TULA #51 || 100 I LOVE YOUS (Ako'y naniniwala)

1 1 0
                                    

Ako'y naniniwala kahit hindi pa nakikita
Hindi pa nahahawakan, hindi pa nakakasama
Dahil ako'y naniniwala sa iyo
Puso ko'y naniniwala sa iyo

Ako'y magtitiwala, ako'y maghihintay
Ganon na lamang ang aking pananalig
Dahil binibigyan mo ng kahulugan
Ang mga bagay na dapat kong maunawaan

Tunay nga na pag-ibig ang lalapit
Tunay ngang mahiwaga kung mananalig
Dahil ako'y naniniwala na darating
Ang panahong ika'y makakapiling

Saksi ang aking mga tula
Sa ating pag-ibig na mahiwaga
Kakaiba, sadyang naiiba
Sadyang mataas, sadyang ikaw nga

Kaya ako'y naniniwala sa pag-ibig natin
Pag-ibig na makabuluhan, ito'y dadalhin kahit saan pa man
Ako'y mananatiling sa'yo magpakailanman
Mapagpasawalang hanggan, puso ko'y ikaw ang laman

- I love you ❤️

100 I LOVE YOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon