chapter thirty nine.

4.1K 69 12
                                    


3rd Person’s POV:

Halos mawala ang kaluluwa ni Gian. Gusto niyang ibalibag ang phone niya ng marinig niya ang balitang malubha ang dalawang babaeng mahal na mahal niya. Ang mama niya at si Ivannah.

Mabilis niyang kinuha ang susi ng kotse tsaka hinarurot ang takbo nito. Umalingawngaw ang busina ng kotse ni Gian. Halos paliparin na niya ang kotse para lang kaagad na makarating sa ospital na naroroon sila Ivannah.

Nang makarating si Gian ay agad siyang nagtanong sa nurse kung nasan matatagpuan si Christine at Ivannah. Agad namang tinuro ng nurse kung nasan tsaka tumakbo si Gian. Doon niya naabutan si Lauren, Ivan at ang ama niyang si Daniel.

“N—Na'saan po sila?” Nanginginig na tanong ni Gian. Lumapit naman sakanya ang ama nitong si Daniel at tinuro ang OR.

“Ma!!!! Gumising ka jan!!! Lumaban ka ma! Ma!!” Hinawakan ni Daniel ang braso ni Gian ng nagwawala siya para lang makapasok sa OR. Napaiyak naman si Lauren at niyakap lang siya ni Ivan.

“T—Teka, si Ivannah? Na'san si Ivannah?!” Biglang lumabas ang isang doktor.

“Sino ang relatives ni Ivannah Santos?” Agad namang tumayo si Lauren at Ivan at lumapit sa doktor.

“Kami po ang magulang. Kamusta po siya? Is there any complications? Do you need operation? Magkano ang kailangan niyo? Tell us! —”

“Calm down misis. Pero unfortunately, malubha ang natamong pinsala ng katawan ng pasyente. Ayaw magresponse ng body niya. We can still revive her if she'll help us. Sa ngayon, she is under a coma. Pwedeng bukas gumising na siya, pwedeng next week, next month, or next year. It will all depend on her. Kung lalaban siya, pero ngayon. Sa dami ng nawalang dugo sakanya ay kakailanganin natin ang magdodonate sakanya ng dugo.” Mas lalo pang napaiyak si Lauren sa nalaman niya. Blood donation. Kailangan na bang sabihin niya kay Daniel ang lahat?

“I’m her mom. Magdodonate ako.” Nagpunta ako dun para magdonate. Nakapagdonate ako ng isang bag pero sa dami ng kinakailangan niyang dugo ay kulang to.

“Ivan! Bakit hindi ka magdonate ng dugo para sa anak mo?! Anak mo yan dapat gumawa ka ng paraan para gumaling siya agad!” Tarantang tarantang sabi ni Daniel kay Ivan. Napayuko lang si Ivan at nagpipigil ng pagpatak ng luha niya.

“Kasi hindi siya ang tunay na ama ni Ivannah. Ikaw Daniel ang ama niya.” Nanlaki ang mata ni Daniel sa sinabing yun ni Lauren. Ganun din si Gian.

“A—Ano?”

“Totoo yun.” Dagdag ni Lauren. Umiiyak siya habang tinitingnan ang dating kasintahan na tila ba gulong gulo na sa mga nangyayari sa paligid niya.

“Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?” Hindi na nagsalita si Daniel at agad na nagpacheck ng dugo para makapagdonate. Matagal tagal rin na proseso ang ginawa. Matagal na naghintay si Lauren at Ivan sa labas habang tinitingnan ang anak nilang lumalaban sa kamatayan.

Si Gian naman ay nakatulala lang at parang hindi alam ang tunay na nangyayari. Kapatid niya ang taong mahal niya, paano nangyari, iniisip niya na bakit sa dami ng babae sa mundo kay Vannie pa siya nainlove. Sa kapatid pa niya.

Lumabas ang doctor ni Christine. Lumapit naman agad si Gian sakanya.

“Malubha pa rin ang kalagayan niya. Pero she is conscious. Gusto mo ba siyang kausapin?” Hindi na nagatubili pa si Gian at nagpunta na siya sa mama niya.

“Mama..” Maluha luhang sabi ni Gian sa Mama niya. Hinawakan nito ang kamay niya. “Mama.. Okay ka lang ba?”

“O—Okay lang ako Gian. Don’t worry about mama ha.” Lalo pang naiyak si Gian sa nakikita niyang kalagayan ni Christine. “Anak, patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko sainyo ng papa mo. Wag kang magalit sakanya dahil kung hindi naman dahil sayo, hindi niya ako tatratuhin ng maayos. Ikaw ang dahilan kung bakit magkasama pa kami. Kasi mahal ka niya. Mahal na mahal ka ng papa mo. Ganun din ako. Mahal na mahal kita anak. Wag na wag mong kakalimutan yan ha. Tuparin mo yung pangarap mo. Yung pangarap ko para sa’yo. Pasensya na, mukhang hindi na ako makakasama sa mga pangarap mo. Pero wag kang mag-alala, babantayan kita. Palagi. Mahal na mahal kita.”

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now