[Y]

1.2K 30 3
                                    


Lara

"Mom, do you really have to go?" Tiningnan ko ang umiiyak na mukha ni Kei. Pinunasan ko lang ang luha nito at hinalikan siya sa noo niya.

"Kei, kasama niyo naman si lolo at lola ehh. Tas si Tito Cloud dadalaw-dalawin kayo. Tsaka, I will always call you guys. Don't worry, babalik rin ako. Pagkabalik ko, let's play hide and seek ha?" Marahang tumango si Kei habang umiiyak pa rin. Si Kio naman ay tiningnan ko at nakacross-arms lang siya.

"I told you mom, don't stress yourself." Pinisil ko ang ilong nito.

"Yes little CEO. I won't po. Be a good boy ha? Para marami kayong pasalubong sakin. Kio, ikaw na ang bahala sa kapatid mo ha?"

Tumango si Kio pero maya-maya ay nakita kong umiiyak na rin ito. "Mom, I will miss you.."

Hinalikan ko sa ulo ang kambal. "Mas mamimiss ko kayo. Babalik rin ako kagad ha? Mi, Di. Aalis na po ako. Baka mahuli pa kami sa flight."

"Sige nak, mag-iingat ka dun ha? Tumawag ka lang kapag nagkaroon ng aberya." Sabi ni Daddy.

"Take care okay? Saka ienjoy mo lang parang bakasyon mo na rin yan." Tumango naman ako kay Mommy.

Nagpahatid na ako sa airport at pagdating ko don ay nakita ko si Gian na naghihintay.

"I'm here," Sabi ko. "Let's go?"

Tumango si Gian at siya ang nagdala ng bagahe ko. Pinabayaan ko na siyang dalhin yun.

Pagpasok namin ay may tatlong bodyguards na sumalubong sa amin. "Mr. and Mrs. Cristobal?"

"Yes," Sagot ni Gian.

"Pinadala po kami ni Mr. Nakamura. Kami na ho ang magdadala ng bagahe ninyo." Dinala ng isang bodyguard ang bagahe samantalang nakabantay naman sa amin ang dalawa pa.

Hinawakan ni Gian ang kamay ko, "Just for the show." Bulong niya kaya kahit na hindi ako komportable ay hinayaan ko na lang.

Sumakay kami ng eroplano at nakabantay pa rin sa amin ang mga bodyguards. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang magpadala ng bodyguard si Mr. Nakamura. Pinapabantayan kaya niya kami?

Tiningnan ko si Gian at nakacross-arms lang ito habang gume-gewang gewang ang ulo nito. Habang pinagmamasdan ko ito ay naalala ko si Kio. Napailing lang ako.

Ilang beses nang muntik matumba sa upuan si Gian dahil natutulog ito. Nakita ko namang pinagtitinginan na rin kami ng ibang pasahero pati ang mga bodyguards kaya naman sinabihan ko na si Gian.

"Stop that, pinagtitinginan tayo."

Pero hindi sumasagot si Gian at natutulog pa rin ito. Napapikit naman ako tsaka ko inalalayan ang ulo ni Gian papunta sa balikat ko. Natutulog pa rin ito at naramdaman kong umayos pa ito ng pagkakaupo at lalong dumantay sa balikat ko.

Hindi na ako muling nagsalita at hanggang sa diko namalayan ay hinila na rin ako ng antok.

Gian

Napangiti ako nang idantay ni Ivannah ang ulo ko sa balikat niya. Hindi naman talaga ako natutulog. Gusto ko lang tingnan kung ano ang gagawin ni Ivannah.

How I missed being close to her this much. I missed her.

Saglit akong nakatulog hanggang sa makita kong nakadantay sa may bintana si Ivannah at natutulog.

Ako naman ang umayos ng upo atsaka siya dahan dahang inilagay sa mga bisig ko. Niyakap ko siya ng kaunti dahil baka magising ito. Kinuha ko na rin ang oportunidad na yun para titigan si Ivannah.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon