chapter twenty.

8.2K 103 7
                                    


[Lauren's POV]

Isang linggo na ang nakakalipas mula nung ikasal kami ni Ivan. Civil wedding lang. Mabilisan lang, kailangan na kasi naming makasal. Ayokong makasal siya sa iba.

Huminga ako ng malalim habang nasa kwarto, pinagmamasdan ko si Ivan. Hindi pa rin nawawala sa isip kong nagsinungaling ako sakanya.

"Lauren, stop overthinking please?" Naramdaman kong yumakap sakin si Ivan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo na ng kusa ang luha ko.

"Ayt. Babe stop being like that. Ang aga pa para umiyak. Tara nga dito." Yumakap ako sa kanya. At naramdaman kong binuhat nya ako.

"Ivan baba moko!!" Pagpupumiglas ko pero binuhat parin ako pababa ni Ivan.

Nagkatitigan kami ni Ivan at naramdaman ko ang kakaunting espasyong namamagitan sa labi namin. I love this guy so much. I can't afford losing him.

Tinawid ko ang space na yun at hinalikan siya. He kissed me back. Nagpatuloy ang halik hanggang makarating kami sa couch.

Hiniga nya ako habang hinahalikan parin ako. Nang biglang may nagdoorbell.

"Expecting anyone?" Tanong ko kay Ivan. Umiling naman siya saka binuksan ang pinto.

Napatayo ako nang makita ko ang mama ni Ivan na nakatayo sa pintuan. Napalulon ako sa talas ng tingin niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito ma?" Tanong ni Ivan.

"I'm just here to check you out and give you two this invitation." Sabay abot sa akin ng invitation. Mamayang gabi to.

Saka umalis ang mama ni Ivan.

Umupo sa tabi ko si Ivan. "Are we going?"

"Oo naman. Party ng mommy mo yan." Gusto kong sabihing wag na ayoko pero hindi pwede. Kailangan kong mapatunayan ang sarili ko sa mama nya.

"Are you sure?" Tumango ako ulit kay Ivan.

"I want to go to the party." Sabi ko. Niyakap naman ako ni Ivan and I hugged him back. Kahit masama ang kutob ko sa party na yan kailangan parin naming pumunta dun.

"Hey! Nakasalubong ko ang magaling kong ina sa gate. Anong pakay nanaman nun?" Sabi ni Ate Daniela na kasalukuyang kakapasok palang ng bahay.

Iniabot ni Ivan ang invitation na bigay ng mama nila. "Party? Anong klaseng party to? Pagbubunyi dahil kinamumuhian sya ng dalawang anak nya?" Sarkastikong sabi ni Ate Daniela.

"Pupunta kayo?" Tumango ako kay Ate Daniela at nagkibit balikat lang siya.

"Okay! Sasama na rin ako. I need to be there. Baka kasi mamaya kailanganin nyo ng bitch." Saka umakyat si Ate Daniela sa kwarto niya.

Tama ba ang desisyon kong pumunta sa party?

**

Mabilis na tumakbo ang oras.

7:00PM ang start ng party.

Kasalukuyan kaming nag'aayos. I'm wearing a red dress. Simple lang. Ayokong magpakasosyal dahil alam ko namang hindi ako ganun.

Nilapitan ko si Ivannah. I carried her. Hinalikan ko ang pisngi ng anak ko and I hugged her. Buti nalang at hindi pa nya alam ang nangyayari sa paligid niya. Kung gaano kagulo sa mundong ginagalawan niya.

Nakita ko si Ivan wearing a white suit. Napangiti na lang ako sakanya.

Lumapit siya sa amin saka binuhat si Ivannah. "Let's go?" Tumango naman ako saka kami bumaba.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now