[11]

887 16 3
                                    

Lara POV

GABING-gabi na nang makauwi kami sa tinutuluyan namin ni Gian. Basang basa kami ng ulan at parehas kaming ginaw na ginaw. Pagpasok namin sa kwarto ay kataka takang saradong sarado ang mga ilaw.

Nang buksan ni Gian ang ilaw ay laking gulat namin na makitang nagkalat ang mga gamit sa paligid.

"How did this happen?! Napasok tayo ng magnanakaw!" Kaagad kong hinanap ang laptop ko at wala na nga ito doon. Napahilamos ako sa mukha ko. Nandoon ang lahat ng files na kailangan ko para sa opisina. Now they're gone!

Nakarinig pa kami ng kaluskos at doon lang namin napagtanto na nasa loob pa ng kwarto namin ang magnanakaw.

"Lara, get out and call security." Napatingin ako kay Gian. "Call them now!"

"Pero ikaw—"

"Just go!" Bago pa man ako makalabas ng kwarto ay nakita kong lumabas mula sa restroom ang magnanakaw na naka-bonet na may hawak na baril. Itinutok nito ang baril kay Gian. "VANNIE GET OUT OF HERE!"

Pagkasabi noon ni Gian ay kasabay noon ang pagputok ng baril. Kitang kita ko sa dalawang mata ko kung paanong tumama ito sa dibdib ni Gian.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at tinawag ko ang security at ambulansya.

Pag-akyat namin sa kwarto ay si Gian na lang ang naabutan namin doon. Nakahandusay at naliligo sa sarili niyang dugo.

"GIAN!" Hinawakan ko ang kamay nito habang nakikita ko kung paano itong naghihingalo. "Gian, hintayin mo yung ambulance.. Parating na yun. Please.."

Gian smiled at me and caressed my cheek. "I'm sorry love but I think I couldn't make it anymore.." He was obviously saying his last words.. But no, it can't be happening.. Tears began falling as I see him struggling for his life. "Vannie, I'm sorry for everything.. Please forgive me.. I love you.."

I held his hands but then I felt him stopped breathing.

Maya maya ay dumating na ang ambulansya at dinala siya sa pinakamalapit na ospital.

DEAD on arrival nang nakarating si Gian sa ospital. Tulala ako habang nakatingin lang sa katawan ni Gian.

Hindi ko namalayan na umaagos na ang luha mula sa mata ko at yakap yakap ko na si Gian.

"I never even told you that I already forgive you.." Napahawak ako sa kamay ni Gian. "Gian.. I'm sorry.. Sorry din."

TWO DAYS passed at nakaburol si Gian sa bahay nila ni Christa. Nakailang sampal rin si Christa sa akin nang malaman niya pero wala akong naging reaksyon. Wala akong naramdaman kundi lungkot.

The twins were beside me everyday of the wake. I didn't miss any day because I feel like I'm the one to blame for what happened to Gian. I was beside him.. Kung sana binilisan ko ang pagtawag sa security.. Kung sana nakarating sila ng maaga edi sana hindi nakahimlay sa kabaong ngayon si Gian.. Sana buhay pa siya... Sana nandito pa siya.

Umuwi ako panandalian para sana mag-ayos ng sarili ko pero nang mapag-isa ako ay lalo kong naramdaman ang guilt.. It was my fault. Kasalanan ko lahat..

Kinuha ko ang isang lalagyanan ko ng energy pills. Ito ba? Ito yung pills na pinigilan ni Gian na inumin ko. Well, now who cares? Gian's gone.. At kasalanan ko yun.

Ininom ko lahat ng laman nun.. Dalawang lalagyan ang ininom ko habang nakababad ako sa bath tub.

I looked at myself at the mirror. I smiled. Maybe this is the end of everything.. The end of Gian, the end of me.. The end of our story...

THE END.








































DAHIL APRIL NGAYON.... TANTATATATAN~ MAKIKIHABOL SA APRIL FOOLS! :D


HAPPY APRIL FOOLS GUYS! :D

MAHAL KO KAYO AHAHAHAHAHA!


Abangan ang tunay na chapter 11 😂💕
    -jeystarlight

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now