TULA #56 || 100 I LOVE YOUS (Ang Pag-ibig Part 1)

1 1 0
                                    

Ang pag-big ay sayo, hindi mabubura ng kahit sino
Ang pag-ibig ay hindi lamang saya, ito'y susubukin ng pagkabigo
Ngunit kahit ano pa man ang mangyare, wag na wag mo itong isusuko
Dahil maniwala ka, may tutupad din ng mga pangako

Ang pag-ibig ay hindi perpekto, kaya naman madaming naloloko
Madaming naghahanap, madaming umiiyak
Pero ganun paman, ika'y maghintay parin
Na balang araw, ikaw naman ang mamahalin

Ang pag-ibig ay wala sa edad
Agwat man ang hadlang, pag-ibig naman nati'y mapalad
Hindi sa bilang ng panalo o pagkatalo
Kundi sa pananatili ng pag-ibig nating hindi natatalo

Ang pag-ibig ay wala sa layo
Distansya man ang hadlang, pag-ibig pa rin ang nilalaban
Kaya naman ay wag mawalan ng pag-asa
Konting panahon nalang, tayo na'y magkikita

Ang pag-ibig ay nagmumula sa Diyos
Kung sya ang nasa gitna, lahat ay maaayos
May dahilan kung bakit tayo'y pinagtagpo
May dahilan kung bakit ang edad at lugar ay magkalayo

- I love you ❤️

100 I LOVE YOUSWhere stories live. Discover now