chapter thirty two.

5.5K 66 9
                                    


[Lauren's POV]

"IVANNAH! ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SAYO NA LAYUAN MO NA SI GIAN!"

"Mom ayoko! ayoko! Mahal ko si Gian! Hindi mo ba maintindihan yun?!" Aakmang aalis na si Ivannah pero hinigit ko siya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Para sa ikakabuti mo to. Ayokong masaktan ka!"

"Sa tingin mo mom di ako nasasaktan sa ginagawa mo? Mas masakit to mom! Bakit ba ayaw mong magsama kaming dalawa?!"

"Kasi MAGKAPATID KAYO! Ivannah! Si Daniel ang tunay mong ama!" Halos mawalan ng balanse si Ivannah sa sinabi ko. Napaupo ako sa couch at napahawak sa noo ko. Nakita kong napaupo sa sahig si Ivannah.

Tumayo ako at nilapitan siya. "Totoo ba?!"

"Mom TOTOO BA?!" Tumango ako habang umiiyak. Niyakap ko si Ivannah pero nagpupumilit na kumalas si Van sa pagkakayakap ko.

"Napakaselfish mo mom!!!! Ang selfish selfish mo!!! Bakit mo ginawa to?! Bakit mom!!! Let go of me!!!"

"Ivannah, hindi mo maiintindihan kung bakit ko ginawa to.."

"I hate you! Bakit mo ginawa to?! Bakit kailangan akong maipit sa sitwasyong ganito?!" Nagtagumpay na kumalas si Van sa pagkakayakap ko at tumayo. Naglakad siya palayo hanggang hindi ko na siya nakita.

"Ivannah?"

"Ivannah!!!!!!"

Halos matumba ako ng mapaupo ako. Nilingon ko ang paligid, nakita ko si Ivan na nakatingin sa akin. Panaginip? Panaginip ang lahat? Why do I find it so real?

"Anong nangyari?" Napayakap ako kay Ivan. Napapikit ako ng mariin, pinipigilan ko ang bawat patak ng luhang babagsak sa mga mata ko. Nahihirapan akong tanggapin na yun ang mangyayari kung sakaling aminin ko kay Ivannah ang totoo.

~

Napagpasiyahan kong puntahan si Christine. Gusto ko siyang makita, gusto kong makita kung ano na ba ang lagay niya,

"C-Christine.." Umupo ako sa tabi niya saka siya pinagmasdan. Hindi niya ako tinitingnan, nakatulala siya at hindi nagsasalita.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya. Tumulo na ang luha ko sa paghawak ko sakanya. Ano na bang nangyayari sakanya? Nasan si Daniel? Bakit wala siya dito para alagaan si Christine?

Napansin kong napalingon sa akin si Christine pero walang emosyon siyang nakatitig sa'kin. Pinunasan ko ang mga namuong luha sa mata ko.

Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya. "Christine.." Sabi ko. Napakagat ako sa labi ko para mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Kamusta ka na?" Nilabas ko ang pagkaing hinanda ko saka nilagay yun sa harapan ni Christine.

Hinawi ko ang buhok sa mukha ni Christine. "Ang ganda mo pa rin.. Wala kang pinagbago."

"Alam mo bang, mahal ng anak mo ang anak ko, at mahal ng anak ko ang anak mo? Haha. Nakakatawa nga dahil hindi sila pwede. Nakikita kong nasasaktan ang anak ko kapag pinapalayo ko sya sa anak mo... Siguro eto na nga yung sinasabi mong karma ko sa lahat ng sakit na naidulot ko sa'yo.." Tuluyan ng bumagsak ang luha ko. "Oh pano? Mauna na ako.. Bibisitahin na lang kita sa susunod." Tumayo ako at hinalikan sa ulo si Christine. I gave her a last look before I went out of her room.

Habang naglalakad ako palabas ay marahan kong pinupunasan ang mga namuong luha sa mukha ko. Pero hindi ko napansing may nakabangga na pala ako.

"Sorry. Hindi ko sinasadya.." Tinulungan kong magpulot ng nabagsak na gamit ang nabunggo ko. Nagulat ako ng mahawakan niya ang kamay ko kaya napalingon ako. Laking gulat ko ng makita ko si Daniel na nasa harapan ko.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now