sweetly and bent over to get his plate nang hawakan ng lalaki ang kamay niya.

"No," he instantly said. "Just get me a new one."

She nodded. "S-Sure." Nagulat siya sa biglaang paghawak nito sa kamay niya. But he wasn't letting go of her yet. "Anything else I can get you, Sir?"

"Eat with me."

She was taken aback by his request. "I'm sorry, Sir. But I work here and I can't just leave my station."

"I'm Konstantin Sokolov," he said, with emphasis on his surname.

But she just gaped at him, not sure of what to say next. Should she recognize him? Is he a celebrity or something? "I'm sorry, Sir. I don't get it."

"I own this airlines," he said, matter-of-factly. "I'm surprised you don't know that."

"I'm sorry, Sir. Right away." She stood up straight and he finally let her hand go. Takang-taka ngayong nakatingin sa kanila ang dalawa pang lalaking malapit sa Cabin 5A. Lakad-takbo siyang pumunta sa kitchen area ng eroplano para kumuha ng panibagong steak at iserve iyon sa lalaki.

"Kamusta? Galit ba?" tanong ng isa pa niyang co-attendant at kaibigan na si Natasha. "Gwapo pa naman."

"Sino bang may-ari ng airline na ito?" tanong niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na iyong lalaki sa cabin 5A ang may-ari ng Pacific Airlines. Baka kasi tinatakot lamang siya nito.

"Aba malay ko. Natutulog ako tuwing briefing ng mga ganyan. Gising lang ako kapag mga safety exercises na ang ginagawa sa training, di ba?" tatawa-tawang kwento ni Natasha.

Love in the Sky [Completed]Where stories live. Discover now