TULA #72 || 100 I LOVE YOUS (Pangarap kita)

8 1 0
                                    

Ngiti mong kay saya'y di nakakasawa
Sadyang akong may taglay na pag-papala
Dahil ika'y ibinigay sa akin ng mga tala
Sulit ang buong gabi kong nakatulala

Gustong pagmasdan ang napakaganda mong mukha
Gusto na kitang mahagkan at makasama
Gusto na kitang alagaan, sabay tayong tatawa
At sa bawat araw na kasama ka, wala ng pag-aalala pa

Dahil natagpuan ko na ang matagal ko nang pinapangarap
At ngayo'y para akong nasa alapaap
Hindi ako nahihirapang mangarap
Lahat ay posible ng mangyari, posible ka ng mayakap

Araw-araw kitang mamahalin
Ikaw ang laman ng aking mga dalangin
Dahil pangarap kita, lahat ito'y inaamin
Simula una pa lamang, gusto ng ika'y maging akin

Kaya ngayong akin kana at ako'y sa'yo narin
Ipinapangako kong habang buhay ka nang mamahalin
Hindi mawawala sa piling mo, nandito palagi ako
Wag ng mag-alala, ako'y kasama mo na

- I love you ❤️

100 I LOVE YOUSWhere stories live. Discover now