[13]

869 22 1
                                    




LARA


"Mommy, why are we suddenly taking a vacation?"

"Because this is my gift to you two.. We are going to relax." Tinuloy ko ang pag-eempake ng gamit ko habang nag-eempake na rin ang kambal. "You better hurry.. The flight will be this night. We can't be late."

"Okay, mom." Bumalik sa pag-eempake ang kambal at bumalik sa kwarto nila para kunin pa ang iba nilang gamit.

"Lara, are you really sure about this? Babalik tayo ng States?" Hindi ko pinansin si Cloud at tuluy-tuloy pa ring nag-empake. "Lara, we can't run away forever----"

"I will run away as long as I can! Hanggang kaya kong ilayo ang mga anak ko ilalayo ko sila Cloud! Gian is now on the go on finding out if Kei and Kio are his sons and I can't just sit here waiting for him to come here and take them away from me! Cloud, hindi ko kayang mawala ang mga anak ko alam mo yan! They are the reason I'm still alive today, they are my only reason of living.. I can't let Gian take them away from me.. I can't.." My eyes started to water and the next thing I knew, I was in tears. I'm afraid Gian will take away my kids..

"Don't worry, Lara.. The twins love you and I know they will never leave you for Gian." Cloud hugged me and I didn't protested, I just let myself cry on Cloud's chest.





GIAN


Lumabas ako sa office ko para pumunta sa bahay nila Ivannah. I need to see them.. I need to see my kids.

"Gian, where are you going?" Christa pulled my arm. Binawi ko lang iyon.

"I'm going to Ivannah's place."

"Wait.. what? Why are you going to that girl's house?!" Ipinakita ko kay Christa ang DNA results. Napaatras lamang ito.

"Those twins are my children. I need to see them, and you can't stop me from doing that." Tinalikuran ko si Christa pero naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likod ko.

"Please.. Please don't go! Don't go Gian! Just let them be.. Stay with me.. Stay with us. Please Gian, please!" Tinanggal ko ang pagkakayakap sa akin ni Christa at tuluy-tuloy na lumabas sa bahay.





MABILIS kong pinaharurot ang kotse ko papunta sa bahay nila Ivannah. This is my chance. This is my chance to finally get her back.. I want to get my wife back.. I want to get my family back.

When I reached Ivannah's house, mabilis kong kinalampag ang gate.

"IVANNAH! IVANNAH!" I started shouting while trying to open their goddamn gate. "IVANNAH OPEN THIS GATE!"

"Gian, what are you doing here?" Lumabas si Tita Lauren at Tito Ivan.

"Tito... Tita... Please, parang awa niyo na po, hayaan niyo akong makita si Ivannah at ang mga anak ko.. Please.."

"A-anak mo?"

"I know Kio and Kei are my sons.. H'wag niyo nang itago sa akin! I've got the evidence for everything. Please give me the rights to see my children!" Lumapit sa akin si Tito Ivan.

"You don't have the rights to be called a father to them. You abandoned them three years ago!" Lumuhod ako sa harap nila.

"Parang awa niyo na, hayaan niyo akong makita ang mga anak ko.. Please.."

"Gian, para sa ikatatahimik ng lahat.. Umalis ka na. Hindi makakabuti sa kambal kapag nakita ka nilang ganito." Tita Lauren told me. But I'm desperate, I'm desperate of seeing them.

"Hindi po ako aalis dito hanggang hindi ko nakakausap si Ivannah.." Napaangat ako ng tingin nang makita ko si Ivannah na palabas ng bahay nila.

"Ma, Pa.. Ako na pong bahala dito, pakibantayan na lang po ang kambal sa loob." Lumapit ito sa kinaroroonan ko kaya't ipinagpatuloy ko ang pagbukas ng gate nila.

"Ivannah. Those kids are my children! Let me see them!"

"Gian umalis ka na! Tumigil ka na! Hindi mo sila anak, Gian! They are my children at kahit magkamatayan tayo dito hinding hindi ko sila papalapitin sa'yo!" Inabot ko ang kamay ni Ivannah and kneeled in front of her too. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay nito.

"Vannie.. please. Please I'm begging you. Sorry Vannie.. please."

Binawi ni Ivannah ang kamay niya mula sa akin, "Let go of me. Alam mong matagal na tayong tapos. Ikaw mismo ang tumapos kaya anong karapatan mo para humingi ng tawad sa harapan ko!" Napatigil ako nang makita ko ang pag-iyak ni Ivannah, "Gian hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko dahil sa ginawa mo! Ilang gabi akong umiyak, ilang gabi akong di makakain, ilang gabi kong sinubukang tapusin yung buhay ko dahil sa ginawa mo sa'kin! The twins are the only reason I am here right now. Kung di dahil sakanila matagal na sana akong patay, Gian!"

"Vannie... I'm sorry... I'm so sorry, Ivannah.."

"Hindi sapat ang sorry mo para mapatawad kita sa lahat ng ginawa mong kawalanghiyaan sa akin! Kulang yan!" Nakita kong lumapit si Cloud kay Ivannah at sinubukang pakalmahin ito pagkatapos ay tumingin ito sa akin.

"You better leave, Gian. There is no place for you here." Ngumisi lang ako kay Cloud.

"At tingin mo sayo meron? I'm the legal father of those kids. May karapatan akong mapunta dito."

"Wow, you have the guts to tell that after everything you did? You must be crazy." Lumapit ito sa akin at walang pagdadalawang isip ko siyang kinuwelyuhan.

"Crazy or whatever you want to call me, as long as I can see my children!"

"TUMIGIL KANA GIAN! Ano ba?! Ano pa bang gusto mo ha?!" Ivannah pulled Cloud away from me. "Sinira mo na yung buhay ko noon, pati ba naman ngayon sisirain mo ang buhay ko! Gian umalis ka na!"

"Vannie, no.. no... Hindi ako aalis dito hanggang hindi ko sila nakikita. Alam natin parehas na anak ko si Kio at Kei at may karapatan akong makita ang mga anak ko!"

"Mommy?" Natahimik ang paligid nang may maliliit na yabag kaming nakitang papalapit sa amin. It's the twins.. "Mommy, what is that guy talking about?"

"K-kei, kio.. p-pumasok n-na kayo. This is for adults, you shouldn't be here.." Pero imbis na pumasok ay tumingin lang sa akin si Kei.

"No mommy, that guy was telling something.." Lumapit sa akin si Kei at tiningnan ako. "Mister father of Jake, is it true? You are our father?"

Hinawakan ko ang kamay ni Kei at hinaplos ang mukha nito. Umiiyak akong napangiti, "Y-Yes, I'm your real dad Kei.. I'm sorry I only showed up this moment.. I.. I never knew."

Hinaplos ni Kei ang mukha ko at pinunasan ang luha na namuo sa pisngi ko. Ngumiti ito. "Don't cry, mister..." Sabi nito, "I was waiting for you everyday, I knew you'd come back and see us.. I knew it."

Napatingin ako kay Ivannah at umiiyak lang itong nakatingin sa amin. Yakap yakap nito si Kio na nakatingin lang sa akin. His eyes were full of anger. Nakikita ko iyon. He's mad at me and knew I left them.

"Lara, I think this is the right time." Sabi ni Cloud. Pansamantalang napatahimik si Ivannah bago ito lumapit at binuksan ang gate ng bahay nila. The moment the gate opened, mabilis kong niyakap si Kei. He hugged me back and I tried reaching out for Kio.

"I will never hug you! You are just a stranger to me!" Sabi nito tsaka tumakbo papasok sa bahay nila. I knew he hates me, from the way he described me.. I knew it and I know that I deserve it.

"Vannie.. thank you, thank you so much.." Umiwas lamang ito ng tingin at tumalikod mula sa akin.

"I'm not doing this for you. I'm doing this for my kids. Don't get the wrong idea. I don't have any plans on coming back with you."

xxxxxxxxxxxxxxxxxxx

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now