TULA #96 || 100 I LOVE YOUS (Malapit)

1 0 0
                                    

Sa tagal natin, di ko namalayan
Na lumalalim na ang aking nararamdaman
Para sayo binibini, ika'y walang katulad
Walang makakapantay na sa aki'y nagpamulat

Ng mga bagay na kinaya ko
Bumago sa pagkatao ko
At ni minsan ay hindi ka umalis sa tabi ko
Pag-mamahal mo'y naramdaman ko

Malayo man tayo sa isa't isa
Ngunit puso'y pinaglapit, itoy nadarama
Na sa wakas may binibini ring tumanggap
Ng mga tula mula sa ginoong nangangarap

Pag-ibig ang nais, ngunit sobra pa ang ibinigay
Kaya maipapangakong ako'y kasama mo na sa habang buhay
Malapit na, pero tayo'y malayo na
Dahil sa'yo puso ko'y masaya na

Kaya sa araw na makasama na kita
Ipararamdam ko kung gaano ka kahalaga
Na isang binibining tumanggap
Ng isang daang tulang may pangarap

- I love you ❤️

100 I LOVE YOUSWhere stories live. Discover now