[3]

1.1K 26 3
                                    

Gian

Napaupo na lang ako ng tuluyan nang umalis si Ivannah. Inubos ko ang natitirang mga inumin sa mesa at marahang napasuklay sa buhok ko sa sobrang frustration.

Habang umiinom naman ako ay biglang may mga bodyguards ang pumalibot sa akin. Kaagad akong nagtaka dahil wala naman si Mr. Nakamura dito kaya bakit naman nandito sila?

"May problema ba?" Tanong ko sakanila. Saglit namang nagkatinginan ang mga bodyguards at laking gulat ko nang hawakan ako ng dalawa sakanila.

"Anong ibig sabihin nito?!" Kaagad akong nagpumiglas pero mas malaki sa akin ang mga bodyguards kaya naman hindi ako makaalis. "Bitawan nyo ko!"

"Pasensya na ho, napag-utusan lang."

Ano ito? Kasama ba to sa plano ni Mr. Nakamura kaya niya kami pinapunta dito? Kung ganun, ano nga ba ang plano nya?!

Bigla kong naalala.. Si Ivannah!

Nakarinig ako ng pagtili at alam kong boses ni Ivannah yon!

"Anong ginagawa nila kay Ivannah?!" Hinigpitan lalo ng mga bodyguards ang hawak sa akin at lalo ko namang narinig ang pagtili ni Ivannah.

Mabilis kong sinipa ang bodyguard na nasa harap ko kaya naman nahulog ito sa pool. Pinatid ko naman ang isa sa may hawak sa akin at sinipa sa crotch area niya ang isa. Sabay ko silang pinag-untog at itinulak rin sa pool.

Tumakbo ako papasok ng hotel at habang tumatakbo ako ay nagfile na rin ako ng report sa pulis dito.

Kaagad na inilibot ko ang mga mata ko sa paligid pero hindi ko makita si Mr. Nakamura at Ivannah.

"IVANNAH!"

Tiningnan ko ang bawat kwarto pero hindi ko sila makita.

Tangina Vannie! Nasaan ka?!

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Lara

Nasa ganoong posisyon pa rin ako habang dahan dahan na lumalapit sa akin si Mr. Nakamura. Bakas ang matinding pagnanasa sa mukha nito kaya lalo akong natakot sa pwedeng mangyari sa akin..

"Walang magliligtas sa'yo. I already made my bodyguards look after Gian. He can't come to save you."

Nang makalapit siya ay sinipa ko siya pero may hawak pala itong kutsilyo at nasugatan ang pisngi ko.

"I told you, wala ka nang magagawa! Kaya just go with the flow! Kung ayaw mong mamatay." Hinawakan ni Mr. Nakamura ang baba ko at iniharap sa mukha niya ang mukha ko.

Kasabay nun ay hinihimas ng kamay niya ang binti ko. Tuluyan nang tumulo ang luha ko.

"G-gian..." I unconsciously said.

Ipinikit ko ang mga mata ko.

"IVANNAH!" Kaagad kong narinig ang pagsigaw ni Gian mula sa labas ng kwarto kaya naman nabuhayan ang loob ko.

"GIAN!!" Sigaw ko pabalik pero kaagad na itinutok ni Mr. Nakamura sa leeg ko ang hawak niya kutsilyo.

"Ang sabi ko manahimik ka!" Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. There is still a hope na sana mailigtas ako ni Gian mula sa manyak na ito.

Hinablot ni Mr. Nakamura ang pang-itaas ko kaya naman napunit ito. Ipinantakip ko ang braso ko sa dibdib ko habang patuloy na sinisira ni Mr. Nakamura ang mga saplot ko.

Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak.

Pumaibabaw sa akin si Mr. Nakamura at hinalikan ang leeg ko. Pilit akong umiiwas pero hawak niya ang magkabilang kamay ko at hindi ako makapagpumiglas.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now