[6]

1.1K 25 15
                                    

Lara

Bahagya akong gumalaw dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Sobrang sakit ng ulo ko kaya naman hindi pa muna ako dumilat at niyakap lang ang unan ko.

Siguro ay magha-half day na lang muna ako sa trabaho. Itutulog ko na muna ang sakit ng ulo ko.

"Hmm.." Laking gulat ko na lang nang may marinig akong marahan na pag-ungol sa tabi ko.

Nang idinilat ko ang mata ko ay nakita ko ang hindi pamilyar na paligid. Pati ang amoy ay hindi katulad ng sa bahay.

Tumingin ako sa gilid ko at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"AAAAHHHHHHH!!” pagkasigaw ko ay nasipa ko si Gian pababa ng kama kaya naman nahulog ito.

Napatingin rin ako sa damit ko at iba na ito. “AHHHHHHH!!” Mas lalo pa akong napasigaw kaya naman lumapit sa akin si Gian at tinakpan ang bibig ko pero hinampas ko siya.

"Ssh! Baka kung ano pa ang isipin ng mga crew!”

”Tse! Sound proof ang palagi mong kinukuhang condo kaya kahit tumili ako ay hindi ako maririnig! Ano bang ginagawa ko dito?! Pinagsamantalahan mo ba ako?! My God, Gian! This is so undecent!” napapikit ako at inalala ang nangyari and I remembered getting so drunk.

“Lara, calm down! Let me tell you what really happened!—” Binato ko ng unan si Gian.

“Where’s my clothes?! Kailangan ko nang umuwi! Ilabas mo yung mga gamit ko!” Tumayo ako tsaka kinuha ang iba kong gamit na nasa side table. “My God, I can't accept this. Ano nalang ang sasabihin ng iba kapag nakita na lumabas ako sa condo mo? This is a big big issue once this spread..”

Bigla akong napahinto nang hawakan ni Gian ang magkabilang balikat ko at iniharap sakanya.

“Ano naman ngayon? You are my wife so there's no big deal.” Hinawi ko ang kamay ni Gian.

“Kilabutan ka naman sa sinasabi mo, Mr. Cristobal. Alam mong matagal na tayong hiwalay, so cut that out baka mamaya ay sugurin nanaman ako ng matapang mong kabit.” When I finally saw my clothes ay nagmadali akong pumasok sa CR ni Gian at nagpalit. Medyo mabaho dahil siguro nasukahan ko ito.

Pagkatapos ko ay lumabas ako. Hindi na sana ako magpapaalam kay Gian ng magsalita ito.

“Kung gusto mo na talagang tapusin ang namamagitan satin, then why won't you still sign those annulment papers?” Napatigil ako nang sabihin ni Gian yun.

Humarap ako sakanya. ”Fine. Kung yun ang gusto mo, magfa-file na ako ng annulment bukas na bukas rin para matahimik ka na. Okay na ba, Gian ha?”

Naglakad na ako palabas ng unit ni Gian pero laking gulat ko na lang nang bigla akong yakapin patalikod ni Gian.

“Gian—”

“Ivannah, why can't it be me again?” Hindi naman ako nakasagot dahil pahigpit ng pahigpit ang yakap sa akin ni Gian.

“I miss you so much, I miss my wife so badly.. Ivannah, please.. Why can't it be me again? Why?”

Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sa akin ni Gian.

“Because I know you don't deserve another chance.”

Pagkatapos nun ay sumakay na ako sa elevator without looking back at Gian.

While I am at the elevator, I suddenly felt something on my shoulder. Hinawakan ko ang balikat ko at dun ko naramdaman na basa yun.

Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. Gian just cried. But he made me cry million times before.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now