chapter thirty one.

5.7K 89 13
                                    


[Gian's POV]

"Ma, kumain kana.." Pinaghanda ko si Mama ng pagkain saka siya sinubuan. Tinanong ko rin ang doctor kung ano na ang lagay ni mama at sinabi nilang umaayos na siya at hindi na siya gaanong nagwawala.

"Ma, alam mo, may mahal ako. Siya si Vannie. Maganda siya, matalino, mabait, siya ang nagpapasaya sa'kin. Hayaan mo ma, sa susunod dadalhin ko siya dito. Para makilala mo siya." Saka ko hinalikan sa noo si mama. Napalingon siya sa akin. Naramdaman ko namang hinawakan niya ang pisngi ko.

"Gian, anak.." Nanlaki naman ang mata ko ng mapansing tinawag ako ni mama. Niyakap ko siya. Tears started falling, sana gumaling na si mama. Sana makasama ko na ulit siya.

Tinawag ko ang doctor saka nila tiningnan si mama.

"Dok, ano pong balita?"

"Unti unti ng nakakarecover ang mama mo Gian, pero hindi pa gano. May mga instances na nagwawala pa rin siya at nag'eemotional break down." Tumango naman ako kay dok saka siya umalis. Pinagmasdan ko si Mama habang nakaupo siya at nakatulala. Oras na gumaling ka mama, ako ang magiging kakampi mo sa lahat. Pangako yan.

*

[Lauren's POV]

"Ivan, kailangan nating gawan ng paraan to. Ayokong masaktan si Ivannah. Please. Ang tagal kong tinago to, ang tagal kong pinag'ingatan ang mga anak ko, ayokong mauwi sa wala ang lahat. Ayokong masira ang anak ko ng dahil sa pag'ibig niya." Napasabunot ako sa buhok ko. Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Gusto kong protektahan ang anak ko pero alam ko na kahit saang anggulo tingnan, masasaktan at masasaktan siya.

"Sabihin na natin sakanya, Lauren." Napatingin naman ako kay Ivan. "Matatapos lang ang paghihirap mo kung sasabihin natin kay Ivannah ang buong katotohanan na magkapatid sila ni Gian."

Bumuhos ang luha ko. Ayokong sabihin sakanya dahil alam kong kamumuhian niya ako. She'll hate me, she'll curse me..

"I can't Ivan.. I'll break her.." Niyakap ako ni Ivan.

"Kailangan na niyang malaman para hindi na siya lalong masaktan." Napabitaw ako sa pagkakayakap ko kay Ivan.

"Tapos ano? Kapag nalaman ni Van ang totoo sasama siya kay Daniel? Iiwanan niya tayo? Hindi ko kaya Ivan.. Hindi ko kaya.."

Kahit anong paraan, wag lang yun. Ayokong magalit sa akin ang anak ko, at ayoko ring mawala si Vannie sa tabi ko. Ayoko. Selfish na kung selfish pero hindi ako papayag na masira ang pamilya ko.

*

3rd person's POV:

Matagal na nagkasama si Gian at Ivannah. Hanggang dumating ang araw ng debut ni Ivannah.

Pinaghandaan ng maigi ng angkan ni Ivannah ang celebration na ito. Siya ang heiress ng pamilya kaya engrande ang ginawang paghahanda dito.

Ilang oras lang ay nagsidatingan na ang lahat. Si Ivannah ay nasa loob ng kwarto niya pero hindi ata masaya ang dalaga.

Pumasok si Ivan sa loob ng kwarto ni Ivannah. Umupo ito sa tabi nito saka marahang hinawakan ang balikat ng anak.

"Happy birthday princess, why are you sad? It's your special day sweetie." Tumayo si Ivannah saka humarap kay Ivan.

"Dad, hindi sinasagot ni Gian ang tawag ko. I don't even know kung makakapunta siya ngayon." Bakas sa mukha ng dalaga ang lungkot at dissappointment sa hindi pagtugon ni Gian sa mga tawag niya.

"Relax Vannie. Birthday mo ngayon. Quit thinking, tara na? Naghihintay na silang lahat sa'yo." Nagsimula ng lumabas si Ivan at Ivannah sa kwarto. Hawak ni Vannie ang braso ni Ivan.

Ivannah is wearing a yellow over flowing gown. Naka'updo siya.

"Presenting, the debutant, Lara Ivannah Santos with her father, Ivan Richard Santos." Nagpalakpakan ang lahat. Bumaba si Ivan at Ivannah saka iniupo ni Ivan si Ivannah sa upuan sa stage.

Kinuha naman ni Ivan ang mic saka nagsalita. "Thank you all for coming." Saka bumaba si Ivan sa stage at umupo sa tabi ni Lauren.

Nagpatuloy lang ang party. Pero si Ivannah, mukhang hindi talaga nag'eenjoy dahil wala pang kahit anino man lang ni Gian ang dumadating.

"Ivannah, 18 roses na. Get ready." Sabi ng announcer kay Vannie. Tumayo naman agad si Vannie saka nagsimula na. Isa isang nagsayaw ang lahat. Pero hindi parin masaya ang dalaga.

"Ivannah, ngumiti kana. Please?" Sabi ni Ivan habang sinasayaw si Ivannah. Ngumiti naman si Vannie pero halata mong peke lang to.

"Hindi pa rin ba siya nagpaparamdam?" Marahang umiling si Ivannah. Unti unting pumatak ang luha ni Ivannah. Nakayuko siya, biglang bumitaw si Ivan at hinintay ni Ivannah ang susunod na magsasayaw sakanya.

May humawak sa kamay ni Vannie saka sinayaw ito. Hindi nakatingin si Ivannah sakanya at patuloy lang na sinasayaw ito.

"Ba't ka malungkot?" Umiling lang si Vannie pero nakayuko pa rin ang dalaga.

Huminto sila sa pagsasayaw kaya napatigil rin si Vannie. Napaangat siya ng tingin at laking gulat niya na makita ang lalaking minamahal niyang nasa harapan niya. Ang lalaking dahilan kung bakit siya malungkot ay nasa harapan niya at kasayaw niya.

Bumuhos na ang luha ni Vannie. Mabuti na lang at water proof ang make'up niya, kung hindi ay malamang sira na ang make up niya at naghuhulas na.

Niyakap ng mahigpit ni Ivannah si Gian at yun din ang ginawa ng binata. Bakas sa mukha ni Van ang sobrang saya sa pagdating ni Gian.

Sa pagkasaya ng dalawa ay ang pagbuhos din ng luha ni Lauren. Nakita niya ang sayang dulot ni Gian sa anak niya. Nahihirapan siyang putulin ang ugnayan nilang dalawa dahil nakikita nilang mahal na mahal nila ang isa't isa.

Pero paano? Hindi sila pwedeng magsama. Kahit saan anggulo tingnan ay hindi sila maaring maging magkasintahan dahil iisa sila ng ama.

-

"Minsan, kung sino pa ang taong pinakamamahal mo, yun pa ang pinagkakait sa'yo ng mundo."

            -Anonymous.

AUTHOR'S NOTE:
THANKYOU SO MUCH SA LAHAT NG READERS MAPASILENT MAN YAN O HINDI. ;) Natutuwa talaga ako sa mga nagcocomment ng idea nila sa flow ng story. salamat din sa lahat ng nagdDM sakin dito sa wattpad. :) Natouch talaga ako promise. Sana wag kayo magsawa magbasa. :) Iloveyou all talaga! ♥

Comment lang kayo ha. Vote vote din. ★ Salamat!!! ~√√√ :')

-

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora