"Whether you like it or not, you'll come with me" salubong ang mga kilay niya habang sinasabi iyon ng ganoon kalapit ang mukha naming dalawa, seryosong seryoso siya habang ako, hindi alam kung humihinga pa ako sa lapit niya.

"B-bakit po, Sir? Kaya ko naman po—————-"

"You're so talkative" pampuputol niya sa sasabihin ko.

"Pero Sir, may iba pa po akong pupuntaha——————"

"Let's go" pagpapahinto niya na naman sa akin na para bang nagmamadali siya at napapansin kong nagmamasid siya sa paligid.

Kinuha niya ang braso ko at pwersahan sana akong hihilain nang magsalita ako ulit at pumiglas. Syempre kahit boss ko ito at gwapo, magpapakipot muna ako, hindi ko kase siya lubos na kilala, isa pa hindi pang tao ang mga kinikilos niya, pang alien yata.

"Teka. Teka. Teka. pero Sir—————Kyaah!" napatili na lang ako bigla matapos niya akong pabiglang binuhat na parang sako at patuwad.

"Sir! Teka lang Sir, ibaba niyo po ako!" pagpupumiglas ko pa ngunit muli akong natigilan nang maalala ang huling beses kong sinabi ang linyang iyon.

Muntikan niya na akong ihulog sa building noon nung sinabi ko iyon.

Hindi na ako nakapalag pa matapos niya akong ibinaba nga malapit dito sa motor na kinasasandalan niya kanina.

'Sa kaniya ba ito? Nagmomotor pala si Sir'

Nilingon ko muli si Sir bago napatingin sa suot niya.

Kaya pala, ang angas kung mag outfit ng kohya niyo. Pak na pak freny.

"Sir, seryoso ka ba talaga? Hindi ka ba busy? Nag-abala pa po kayo... kaya ko naman po kaseng umuwi mag-is——————" pambabasag ko pa sa saglit na katahimikan ngunit hindi pa nakapagsalita pa nang suotan niya ako ng helmet.

Panay ang iwas ko ng tingin habang siya na mismo ang nagkakabit ng lock sa helmet, ramdam ko na naman kase ang pagtitig niya.

Muli ko na namang nahagip ang hininga nang nilapit niya pa lalo ang mukha niya papunta sa tenga ko.

"Sumunod ka na lang, if you don't want to be punished" bulong niya sa akin, pinangingilabutan ako sa malamig na hininga niyang tumatama sa tenga ko.

"Understood?" dagdag pa niya bago ako napipilitang napatango sa kaba na kung anong pwedeng gawin niya sa aking parusa kung hindi ako susunod.

"Good, let's go" pag-aaya pa niya muli bago siya nangunang sumakay sa motor matapos painitin ang makina.

Sumakay na lang ako, umangkas sa may likuran niya, ano pa nga bang magagawa ko.

Nakabusangot akong kumapit lang sa likuran nitong motor niya na kinauupuan ko dahilan para lingunin niya ako.

"Kumapit ka" aniya.

Hinigpitan ko naman ang kapit ko sa pagkakahawak sa likuran ng motor.

"ng maayos, Eda" dagdag pa niya.

Umayos naman ako sa pagkakaupo at pagkakakapit.

Marahas siyang pagbuntong hininga, nabigla ako nang huliin niya ang mga kamay ko saka ko nasubsob ang mukha sa likuran niya dahil iniyakap niya ang mga braso ko sa may bewang niya!

Pigil hininga akong doon kumapit na inilalayo pa ang ulo sa may leeg niya bago ako tuluyang napakapit ng mahigpit sa biglaan niyang pagharurot ng motor.

"Sir, teka lang, bagalan mo po yung pagmamaneho, ayoko pa pong mamatay!" nilalakasan ko ang boses ko para marinig ako nito ng maayos sa bilis ng hangin na dumadampi sa akin.

Sangue Dolce ✔️Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin