TULA #20 || 100 I LOVE YOUS (Wag kang hihinto)

7 2 0
                                    

Ika'y lumipad ng mataas, hindi magmamataas
Bagkus magpapakumbaba at magiging patas
Kung mahuli ka man sa habulan, sa karerahan
Wag kang titingin sa kung sino man ang may napatunayan

Gumawa ka ng sarili mong pangarap
Gamit ang likot ng iyong isipan, palaging kang humarap
Sa mga taong handa kang iangat, ngunit
Kung kung maubusan ka man ng tao, tumingin ka lang sa alapaap

Pakiusap, wag kang hihinto
Wag kang lalayo, wag kang magtatampo
Wag kang magtatanim ng galit, wag kang magiging mapait
Bagkus matuto kang magmalasakit

Dahil kahit ano mang pasakit, hinding hindi nya ipagkakait
Hindi ka nya minamaliit, sa halip ay
Pinagmamalaki ka nya, alam nya'ng ito'y iyong makakaya
Makakaya mo ulit tumayo, wag ka lang hihinto

Ikaw ay may sariling kakayanan, kakaiba
Naiiba, at kung hindi man napapansin ng iba
Mayroon paring magpapahalaga sa iyong halaga
Wag kang hihinto, kapit lang at ito'y malapit na

- I love you ❤️

100 I LOVE YOUSWhere stories live. Discover now