TULA #29 || 100 I LOVE YOUS (May pag-ibig)

3 2 0
                                    

May pag-ibig sa umpisa, kung saan doon lang masaya
May pag-ibig sa gitna, kung saan masasaktan ka ng malala
May pag-ibig sa dulo, kung saan pag-ibig nyo'ng dalawa'y mananalo
Pero bakit kailangan munang masira bago mabuo?

Diba pwedeng magkasamang binubuo
Magkasamang pinapalakas ang isip at puso
Di kailangang iwanan, di kailangang pagsawaan
Pero ganun siguro talaga, wala ng magagawa

Bago matagpuan, mayroon munang napakalaking harang
Bago masubukan, sandamakmak na alinlangan
Wala ng bago doon, palaging pagdadaanan
Nakakasanay, nakakatakot at nakakapanghinayang

Subalit kung ang tunay na pag-ibig ay mahirap matagpuan
Ito lang ang dahilan kung bakit nilalayo tayo sa kamalian
Sa mga maling tao, sa mga taong ika'y sasaktan
Sa mga taong hindi nakikita ang tunay kahalagahan

Magulat ka nalang isang araw, 'nandyan na ang dulo
Tunay na pag-ibig ang makakapagpanatag sa puso
Hindi na kailangang hanapin, 'nandyan na sya
At kapag ang puso nya'y lumapit, lapitan mo sya

- I love you ❤️

100 I LOVE YOUSWhere stories live. Discover now