TULA #81 || 100 I LOVE YOUS (Sapat na)

1 0 0
                                    

Tunay ngang ika'y kakaiba
Di kailangang maghanda
Ng magarbong damit
Upang ika'y kaakit-akit

Sapat nang ika'y simpleng binibini
Na aking iniibig at pinipili
Sa iyong taglay na kabaitan
Tunay ang iyong katangian

Di maikubli ang nadarama sa'yo
Sapagka't nais kong malaman mo
Na habang buhay mananatili
Ang pag-ibig kong sayo'y nakatali

Tulad mong binibini ang aking hahanap-hanapin
Kahit saan magpunta'y pangalan mo ang sasabihin
Hindi mag-aalinlangang ipagsigawan
Tulad mong binibini ang aking sasamahan

Dahil makita ko lamang ang mapupungay mong mata
At kutis mong nakakabighaning makita
Wala na akong hahanapin pa
Dahil ang ibigin ka ay sapat na

- I love you ❤️

100 I LOVE YOUSWhere stories live. Discover now