[8]

982 25 9
                                    


Lara

Kahit pagod na pagod ako ay dumaan muna ako sa isang pastry shop para ibili ang kambal ng paborito nilang cupcakes. Malalim na rin ang gabi, kaya sigurado akong bukas na nila ito makakain.

Pag-uwi ko ay kaagad akong dumiretso sa kwarto ng kambal para i-check sila.

Hindi pa man ako gaanung nakakalapit ay kaagad kong narinig ang mumunting pag-iyak na hindi ako magkakamaling nanggagaling sa kwarto ng kambal. Kaya naman nagmadali akong pumasok.

Pagpasok ko ay ganun na lamang ang gulat ko nang makita ang kalagayan ni Kei.

“Kei! What happened?! Why are you covered with wounds?!” Punung-puno ng sugat si Kei, may gasgas sa mukha, braso at binti. “Kio! Anong nangyari sa kapatid mo?!”

Nang tingnan ko si Kio ay bigla na lamang rin itong umiyak.

“I’m sorry mom, I failed protecting my brother.” Humihikbing sabi nito. Lumapit ako dito tyaka niyakap si Kio. “My classmate did this. He is really bad mom.”

“Diba sabi ko sainyo wag kayong makikipag-away?”

“We were not inflicting fights mom. He threw our baon so of course we got mad, then he pushed Kei so I pushed him too. That’s why you need to go to our school tomorrow.”

Hinaplos ko na lang ang ulo ng kambal. “Alright, I’ll go tomorrow. Kailangan kong makausap ang parents nung classmate mo. What he did is not right. Tyaka kailangan mo rin magsorry, hindi ka dapat gumanti. Stop crying, go to bed. Pray first okay?”

“Okay mom. Good night.” sabi ng kambal. Inayos ko lang ang hinihigaan nila tyaka sila hinintay na makatulog. Nang makasigurado akong tulog na ang kambal ay lumabas ako tyaka tinawagan si Cloud.

“Hello, Lara? Something wrong?” Napabuntong hininga ako bago nakapagsalita.

“Kei is covered with wounds. Pinapapunta ako ng teacher nila bukas sa daycare center. Kakausapin ko yung batang tumulak kay Kei.”

“Kamusta naman si Kei? Is he fine? Gusto mo ba sumama ako sayo sa daycare center?”

“No need, Cloud. Ikaw na munang bahala sa maiiwan kong trabaho sa opisina.”

“No, I’m coming with you. Wala naman nang masyadong importanteng gawain, natapos ko na yung iba. I’m gonna fetch you tomorrow para sabay tayong pumunta sa daycare center.”

“Okay, Cloud. See you” Binaba ko na ang tawag tyaka ako dumiretso sa kwarto ko. I need to talk to that child.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

The next day, I woke up early to prepare the twin’s breakfast. Hinanda ko na rin ang first aid kit para magamot ko si Kei.

“Good morning, mom.” bati sakin ng kambal as soon as they woke up. I kissed their forehead atsaka sila pinaupo.

Pinakain ko sila tyaka sila naligo at nag-ayos para sa pagpasok sa daycare. Pansin ko namang matamlay si Kei kaya nilapitan ko ito.

“Anything wrong?” I asked. Yumuko lang ito at pinaglaruan ang daliri niya.

“I-I.. don’t want to go to school, mom.” He whispered. Gumuhit ang sakit sa dibdib ko. My son was traumatized because of what happened.

“Ssshh, don’t worry. I’m here, I won’t let anyone hurt you again, okay?” Hindi naman kaagad sumagot si Kei kaya niyakap ko ito.

Pagkabitaw ko ay sumilay ang mumunting ngiti sa labi ni Kei.

“Lara. The car’s ready.” Sabi ni Cloud kaya naman sumakay na kami.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon