chapter eighteen.

8.2K 101 6
                                    


[Christine's POV]

Bullshit. Bakit kailangan ko pang makita yang hayop na Lauren na yan! Kung kailan kasama ko ang mag'ama ko saka pa mangyayari to? Tss. Nakakaasar.

"Bakit ganyan pagmumukha mo?" Tanong sa akin ng asawa ko. Oo. Asawa ko. We had a civil wedding bago ako manganak. Mag'asawa nga kami pero sa papel lang.

"Ba't kailangan mo pang lapitan si Lauren kanina? Tss. Ano ba yan! Kami yung kasama mo diba?"

"Damn Lauren, para yun lang? Tss." Napatigil naman ako sa binanggit niyang pangalan. Lau..Ren.. Lauren.

"C-Christine." Padabog kong nilapag ang kutsarang hawak ko saka binuhat si Gian palabas ng restaurant.

Umiiyak akong naglakad. Damn. After all these months si Lauren pa din ang laman ng isip niya. He such an asshole!

"Christine!" Tawag niya pero hindi ako lumilingon. God, ang sakit. Ang sakit sakit.

"Christine! Bumalik ka dito!"

"CHRISTINE!" Napalingon ako kay Daniel ng higitin niya ko. Kinuha niya si Gian saka hinigpitan ang hawak sa braso ko.

"Umayos ka! Nasa mall tayo! Wag kang gumawa ng eksena dito!" Daniel said with gritted teeth. Natatakot ako sakanya pero hindi ko pinakita sakanya yun.

*cough*

Napatingin ako kay Gian. Inaatake nanaman siya ng hika.

"Baby! Baby," Inabot ko kay Daniel ang inhaler ni Gian saka pinagamit yun sakanya.

Nang kumalma na si Gian ay binuhat siya ulit ni Daniel. "Tara na, tigilan mo na yan. Nakikita ng anak natin." Saka naglakad papalayo si Daniel.

Ano pa bang kailangan kong gawin para mahalin mo ako Daniel?

-

[Lauren's POV]

Nasa bahay kami habang nanunuod ng movie. Next week na ang kasal namin. Naeexcite na talaga ako. Every girl dreams of getting married to the man they love.

"Nasaan si Ate?" Tanong ni Ivan. Kanina pa kasi umalis si Ate Daniela for some 'monkey business' pero hanggang ngayon kasi wala pa siya sa bahay.

"I'll call her," Saka ko nilabas ang phone ko para i'dial ang number ko pero di ko napansin na may nagtext pala sakin.

From Unknown Number.

Lauren, si Daniel to. Meet me this afternoon at the mall, 4pm. I'll be waiting.

Nabato ako sa kinatatayuan ko. Nanginig at parang nanlambot ang tuhod ko. Ano nanaman? Makikipagkita ako sakanya tapos ano? Parehas na kaming may pamilya pero bakit nakikipagkita pa siya?

"Lauren, is everything ok?" Mabilis kong tinago yung phone ko sa bulsa ko.

"A..Ehh. Uhm. Wala na pala akong load." Pagsisinungaling ko. Bakit ako nagsinungaling? Hindi ko naman dapat paglihiman si Ivan, pero mas mabuting di nya alam.

Bumalik kami sa sala at saktong dumating si Ate Daniela.

"O, ate bat ngayon ka lang?"

"W-Wala. Natraffic. Magpapahinga muna ako ok?" Saka umakyat si Ate sa kwarto niya.

It's 3:30PM. Pupunta ba ako? O hindi? Damn Lauren. Wag na! Tapos na ang lahat sainyo!

"Ivan, lalabas lang ako sandali ha. Babalik din ako." Kinuha ko yung bag ko sa couch.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now