TULA #33 || 100 I LOVE YOUS (Hiwaga)

5 2 0
                                    

Aking kalakasan ang iyong mga ngiti
Kay sarap damhin ang bawat sandali
Na parang walang katapusang saya ang nadarama
Sa piling mo giliw 'di na mangangamba

Kung tutuusin, ito'y idinagdag lamang sa aking panalangin
Ngunit ang saya naman ng idinagdag sa akin
Hindi ko inasahang mithiin subalit kusang lumapit sa akin
Sadya nga'ng kay swerte ko, ikaw ay akin

Lumiliwanag ang paningin dahil ika'y may pagtingin
Aanhin ko pa ang mga bagay dito sa mundo kung sayo naman ako nakatingin
Tila kay hiwaga ng iyong pagkatao, 'san kang galing mundo
Sana'y dalhin mo'ko, ako'y sasama sa iyo

Hiwaga ng babaeng aking natagpuan
Hindi maipaliwanag ng karamihan
Walang naniwala, 'di nila ako pinakinggan
Bagkus iniwan at 'di pinagkatiwalaan

Hanggang isang diwata ang aking natagpuan
Sya'y may kakaibang pagkatao, hindi ko inasahan
Bagkus aking hinayaang mahulog at magmahalan
Hindi na tatalikod, ako'y haharap sa'yo at 'di ka iiwanan

- I love you ❤️

100 I LOVE YOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon