chapter fifteen.

9.3K 114 4
                                    


[Lauren's POV]

Three weeks na ang nakalipas nang umalis si Ivan. Naging maayos naman. He messaged me that he was just busy and I understand it. He need to settle some matter and I know he should prioritize it.

"Lauren, sa garden tayo maglunch. It's a fair weather today. Masarap sa labas." Sabi ni Ate Daniela habang hawak ang ulam namin.

"Ah, sige sige. Susunod na lang ako tatapusin ko lang yung niluluto ko." Tumango naman si Ate Daniela saka lumabas.

Nagpatuloy lang ako sa pagluluto. Nang matapos na yung last dish ay nilagay ko na sa lalagyan.

"Lauren.."

Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Ivan na nakatayo habang may hawak na flowers.

"I—I.. IVAAAANNNN!!!" Tumakbo ako palapit sakanya. Niyakap ko siya ng mahigpit at niyakap niya rin ako pabalik.

"I missed you so much Lauren."

"I missed you more daddy! Di mo sinabing ngayon ang balik mo! Hindi ka tuloy namin nasundo!"

"It was a suprise mommy. I'm back, just like I promised." Pagkatapos nun ay hinalikan ako ni Ivan. Pagkatapos ng halik ay tinulungan ako ni Ivan dalhin ang mga pagkain sa labas.

Nang makalabas kami ay nakita ko ang magandang table arrangement.

"Welcome back lil bro!" Salubong ni Ate kay Ivan. Saka nila niyakap ang isa't isa.

Lumapit si Ivan kay Ivannah.

"Hi baby, I missed you so much!" Saka binuhat ni Ivan si Ivannah habang hinahalikan sa pisngi. Si Ivannah naman ay masaya. Siguro namiss ng anak ko si Ivan. Napangiti naman ako.

I'm so lucky to have Ivan beside me, ang saya ko kasi kasama ko siya. Dahil sakanya sumaya ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko.

-

Pagkatapos kumain ay nagstay kami ni Ivan sa sala.

"Kamusta ang Italy?" Tanong ko habang nakayakap kay Ivan.

"It was fine. Hindi naman ako naglibot, binuhos ko sa negosyo lahat kaya maaga akong nakauwi. How about here? Anong nangyari?" Bumuntong hininga naman ako.

"Nagpunta si Christine dito last week." Napatingin sa akin si Ivan.

"Ano? Nahanap niya tayo dito? Anong ginawa niya sayo?"

"Walang nangyari sa akin. Anjan naman si Ate Daniela kaya siya ang nagpaalis kay Christine," Napakunot noo si Ivan. "She just warned me about something."

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now