[T]

1.3K 30 9
                                    


Ivannah

"MADAM, there is an overseas call from Mr. Hao of China. He wants to talk to you about his family photoshoot. He wants you to be their photographer." Napahawak ako sa sentido ko tsaka tiningnan ang schedule ko for this week.

"Tell him I can't make it. I have a lot of things to do but tell him that I'll send the best photographers I have."

"Okay, madam." Lumabas ng office ko ang secretary ko. Sumandal ako sa swivel chair at inayos ang buhok ko at ang mukha ko. Paniguradong mukha nanaman akong ginahasa. I have a stressful day today.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng office ko, "What can I do---"

"Mommy!" A smile flashed immediately on my face as I see my twins ran towards me. "I missed you!"

"Kio! Kei!" Kanina ay parang babagsak na ako dahil sa stress pero nakita ko lang sila at nayakap, parang naregain ang energy ko. They suddenly light up my day.

"I missed you, too!"

"Waaaa! Let go, let go! I can't breathe!"

"Fine, I'll let go, Kio." Sabi ko tsaka ginulo ang buhok ng anak ko. Sinimangutan niya lang ako pero pinisil ko pa ang pisngi niya because I find it so cute. Tumingin naman ako kay Cloud. "Thanks for bringing them here,"

"No worries, Lara."

Cloud has always been a good friend to me. He was there when nobody else was there for me. Nandun siya nung mga panahong kamuntikan nang mawala sa akin ang kambal ko.

I was diagnozed with Hepatitis B when I was carrying the twins in my womb. The doctor said that there's a chance that the baby won't survive because of it and also because I wasn't taking care of myself. I was so miserable back then. I had no money, no job because I didn't had the chance to finish my studies. I never asked money from my parents dahil nahihiya ako sakanila. Mabuti na lang at nandiyan si Cloud. Ang alam rin sa paligid namin ay mag-asawa kami dahil ayaw namin na pag-usapan ang pagbubuntis ko dito sa America. Naghomeschool ako habang buntis ako. I spent all my time studying pero hindi ko pinapabayaan ang buhay sa sinapupunan ko.

Nakapagtapos ako ng photography at ipinanganak ko si Kio at Kei. I decided to give them Cloud's surname dahil para na rin nilang tunay na ama si Cloud at para na rin sa seguridad nila. Ayokong matrack ni Gian ang kambal. Ayokong makilala niya iyon dahil wala rin naman siyang madudulot na maganda sa kambal ko.

While I was in America, ginugol ko lahat ng pera kong naipon sa pagtatrabaho para makapagpatayo ng sarili kong kumpanya at nagtagumpay ako. Hindi rin ako tumigil sa pagsubaybay sa buhay ni Gian at ni Christa. Lahat ng investors ni Christa ay sinusulot ko. Magpasalamat nga sila dahil ito lang ang ginagawa ko at wala ng iba. Magpasalamat sila at hindi ako kasing sama nila.

I also decided to use my first name, Lara because for me, Ivannah experienced a lot of pain and heartache and she deserves to be forgotten. Matagal nang wala si Ivannah at magbabagong buhay ako bilang si Lara.

"Miss Lara, there is a call from the Philippines." Mabilis kong kinuha ang cellphone at napangiti ako sa narinig ko. It was Renz's voice.

"Ate, Thea finally gave birth to our first baby." Niloud speaker ko ang phone ko at narinig rin iyon ni Cloud at ng kambal. "It's a baby girl!"

"Wow, congratulations Renz!" Bati ni Cloud. "Congrats uncle!" Sabi naman ni Kei at Kio.

"So, when are you flying home?"

Nagkatinginan kami ni Cloud sa sinabi ni Renz. "We haven't talked about it yet, but we'll inform you right away." Sabi ni Cloud.

"Okay, hope to see you soon!"

"Okay, Renz. Take care." Binaba ko ang phone tsaka tahimik na umupo sa swivel chair ko. "I don't think we should go home so soon." Sabi ko.

"I'm sure Renz wants you to be there when his baby haves its baptismal. Tsaka, you haven't seen your parents in ages,"

"Pero kapag umuwi tayo, may chance na magkita kami ni Gian!" Nabigla ako sa sinabi ko kaya napatungo lang ako. "I'm not ready to see him, or see them. Masaya na akong nakakakuha ako ng investors na galing sa kompanya niya. Ayokong makita siya at lalong ayokong makita niya si Kio at Kei. Dahil sigurado akong maghahabol sa karapatan niya si Gian and you know how much I love my twins. I can't afford to lose them."

"Lara, hanggang kailan ka ba mabubuhay sa galit mo sakanya?" Itinayo ako ni Cloud tsaka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Can't you just be thankful that you are now happy without him? That you gave birth to two awesome boys? Lara, you'll be happier if you'll let go of the pain of the past. Stop that revenge because it will lead you to no good. This is not what you are. Hayaan mo na sila, be happy Lara. Stop it."

Dahil sa sinabi ni Cloud ay napatahimik ako. Tama si Cloud. Sa loob ng three years na yun ay abala rin ako sa pagmamanman sa bagong pamilya ng dati kong asawa. I want to have my revenge by ruining his company and somehow I'm succeeding, but I'm not happy. I'm not happy with what I'm doing.

"Lara, let's just live happily without thinking about your ex-husband." Nginitian ko si Cloud tsaka niya ako niyakap. I just hugged him back. I'm just glad that I have a bestfriend like Cloud. I wouldn't know what to do if he's not here.

"Yuck, mama stop hugging each other! Cloud is not my father." Sabi ni Kio habang nakahalukipkip sa amin. Euclid Kio is the smarter one and also the mature one. Kapag kausap ko siya, he always make me feel like I'm talking to someone my age. He is really wise and I can say that he inherited a lot of genes from his father.

"Ooh! I don't mind, Dada and mama hugging because I like dada to be our new daddy!" Kei said with a sing-song voice. Eurich Kei is an optimistic child. He is always smiling and he is always cheerful. I can see myself in him when I was a child. Kei and Kio don't look like each other that's why they don't seem to be twins. Kio looks like Gian while Kei looks like me.

"No way Kei! I don't want to have a father because I'm sure that he will just leave us just like what our real father did." Napahinto ako sa ginagawa ko at napalingon ako kay Kio. Hindi ko akalaing lalabas sa bibig ng anak ko yun. Hindi rin naman yun ang gusto kong maging mindset ng anak ko. Isang araw kasi, nag-uusap kami ni Cloud at di ko akalaing maririnig ni Kio yun. I didn't say anything to Kio kasi hindi ko inakalang papasok sa isip niya yun.

Lumapit ako kay Kio at hinawakan ang magkabilang balikat nito. "Kio, you know it's not true.."

"No, mom. Our real father left us, and chose another family. It's because he's a jerk and I know that every guy who wants to be our father will just leave us too, same with Cloud!" Bakas ang galit sa tono ng pananalita ng anak ko. Niyakap ko si Kio and he just hugged me back. Bumagsak ang luha ko sa sinabi niya, "I don't want you to get hurt again mom."

Mas niyakap ko ng mahigpit si Kio at hinila rin papalapit sa akin si Kei. Hindi ko intensyong mawalan ng ama ang kambal ko. Ayokong maghiganti dahil na rin hindi ako sumasaya dito. Pero hindi ko maiwasang mapuno ng galit ang dibdib ko sa tuwing naririnig kong magsalita ng ganito si Kio. Ayokong lumaki siya na may galit sa dibdib niya kaya sisimulan ko ng pakawalan lahat ng galit ko at magsimulang mamuhay ng masaya kasama ang kambal ko.

xxxxxxxxxxxxx

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now