[1]

1K 24 1
                                    


Lara

PAGMULAT ko ng mata ko ay nakita kong wala si Gian sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na at nakita kong madaling araw na rin pala.

Sa hindi malamang dahilan, lumabas ako ng kwarto. Hindi kasi ako mapakali.

Dinala ako ng mga paa ko sa pool area ng pavilion.

Pagdating ko doon ay naabutan ko si Gian na nasa may pool. Nakaupo siya dun at nakababad ang mga paa niya sa tubig. May alak rin sa tabi niya kaya naman mukhang naglalasing siya.

Pinagmasdan ko siya mula sa malayo. Ngayon ko lang siya napagmasdan simula nung bumalik ako mula sa States. Ang laki ng ipinayat niya, siguro dahil sa stress tungkol sa kumpanya niya. Pero kung ano man siya noon, ganun pa rin siya ngayon. Siguro nga nawala lang ang mga ngiti sa labi niyang madalas niyang ipakita sa akin.

"What are you doing there?" Nagbalik ako sa huwisyo ko nang magsalita si Gian. Nakatingin ito sa akin.

"A-ah, wala. Nagpapahangin lang."

"Can you join me?" Tanong ni Gian habang ipinapakita sa akin ang wine na hawak niya.

"Hindi na. Babalik na rin naman ako—"

"Please?" Hindi ko alam pero parang may pwersa na humila sa akin papunta sa tabi ni Gian. Hindi ko na namalayan na umiinom na pala ako kasama niya.

"Bakit ka nga pala nagising ng ganitong alanganing oras?"

"Sabi ko sayo, nagpapahangin lang ako." Napatawa siya ng impit saka muling uminom.

Nagkaroon kami ng sandaling katahimikan sa pagitan namin. It's so awkward sitting beside your ex-husband and drinking with him. Hindi ko alam kung ano ang dapat na i-asta.

Nakakarami na rin ako ng inom nang makita ko ang isang butiki sa tabi ko.

"Aaaah!!!" Napatili ako nang makita ko iyon at mukhang naalarma rin naman si Gian at kaagad akong niyakap para siguro protekshunan mula sa bagay na iyon pero sabay naman kaming nahulog sa pool.

"Fuck," I heard him cuss. Nakaformal attire pa rin kasi ito. "I, I'm sorry akala ko kasi may kung anung gustong manakit sayo. Nabasa ka tuloy."

"No. It's okay." Lumangoy ako papaakyat sana pero hinila ako ni Gian atsaka binasa pa lalo.

"Gian! What are you doing?!"

Sinabuyan ako ni Gian ng tubig at umiilag naman ako dito.

"Gian stop it!" Pero hindi tumigil si Gian at imbes ay lalo pa akong binasa. "Gian ano ba!"

"Come on, Lara. Just have fun!"

"What the hell are you talking about?!" Dahil sa mga pinag-gagagawa ni Gian ay sinabuyan ko na rin siya.

Nilakasan ko pa ang pagsaboy para hindi na ako masabuyan niya pero lalo pa niyang nilakasan ang pagsaboy niya.

"Go Lara! Lakasan mo pa!"

Sinaboy ko ang tubig ng mas malakas pa kesa sa ginawa ko kanina.

Nadatnan ko nalang ang sarili ko na nag-eenjoy sa ginagawa namin ni Gian. Ngayon ko lang ulit nakita ang sarili kong tumatawa ng ganito simula nung nangyari ang trahedya sa pamilya ko.

"Gotcha!" Hinawakan ni Gian ang magkabilang balikat ko at sobrang lapit na namin sa isa't isa.

Ngiting-ngiti siya samantalang ako naman ay nawala ang ngiti nang makita ko ang mukha niya. Bumilis ang kabog ng dibdib ko habang nagtatagisan kami ng tingin sa isa't isa.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now