[L] Cloud.

1.2K 21 3
                                    


Warning: SPG

* * *

Vannie's POV

Nagising ako na wala sa tabi ko si Gian. Bumaba ako para tingnan kung nandun ba siya pero wala.

"Mam? Si Sir Gian po kanina pa po umalis. Hindi na nga po nakapag-almusal eh." Napabuntong-hininga nalang ako. Wala nanaman si Gian. Palagi na lang siyang maaga kung umalis.

"Manang? Aalis lang ako. Maggrogrocery lang ako."

Hindi ko na hinintay magsalita si manang at lumabas na ako. Nagdrive ako papunta sa pinakamalapit na grocery store pero bigla namang huminto ang kotse ko.

Aww damn! Ngayon pa!

Bumaba ako para tingnan kung anong nangyari sa kotse ko at yes. Flat ang gulong ko. Kung sinuswerte ka nga naman.

Tiningnan ko yung emergency tool kit pero naisip ko, hindi naman ako marunong nun. I don't even know what's the steps of changing a flat tire.

*Beep Beep!*

Napalingon ako ng may bumusina sa likuran ko. Nakita ko ang isang itim na sasakyan na huminto. Tumayo ako para tingnan kung sino ba yung tao sa loob ng kotse na yun.

"Need help, Miss?" Umirap lang ako sa lalaking bumaba saka ko binalik ang tingin ko sa flat tire ko. Inis akong napasapo sa noo ko. Tsh! Ano na bang nangyari sa kotseng to? Nakakainis! Ngayon pa nagkaganto.

"I can help you there." Sabi ng lalaki saka inayos ang flat tire ko.

"By the way, I'm married okay? Don't expect me to give you my number after fixing my car." Deretsong sabi ko kung sino man ang lalaking 'to. Because honestly, I think ganun ang magiging kabayaran ng pag-aayos niya ng flat tire ng kotse ko.

I heard him chuckle. "What a hot and gorgeous married woman."

"Excuse me?" Tumayo ang lalaki saka humarap sa akin. He's wearing shades.

"Lara Ivannah. You still haven't changed. Still bitchy, still pretty, still gorgeous, still magnificent.." Naningkit ang mata ko. That voice, it sounds familiar pero hindi ko naman siya mamukhaan.

Tinanggal niya ang shades niya then gave me a smirk. "Don't remember your handsome treasurer since then?" Namilog naman ang mata ko.

"Oh my god, Cloud? Ikaw ba 'yan?" He nodded.

"The one and only, baby! Hamakin mo 'yun, nagkita tayo after years. Sino bang nakasungkit sa queen bee?" Hinampas ko naman si Cloud.

"Duh? Guess who."

"Ah. Yeah, I know, you married that jerk named Gian Cristobal." I smiled bitterly at Cloud. Naalala ko kung paano niya akong dinamayan sa pinakamalungkot na parte ng buhay ko noon. He was there to help me.

"How about coffee, Van? My treat." Tatanggi sana ako pero hinila na niya ako. "I don't take no for an answer."

Tinext ko ang driver sa bahay to fetch my car at sumakay naman ako sa kotse ni Cloud. He drove me to the nearest coffee shop.

"So, Cloud, how's life? I didn't recognize you actually. Ibang-iba ka na. You've grown matured."

"Ha, nanghihinayang ka na bang hindi ako ang pinakasalan mo, Ivannah?"

"In your dreams Mr. Cloud Montemayor. Asa." Natatawa ko pang sabi sakanya. Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan ng coffee shop at nakita ko si Gian with Christa. Umusod ako ng kaunti sa gilid para hindi niya ako makita.

"What's wrong, Ivannah?"

"Ssh!" Sinenyasan ko si Cloud na tumahimik. Nakatingin lang ako kay Gian at Christa habang sabay silang umorder.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now